~Natasha POV~
Panget! Panget! Panget! Panget! Panget! Panget! Panget! Panget!
Hahahahahahahaha ang panget mo!
Bakit may bakal ka sa ulo mo? Hahahaha alien ka yata.
Halika punta tayong circus para mapatignan ka..
Huwag.. Huwag niyo kong sasaktan.. Ayoko na, bakit ba ayaw niyo akong tantanan. Bakit ba hindi niyo nalang ako pabayaan.
Dapat sayo sinisira yung brace mo! Dahil sayo kaya kami napagalitan ng mama namin dahil sa inaaway ka lang namin. Bad ka! Dapat sayo pinarurusahan!,
Bakit ganito, bakit nandito ako? Bakit nakikita ko sila? Bakit nararamdaman kong may mabigat sa ulo ko.
May nakahara sa labi ko.
Bakit may tubig sa mata ko?
Bakit sila nandito?!
Isang yugyog ang nagpabalik sa akin sa realidad. At ang isang pares ng itim na mata ang nakapukaw ng paningin ko.
Nasan ako?
"Ok ka na ba?" Tanong sa akin ni AC ng magising ako.
Para akong nabangungot. Grabe, yung trauma ko parang bumabalik.
Yung worst dream, jusko po sana di na maulit..
Sobrang nakakabaliw na. Parang totoo na nagbalik ako sa nakaraan?!
Nakatingin lang ang tatlo sa akin, yung nurse na namumula ang mukha si AC na nakatingin sa akin at hawak ako sa braso. Si Thermo naman ay matalim na tumitig sa akin.
Anong nangyari?
"O-ok n-naman, bakit ganyan kayo makatingin?" Nagtataka talaga ako sa mga mukha nila. Yung nurse na takot na takot sa akin. Bakit ano bang ginawa ko sayo?
"Sinisiguro lang namin kung ok ka na ba? " imik ni Thermo.
Pero bakit ang weird ng feeling ko. Bakit ang weird ng mga tingin nila.
"Saka bakit ako nandito? " nilibot ko ang buong kwarto, di nga ako nagkakamali. Clinic to.
Paano naman ako nakapasok dito eh ang tanda ko bago ako makatulog nasa bahay pa ako at nag aayos ng bag ko.
"Dinala kita dito kasi akala ko may sakit ka." Si AC naman ang sumagot at tinignan ako ng may pagtataka.
"Pero wala naman akong sakit. Ok ako." Totoo namang ok ako. Kanina pa akong umaga ok kaya bakit ako magkakasakit?
"Yun na nga pinagtataka namin. Sobrang init mo pero normal lang ang temperature mo. " tumayo si AC sa kama at lumapit sa counter ng nurse at may kinuha na bar ng chocolate at inabot sa sakin.
"Ha? P-paanong mangyayari yun?" Di nga? Kakaiba yun ah never pa akong nakaranas ng ganun.
"Kahit kami walang ideya sa nangyari sayo kanina. Ang weird mo nga, ang tahimik mo simula sa sasakyan hanggang sa classroom. Para kang nasa ibang katauhan e. " paliwanag pa ni AC sa akin habang tinitignan akong kumakain ng inabot nya.
Ano bang pinagsasabi mo?
Sa totoo lang naguguluhan na din ako.
Umimik bigla si AC ng nakatingin ito sa akin. Nagsimula na siyang magkwento at ako ay nakikinig lang.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...