Chapter 66

74 7 0
                                    

~AC POV~

Nabalitaan kong gising na si Natasha pero di muna dapat kami magkita, siguro kung magkikita man kami. Yun yung araw na titigil na din ang ginagawang pangongontrol ng M. Person.






Nakausap ko na ang expert na pinatawag ni Thermo mula sa kabilang grupo namin nakasapi din ng DA. Di ko alam na si Petron Diesel pala ang tatawagin niya para dito. Hindi ko din naman alam na isa pala itong albularyo.







Pero ang mas nakakapagtaka, marunong din si Thermo...



[Flashback]


"Brok, andyan si El Niño" tamad na tamad na sabi sa akin ng gung gong na iyon. Kanina pa yan e simula ng matapos sa mga files na iniemail niya.


Para ngang galit?!



"Papasukin mo na" sagot ko sakaniya at umayos ako sa pagkakaupo sa sofa. Kung kanina nakaupo akong parang nadudumi, ngayon ay swabe na kong nakaupo.


Ang akala kong matandang lalaki na papasok sa HQ ay talagang matanda. Yun pala ay isang makisig at maappeal na lalaki ang madadatnan ko?



Ulaga talaga ng Thermo na to? Kagaguhan talaga sa katawan, sukatin ba namang ipagyabang sa akin na kahit matanda na daw yung El Niño eh kaya pa din daw nun lumaban.



Abay oo nga magaling ang isang to e pero ngayon ko palang siya nameet ng personal.




"Petron?" Napatayo pa ako sa kinauupuan ko sa labis na gulat.

Yumuko lang si Petron.


"Tama na yan! Magsimula na tayo" walang kagana-ganang pag entra ng lalaking ito. Bored na bored siya at wala sa mood.

Anong nakain mo Thermo at biglang ang sungit mo? May regla ka?


"Umupo kana" utos ko kay Petron.


Umupo ito sa mahabang sofa at tumabi kay Thermo na kasalukuyan ng nakaupo sa sofa at nakasimangot.



"Ano bang ipapagawa niyo?" Seryoso lang si Petron, oo mas matanda sya sa akin. Hindi ko ipagkakaila ang mga bagay na iyon. Pero ang masasabi ko, kahit mas matanda siya sa akin mas ginagalang niya pa ako.


At yun ang di ko alam kung bakit.

"Sabi ni Thermo ikaw daw ang makakatulong sa amin" seryoso ko ding sabi habang dumadampot ako ng gummy cola worms.




"Sinabi mo nga yun?" Biglang lingon naman ni Petron kay Thermo at walang kamuwang muwang sa pag boboost sakaniya ng.



Tumango lang si Thermo pero hindi pa din nawawala yung nakasimangot na mukha niya.



Ok naman siya kanina pero biglang naging ganyan na pagkatapos mag email.





"Ano ang ipapagawa niyo?"



Nagsmirk lang ako bago magsalita.


"Gusto kong malaman kung gumagamit ba ang taong ito ng tinatawag nilang itim na notebook?" Pinakita ko sakaniya ang litrato ni M. Person.



Tumango tango naman siya.. Bago lumingon sa bag niya at may kinuha.





Isang malaking board iyon. Kung iisipin mo parang Quija board.



"Para saan yan?" Tanong ni Cherie mula sa tabi ko.


"Eto ang sasagot sa katanungan natin" sagot naman ni Petron.


I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon