Chapter 29

92 8 0
                                    

~AC POV~

"Na-trace ko Uncle, nasa 6th floor. As per my observation, penthouse ang kinuha nila. Kakalipat lang nila ngayon kasabay namin at nagsstart na silang mang hack again. "

Tinawagan ko si Uncle McQueen, natrace ko na kung saan naglalagi ngayon ang kasong hahawakan ko palang sana after ng fieldtrip. Pero mukhang mapapaadvance na dahil nandito lang sila sa mismong hotel.

Sinabihan ko si Thermo na wag maingay sa ibang students at kapag nagbigay ako ng move na kailangan ko ng back up, saka sila susugod. Gusto ko munang masiguro na sila nga ang samahan sa loob ng kompanyang umaapila tungkol sa mga accounts na nawawala at mga pera.

6th floor, left. Every move i take has indicator na naglalabas ng history na yun ang dinaanan ko, it maybe a luminous foot prints or a history of directions sa gadget na hawak ni Thermo ngayon. Yes, isinama ko si Thermo sa case na ito which is very helpful dahil kung totoo nga ito, magiging excited na naman kaming dalawa.

Naglalakad ako ng casual sa 6th floor habang sumisipol sipol at tinitignan ang bawat kwarto doon. Left yun dahil natrace ko ang anonymous data ng hacker. At kung susumahin ko, umaattack sila ngayon para sa huli nilang kukunin, Dungeon Account.

Left. Straight. *click*

isang kwarto ang bumukas at may ilang malalaking tao ang lumabas mula doon, nakaitim na polo shirt sila, mga nakaslacks na itim at black shoes. Nakashades kahit wala ng araw at gabi na, may mga walkie talkie na hawak na ngayoy nasa bibig nila at mukhang may kausap. I walk confidently and quietly observing.

Narinig ko pa sa isang lalaki na nag aarabic na ipapapatay ng boss nila ang may ari ng kompanyang iniimbestigahan ko. Napasmirk nalang ako ng sa akin na mismo lumalapit ang ebidensiya ng walang kamalay malay ang mga gung gong na ito. Hinintay kong umalis muna ang mga mukhang bisugong body guards doon at bumalik uli sa tapat ng kwartong pinaglabasan nila.

Pota! Mga highly professional ba talaga sila? Iniiwan basta ang door na bukas?

Damn, napangiti nalang ako ng maisip na, dumadali sa akin ang mga pangyayari.

Di ko na kailangan ang master card para gamitin itong pambukas. Pero bago pa ako makapasok ay may dumaang bellboy doon na mukhang mag aabot ng pagkain sa nasabing kwarto.

At sa mabilis na pamamaraan nakaisip ako ng ideya.

Umalis ako sa harap ng pinto at nagkunwaring napadaan lang na nilalang habang pasipol sipol. Nang malapit na kami sa Fire Exit ng hallway ay agad kong itinulak doon ang bellboy at inilabas ko ang chapa ko ng DA.

*Detectives Association*

Hindi naman nag atubili ang bellboy na ibigay sa akin ang damit niya at magpalit kaming dalawa. Bukod sa kailangan niya akong sundin ay kailangan niya din makaalis dito dahil siguradong magkakabarilan.

At bago ko pa man gawin ang bagay na ito ay inutusan ko na ang Team ko na alisin lahat ng guest sa hotel ng di namamalayan ng mga tao sa 6th floor. Pahirapan man na i-explain sa management ng hotel ay kailangan tong gawin at pinakita ng mga ito ang katibayan na may kriminal silang nakacheck in dito. Maging sila ay nagulat at di na umapila pa.

Nakaset na ang lahat bago ako umalis sa Fire Exit.





Pasipol sipol akong lumakad papuntang room 309. At sa inaasahan ko nakaawang padin ang pinto, kung kayat kumatok nalang ako at sumigaw ng Room Delivery..

Binuksan ko naman ang pinto para tignan ang nasabing kwarto at kung mapapansin mo walang katao tao sa living room ng room. Kaya naman mas lalo kong nilakasan ang Room Delivery para magsihulasan ang mga ugok.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon