A/N: Pasensiya na ngayon lang nakaUD, nakalimutan ko kasi sa sobrang pagkabadtrip ko ngayong gabi. Happy reading.
~Natasha POV~
dinamba ko ang cute na cute at fluffy na fluffy na panda ko. First time to, as in di ko expect na totohanin ng lalaking yun ang sinabi niya.
[Flashback]
"Nasha..." Rinig kong tawag ni mama mula sa labas. Kakadarating lang niya siguro. Pero di pa naman gabi?
Bumaba ako at pumunta sa pintuan. Ang akala kong nanay ko ang natawag sa akin ang makikita ko pero hindi pala.
O.o
O.O
o.O
Para akong batang ngiwe ke ngiwe na maiiyak na matutuwa na mapapangiti na mapapasinghot na mapapatanga...
Grabe ito na ba yun? Grabe hindi akalain na talagang gagawin niya...
Isang malaking life size na Panda yung nasa pintuan, tapos iniluwa mula sa likod si mama.
"Mama, sayo galing?" Masayang masayang nagtatalon pa ako sa tuwa dahil ang laki ng panda. Parang ang sarap sarap na niyang yakapin. Ang sarap sarap niyang higaaaan.
"Hindi, kararating ko lang honey.." Tapos tumabi sa akin si mama habang ako hndi matanggal sa pagkakatitig yung mata ko sa panda.
Nanggigigil ako.. Gusto ko nang yakapin.
"Teka may Card. Tignan natin kung para kanino.." Kinuha ni mama ang card at tinanggal sa pagkakaenvelope.
Dear Natasha.
Ito si Lucky ang bago mong makakasama habang wala ako. Binigay ko siya para hindi ka na malungkot. Siya muna makakasama mo kapag wala ako.
By: AC
"Anak! Iyo nga itoo!" Kinikilig na sabi ni mama sa akin.
Pero wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya basta nung narinig ko ang pangalan ko niyakap ko na agad ang malaking panda na ito.
Akin siya e.. Akin... Yaaaaaah ang lambot lambot niya at ang laki laki.
"Pwede mo na siyang kama haha" loko ni mama sa akin. Natawa naman ako bigla dahil sa sinabi niya.
Hindi ko mawari kung saan ba umaabot ang hiyaw, tili at ngiti ko. Kasi hindi ko maitago na ang saya saya ko..
Ang tagal ko na kasing gustong magkapanda.
Oo binibilan ako nila mama pero ewan. Nawawalan ako ng thrill kapag alam ko na sa pamilya ko galing, imbis na masiyahan ako parang nabobored pa ako. Pero naaappreciate ko naman, yun nga lang parang gusto ko surprise yung gift na panda?
Nagpagulong gulong kami ng panda sa sahig kung kayat natabunan ako ng malaking hayop na ito.
"Nakakatampo naman. Kami ang tagal tagal na naming nagbibigay sayo pero di ka ganyan kasaya, tapos ngayon ang saya saya mo nung nakita mo yan tapos galing pa kay AC" may pag uungot sa boses ni mama.
Galing kay AC?
Napatayo ako bigla sa narinig ko...
"Galing po ba talaga kay AC?" Bigla akong napabangon at tinignan si mama habang nakaupo na parang pang batang sanggol nasa gilid ang binti
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...