As per request ni @QueenBentedos nagdagdag ako ng cast. Para sayo ang chapter na ito :)
~Thermo's POV~
"Base dito sa side na ito, kitang kita na may taong kahina hinala. May dalang nakabalot na mahabang bagay. " dinidiscuss ko kay AC ang mga findings ko ngayong maghapon tungkol sa misteryosong tao.
"Nakapasok na naman pala siya ng walang nakakapansin." Nakacross arms ito at seryosong nakatingin sa akin.
Ngayon ko nalang uli siya nakitang naging ganyan kaseryoso sa isang case simula ng mawala si Liit. Kadalasan kasi pinag sasawalang bahala niya tas bigla nalang siyang isang araw lalapit sa akin tas kakalbitin na ako at sasabihin tapos na.
Di ko naman alam kung bakit pero ang napansin ko ngayong mga nakaraang araw, palagi na siyang protective kay Natasha. Lahat nalang gawin nito ay dapat alam niya.
"Sabi ng mga guards na bago wala silang pinapapasok na kahit sino na di kilala. Lagi din silang nag iikot sa school at tinitignan ang mga lugar na di nadadaanan ng cctv" pinindot ko yung video ng mga ginagawa ng mga bagong guard, tinanggal na kasi lahat yung mga lumang walang kwentang guards.
Kanina pa akong umaga dito kasama ng mga 3-D na inatasan ko na sumama sa akin at mag siyasat sa school. Kailangan ko din malaman ang tungkol sa misteryosong taong yun dahil baka makapaminsalapa pa siya ng iba pwera kay Natasha.
"Kung ganoon, nasa loob nga siya ng school. Nasa loob siya ng school at nag aaral, maaring iisa lang siya sa mga estudyanteng nakakasalubong natin at ngumingiti na parang tanga dahil tayo nagpapakahirap na mahanap siya" sabi ni AC na nabebeastmode na. Kasama niya si Cherie na batang genius daw.
"Kuya Thermo pwede po bang pakibalik ng 0:50:12.." Biglang nagsalita ito at pumunta sa harap ng monitor. Si cherie.
Matagal siyang tumitig doon at bigla biglang.
"Kuya AC! Tignan mo to?!" May tinuturo siya sa monitor, di ko naman makita dahil andun ung daliri niya.
Tumango si AC at lumapit sakaniya para tignan ang nasabi ng bata.
"Diba ito yung hello kitty na panyo?" Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko yung hello kitty.
Anong hello kitty na sinasabi nito?
Wala naman akong nakikitang hello kitty dyan..
"Pakizoom nga" sabi ni AC.
Izinoom ko nga yung monitor para makita niya yung tinuturo ni Cherie.
Horrryyyy sshhhiitt!
Hello kitty nga! Bakit di ko nakita yun?!
"Napansin ko nung dumaan siya sa likod ng canteen, may pumatak na panyo. Napansin ko na kulay pink, kaya sabi ko po sainyo ibalik niyo po sa ganung oras. Hula ko po kasi hello kitty un tapos nung naizoom na po nakita ko ngang hello kitty nga. "Paliwanag niya habang nakatingin siya kay AC.
Hmmm... Ang talas naman ng mata ng batang ito, napansin agad ang maliit na bagay na yun. Kakaiba nga ang batang ito, tama si AC matalino nga ito.
"Napansin ko din po na pinulot niya iyon tapos lumantad na yung buong panyo. Ayan po oh." Pinelay niya yung part na kasunod ng oras na sinabi niya at nakita namin tatlo na hello kitty nga yon.
"Galing mo ah!" Puri ko sa bata.
Ngumiti lang siya at tumingin kay AC.
"Kung hello kitty yung panyo, ibig sabihin....... Babae ang suspek" seryosong sabi ni AC.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...