Chapter 18

94 8 0
                                    

~Nasha POV~

Napalingon kami ni Susi ng biglang may nagsigawan na mga babae sa may hagdan. Ewan namin bakit nagsisigawan sila. Kinikilig pa at animoy kala mo sinisilihan ang paa.

"Lower year palang lalandi na.. Hmp!" Mas lalo akong napatingin sa mga nagsigawan na yun nung nagsalita bigla yung isa sa Trio Bulos.

Napahagikhik nalang ako dahil ang bitter niya.

Pero ang di namin inaasahan pag harap na pagharap palang namin ni Susi sa hagdan nakita namin na patakbo na ung mga kinikilig na babae, tapos biglang nilabas ung mga gifts nila.


Ahhhh kaya pala..

Yun nalang nasabi ng utak ko habang nakatingin sa kanila.

Kaya naman pala, may lalaking pagbibigyan.

Kaso nagulat kami pareho ng makita naming si Mr. Marks yung pagbibigyan nila and wow oh wow nakakamangha na ang babae pa ang magbibigay sakaniya.


Oh. Oh. Medyo na underestimate ko ata si Mr. Marks dahil isa nga pala siyang Marks. Sa pagkakatanda ko kasi pogi ang mga Marks.

Pero nung nakita na ni Mr. Marks yung mga babaeng magbibigay sa kaniya ng gifts, ni hindi siya nagulat sa mga nangyari parang simple lang. Plain as in plain.


Yung tipong nakakita ka lang ng tao tas yun na. Matagal siyang nagpose bago ngumiti, nakapamulsa pa din siya. Infairness ang pogi niya.

Shut up Nasha!

Un nalang nasabi ko sa part ng utak ko.

Kinuha ni Mr. Marks yung mga gifts tapos ngumiti uli siya at saka nagsialisan ung mga babae. Akala namin kung sinong kinakikiligan nila yun pala si Mr. Marks.

Bakit di ka ba kinikilig?

Napasapo ako sa labi ko, at ang tanga ng utak ko. May sariling bibig din.

"Uy, anyare?" Kalabit ni Susi.

"Wala, may naisip lang ako. " tapos tinignan namin si Mr. Marks at pagkalingon namin ni Susi sabay ding paglingon niya. Oh cmon! Nagtama ang mata namin.

Shemas, ganyan siya sa bus e. Kaya ayokong nakatingin sa mata niya nakakaintimidate.

Tapos umiwas na uli siya ng tingin. Parang wala lang.

Tsenen! Sabi sayo e, hanggang tingin ka lang e.

Ay anak ng tokwa oh. Ano bang klase utak meron ako. Matalino naman ako, pero wag naman sana mabaliw.










Ang ganda ng view. Nakakatuwa. Ang ganda ganda talaga! Parang nakatingin ako sa mga islang pag aari ko at dinadama ko ang hanging nananalaytay sa balat ko.

Pero echos lang yon kasi di naman akin ang hundred islands haha.

Nagtake kami ni Susi ng picture habang background namin ung magandang hundred islands.

Syempre gumamit kami ng selfie pad para naman maoccupy ung buong view.

Its a nice place. Nice place to lean on and to move forward.

Ano bang pinag sasabi mo Nasha, baliw kana ata talaga. Kung ano ano nalang nalabas dyan sa utak mo tapos ngayon pati sa bibig mo.

My gosh! Yan na ata ang kakambal ng katalinuhan, ang mabaliw





A/N: yung pic na nasa taas sa cover at sa middle ganda diba? Nakakaamaze! Pero dont mind the pepol out there sa pic hahaha basta ung view lang pinepresent ko haha.














I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon