~AC POV~
Actually it was scripted.
Scripted ang pagpayag ng Principal about our date.
Scripted din ang pag daan ng aircon, para mapayakap siya sa akin.
Scripted din ang kaingayan ng 3-D.
Pero ang hindi lang scripted sa lahat nang nangyari, ang pag wawala at pagtakbo ni Susi.
Totoong pinahabol ko siya sa mga tauhan ko dahil nalaman ko lang na may Self Mutilation siya isang sakit na kapag lumala baka maging cause na din ng death ng isang tao.
Dinala siya sa clinic ng mga tauhan ko at pinaturukan ng pang pakalma.
And here we are....
We're heading to Manila Zoo. Oo, manila zoo bakit sounds corny ba? Baduy or weird?
Yes it was weird na mag aya ako ng date sa manila zoo. But for Natasha's happiness, why not.
Since ng magkabrace siya hindi na siya nakakalabas masyado ng bahay, di na siya nakakapaglaro ng mga pang larong pambata. Ni makipag kaibigan wala.
At kahit ang gumala papuntang zoo, hindi niya magawa...
Kaya eto ako, dadalhin siya doon para makapunta siya sa isa sa mga sikat na zoo noon at magpahanggang ngayon.
Kahit alam natin na may avilon zoo at kung ano mang zoo dyan, syempre iba pa din ang una.
Nakikita ko sa peripheral view ko ang katabi kong akala mo ngayon lang nakakita ng roxas boulevard.
"Ang gandaa" sabi niya with happy face. Manghang mangha siya, kala mo ngayon lang nakalabas.
"Pero mabaho na ang dagat dyan kaya much better kung wag mo ng bubuksan" sabi ko habang hindi natatanggal ang tingin sa pagmamaneho.
Wala akong nahitang imik sa katabi ko pero nakikita kong nag eenjoy siya na maglibot libot. Hahaha nakakatuwa ka talaga para kang bata.
Nakarating na kaming manila zoo and dahil weekdays ngayon kaya medyo mababa ang mga turista na dumadayo sa naturang zoo.
Pumunta ako sa bilihan ng ticket para makapasok na kami habang siya ay iniwan ko muna sa kotse.
Nang makabili na ako ay binalikan ko siya.
"What the?" Nagulat ako ng bukas na ang pintuan ng kotse ko. Fck! Nasan yun?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, saan ka naman nagsususuot Natasha?!
Mamaya mapano yun o kaya matimingan ng adik o di kaya naman ay makuha ng M. Person..
Tss... Ang daming pumapasok sa isip ko.
Isang mamang nag sosorbetes ang siyang umagaw ng pansin ko dahil sa bell niyang pinatutunog ng isang bata. Pagkalingon ko ay doon ko lang nakita ang hinahanap ko, ayun masayang nakangiti sa mga batang bumibili ng ice cream.
Lumapit naman ako saknila para tignan ang ginagawa ng mga ito.
Kitang kita ko kasing masaya si Natasha kaya hinayaan ko lang siya at hindi tinawag.
Habang nagtatakal si manong ng sorbetes ay siya namang inaabot ni Natasha ang mga nagawa ng sorbetes ni manong sa mga bata. Nakapalibot ang mga batang iyon sakanila, hindi naman mukhang pulubi ang mga ito. Lalo namang hindi mukhang badjao ang mga ito.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...