"Yohan ! ! " tawag ni Drich sa pinsang si Yohan.. Kasama si Yohan ng mga barkada niyang puro lalaki.
Nilingon naman siya ni Yohan,
"Oh bakit? Spoiled brat?!" nakangising tanong ni Yohan..
"Spoiled brat ka dyan ! Jerk ! Am kase.. May favor lang sana ko sa'yo . . " pa cute na sabi ni Drich..
"Favor?! Close tayo?" pang aasar ni Yohan.
"Yohan naman eh !" asar na sabi ni Drich... "Sige na please ! Mamaya reregaluhan kita ng bagong sapatos ! Please ???"
"Ano ba yon? "
"Pahiram lang ng Kotse mo !" sagot ni Drich..
"Wow ! Para ka lang nanghihiram ng ballpen ah ! Bakit ko naman ipapahiram sa'yo ang kotse ko?!" natatawang sabi ni Yohan "Tsaka ayaw nga ni Tito Drake na bilhan ka ng kotse diba? Meaning , ayaw ka niya mag drive . . Di mo ba ma gets?"
"Akin na yung Susi !!" sabi ni Drich at inilahad ang palad kay Yohan "Akin na yung susi !!!" diin ni Drich .
"No!!" diin din ni Yohan
"Akin na sabi eh !" sabi ni Drich
"Okay ! Pahihiramin kita ! Pero tatawagan ko muna si Tito Drake kung papayag siya !" sabi ni Yohan at napahawak sa noo si Drich.. Kahit kelan talaga , walang kwenta si Yohan ! ! Abnormal ! Siraulo ! ! Isang malaking SHIT ! !
Huminga ng malalim si Drich , at agad lumapit kay Yohan..
"Alam mo Yohan, ang bait bait mo na , ang gwapo mo pa. . Kaya nga ang daming nagkakagusto sa'yo eh diba? " sabi niya in a nice way at pumwesto sa likod ni Yohan..
Nakatingin lang ang mga barkada ni Yohan..
Ng nasa likuran na si Drich ay bigla niyang hinila ang susi na nasa bulsa ni Yohan..
"I GOT IT !!! " Sigaw ni Drich at agad tumakbo..
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Yohan nung ma snatch ni Drich ang susi at agad na itong tumakbo..
"ANDRICH ! ! ! " Sigaw ni Yohan pero wala na siyang nagawa.. Nakalayo na si Drich..
****
Nag lalakad sa Hallway si Eli , ang anak nina Bench at Agnes.. Galing siya sa English Class nung makasalubong niya sina Yohan kasama ng mga barkada nito pati na si Kobi !
"Hi Ms. Perfect !" bati ni Kobi
"Actually Ms. Sungit !" natatawang sabi ng pinsan niyang si Yohan..
Napataas agad ang kilay ni Eli.
"Kung wala kayong magawa , magbasa na lang kayo o kaya mag research ! " inis na sabi ni Eli.. " Yohan ! Isusumbong kita kay Tito Yuan ! Dahil may pinaiyak ka na namang babae kanina! " pananakot niya sa pinsan. . At tumingin naman siya kay Kobi.. "At ikaw ! BACK OFF !!"
"Hoy anong kasalanan ko sa'yo?" natatawang sabi ni Kobi nung tinabig sila ni Eli at nag dire-diretso ito sa pag lalakad.. "Napano yon?!" natatawang tanong ni Kobi kay Yohan.. "Sinabihan ko na nga na Miss Perfect eh ! "
"Diba sabi ko nga? Ms. Sungit !" natatawang sabi ni Yohan..
Ngingiti ngiti lang si Kobi habang nakikita niya pa ang papalayong si Eli..
Actually nagagandahan talaga siya kay Eli.. Kaya lang mula pag kabata ay mainit na talaga ang dugo nun sa kanya.. Magkatapat sila ng bahay at magkatapat pa yung kwarto nila. . Hindi niya nga alam kung bat kumukulo ang dugo ni Eli tuwing nakikita siya.. Siguro dahil nung mga bata pa sila ay madalas niyang asaring BABOY si Eli dahil chubby ito nung bata.. Kaya siguro hanggang sa pag laki nila ay badtrip na si Eli sa kanya..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...