Pauwi na si Eli at kasabay niyang naglalakad sa Hallway si Vannesa.
"Alam mo , sobrang bilib talaga ko kay Kenji ." sabi ni Eli. "Ang henyo niya sa pag gawa ng mga Articles. Tapos may puso pa yung ginagawa niya. Yun bang pag binasa mo ay masasapul ka ! Ang galing niya !" nakangiti pa niyang sabi..
"Wow ha. . Hindi na yata si Kobi ang bukambibig mo ngayon ah.. Mukhang si Kenji na ! Baka nag katotoo na yung joke natin dati ? Baka nagiging crush mo na si Kenji.." nakangiting sabi ni Vannesa.
"Well if crush means paghanga ! Baka nga crush ko na si Kenji !" sabi ni Eli..
"Oh my God Eli ! ! E pano na si Kobi ? ! Basta Team KobiEli parin ako !" nakangiting sabi ni Vannesa .
"Well , iba naman yung kay Kobi... " seryosong sabi ni Eli. "Hindi lang yon simpleng crush Vannesa. Hindi pa rin naman siya love. Yung feelings ko para kay Kobi ay nasa pagitan ng LOVE at CRUSH. More than crush pero hindi pa naman Love.. " sabi ni Eli..
"Wow ! Ang cute naman ng status !" sabi ni Vannesa. "Well speaking of the Hottest Devil ! Ahhaha.. " natatawang sabi ni Vannesa nung makita niyang palapit na sa kanila sina Kobi , Miko at Kenneth..
Todo ngiti ni Kobi nung magka harap sila ni Eli..
"Hi Eli ! Na miss kita !" sabi ni Kobi..
Napakunot naman ang noo ni Eli..
"Na miss ? Pano mo ko ma mi-miss ? E galing ka lang sa bahay kagabi at mag katabi tayo kanina sa English Class !" sabi ni Eli.
"Anong magagawa ko.. Kung kahit ilang minuto pa lang kitang hindi makita ay na mi-miss na kita agad ? " sabi ni Kobi..
"Wag mo nga kong bolahin.. " sabi ni Eli.. "Sige Vannesa , una na ko.. Baka nandyan na si Daddy sa labas. " sabi niya pa.
Nag lakad na si Eli at naramdaman niyang sinusundan siya ni Kobi kaya nilingon niya ito.
"Bakit mo ko sinusundan ?" tanong ni Eli..
"E kase.. Ako ang mag hahatid sa'yo pauwi. " sabi ni Kobi.
"Ha ? Anong ibig mong sabihin ?" tanong ni Eli.
"Nag text sakin si Tito Bench , baka daw pwedeng isabay na lang kita pauwi.. " nakangiting sabi ni Kobi..
"Ganon ?!" inis na tanong ni Eli..
"Oo.. Ganun nga.. Tara na Eli.. " nakangiting sabi ni Kobi.
Magkasabay na silang nag lalakad papunta sa Parking Lot at hindi mawala ang ngiti sa labi ni Kobi.. Masaya siya dahil nalaman niyang gusto rin pala siya ni Eli. Konting tiyaga na lang baka mapasagot na niya si Eli . .
****
Nasa kotse na sina Yohan at Myler at dadaan pa sila sa Celestines para kumain..
"Sino ba si Jia ?" tanong ni Myler at nagulat si Yohan . "Na curious lang ako sa kanya."
"Si Jia , childhood friend namin yon . 4 years ago nung pumunta siya sa States.. Ayun lang.. " sabi ni Yohan.
"Pero first crush mo talaga ?" nakangiting tanong ni Myler.
"First crush ? Oo.. Bakit ? Nag seselos ka ba ?" nakangiting tanong ni Yohan.
"Siyempre hindi ! Hindi naman makitid ang utak ko no. Unless crush mo pa rin siya hanggang ngayon ?" tanong pa ni Myler.
"Tsk ? Crush ? Siyempre hindi na . Kasi may Love na ko !" nakangiting sabi ni Yohan habang nag da-drive. "And she is Mylene Tyler Tuazon.. Kilala mo ba siya ?" nakangiting tanong ni Yohan.
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...