~Sagi POV
Ilang araw na ang nakakalipas ng matanggap ko ang regalo ni Nasha.
Di na din naman siya nangulit uli tungkol doon bagkus nagbabalak na naman na magpadala.
Buti nalang at mautak ako at nanghingi ako ng picture ng ipapadala niyang regalo. Para sakali kapag nagtanong siya edi masasabi ko kung ano iyon.
Mahirap na baka makahalata na di ko natatanggap.
Pero napapaisip din ako saan kaya mapupunta yung regalong yun samantalang wala naman nakatira sa address na ibinigay ko sakaniya.
Hinulaan ko lang kasi iyon hahaha.
Siguro ibabalik yun ng delivery boy sa station kapag wala siyang nahanap na pagdadalhan.
Tanga mo Sagi. Hindi mo naisip yun..
Mahuhuli ka din gago ka!
Maya maya bigla na lang tumawag si Nasha..
*rrriiiiinnngggg rrrriiiinnnngggg *
Sasagutin ko ba?
Napadala na kaya niya?Bakit ko ba inaalala?
Mabilis ko lang naman mapaniwala yun tsk.
"Hello?" Sabi ng kabilang linya
Ako naman di umiimik. Hahayaan ko na lang muna siyang dumada natatamad ako makipag usap sa kaniya.
"Sagi, natanggap mo na ba yung gift mo?"
Pota, napadala na nga niya...
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ng weirdong babaeng to ha.
Bigla ako kinabahan at pinagpawisan ng malamig .
"Ahhh... Ehhh.. Oo Nasha natanggap ko na. " pag sang ayon ko na lang kahit di ko alam ang sasabihin ko.
"Buti naman, nag confirm na kasi ang pinagdalahan ko. Nagbigay na sila ng katibayan na nareceive mo na. Pinasa ko sa messenger mo. "
Agad agad akong nag open at tinignan ko yung sinasabi niya.
Sssshhheeeeet!
May nag receive nga. Sino naman kaya to? May pirma ee. Pero amg mas kinagulat ko dahil biglaan to, tsaka niya lang pinasa yung itsura ng regalo, pota pinasuspense pa niya!
"Ahh Sagi, nagustuhan mo ba? "
Base sa boses niya masayang masaya siya. Halatang kinikilig pa kasi may gigil pang kasama
Habang ako...
LOADING...
LOADING.......
LOADING......
"Sagi?" Bumalik ako sa katinuan ng magsalita uli si Nasha sa kabila.
" Ahh o-oo n-naman. Ang s-sweet mo naman, Nasha"
Pinilit ko na lang pasiglahin ang boses ko kahit iritang-irita na ako.
Sa ngayon, mas naiisip ko na..
Bakit ko ba minahal tong babaeng to?
Minahal ko ba talaga to?
Ano kaya nakita ko dito?
What the fuck!
Nagayuma ata ako nito.
Pero tang ina di pa ako nakakascore, kaya kailangan ko pa siya.
"Talaga? Iiiiiihhhhhhhhh *kinikilig habang tumitili* alam mo ba Sagi inorder ko pa yan sa Manila para lang maibigay sayo. Sabi na e! Magugustuhan mo. Dont worry branded yan, gaya ng mga type mo"
Oo, di ako nagsusuot ng mga "mumu"
Mumurahin!
Tang ina sala ata ako ng pag-iwas sa regalo ngayon
Kung sino mang nagreceive noon ang swerte niya pota!
Abercrombie na damit e tas itim pa?!
Hoodie type ah ah!
Nakakapang hinayang!
A/N: losters! nag enjoy ba kayo sa 1-4?
Comment share vote din kayo wwwwwwwwwweeeeeeeeiiiihhh.
Gusto kong makita kung may tumatangkilik. Pramiiiiissss.
Ginaganahan talaga ako ngayon sunod sunod talaga ako mag UD sana ganto ako araw araw hahahahahaaha.
Anyhow, nahulaan niyo na ba ang AC ni AC? Hahahaha gulo ba?
Dontcha worry malalaman niyo din yan :)))))))
Simple REMINDER: loster! if kung mapapansin niyo sa ibaba ng every chapter my cast list? (yung characters) guys, yun yung isa pang reminder sa bawat chapter may hidden chages yun kung magaling kayong makahalata makukuha niyo yun. Kaya lagi niyong titignan ang mga cast every chapter kasi minsan may nilalagay talaga ako dung pakulo hahahhaa.
Sana may mga nagbabasa nito kahit keep UD ako dito lovelots!
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Misteri / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...