Chapter 79

275 7 0
                                    

Umiiyak pa rin si Drich nung maramdaman niyang hinawakan ni Popoy ang kamay niya. Agad niyang sinulyapan si Popoy at pinahid nito ang luha sa pisngi niya..

"Tahan na Drich.. lagi nalang kitang napapaiyak.." sabi ni Popoy.

Hindi umiimik si Drich, patuloy pa rin siya sa pag iyak..

"Tahan na.. ayokong nakikita kang umiiyak... nasasaktan ako eh.." sabi pa ni Popoy..  "Ayokong mag break tayo Drich...ayoko..." sabi ni Popoy.

"Pero gusto mong mag cool off tayo diba?!" tanong pa ni Drich.

"Ayoko na.. ayoko na ng cool off.. ayokong mag break tayo.. Ayoko Drich. Hindi ko naman kaya 'yon eh!" sabi pa ni Popoy.  "Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Nasabi ko lang naman 'yon kasi akala ko pagod ka na.." sabi ni Popoy. "Ayokong mawala ka sa'kin Drich.. mahal na mahal kita." sabi pa ni Popoy at agad niyang niyakap si Drich..

Nung niyakap siya ni Popoy ay naramdaman niya ang comfort nito. Naramdaman niya kung gaano siya kamahal ni Popoy. Hindi niya na yata talaga kaya pang mabuhay ng wala si Popoy.. Sobrang mahal na mahal na niya ang lalaki at nararamdaman din naman niyang ganun din si Popoy sa kanya.

****

Pagod na humiga si Kobi sa kama niya at agad na niyang kinuha ang phone niyang nasa bulsa. At doon niya naalala na simcard pala ni Eli ang nasa kanya.

Nakita niya agad na may text kay Eli at agad niya itong binuksan.

Ang message ay galing kay Kenji!

Asar niyang binasa ang text ni Kenji..

KENJI: Hi Eli! Kumusta?

Nireplyan ni Kobi si Kenji at nagkunwari siyang siya si Eli!

------Okay naman..

KENJI: Yung article kasi na gusto kong isulat ay tungkol sa'yo...

Napakunot noo si Kobi! Huling huli na nagpapa-pansin nga si Kenji at nangungulit sa Girlfriend niya kaya nireplyan niya ito..

----Kita tayo Kenji..

KENJI: Ha? Bakit?

----- Wala.. kita lang tayo..

KENJI: Okay... saan?

Napatiim bagang talaga si Kobi! Ah.. gusto ni Kenji ng gulo ah! Pwes ibibigay niya!!!

Agad na tumayo si Kobi at nagmadali siyang magbihis..

Nakita niyang panay pa rin ang text ni Kenji at nagtatanong pa ito kung saan daw sila magkikita. Nangangati na ang kamao niya at gusto na niyang makatikim si Kenji..

Tinext niya si Kenji at sinabi niyang magkita sila sa club house dahil dun din nakatira sa Village nila si Kenji.

"Patay ka sa'kin ngayong gago ka!" gigil na sabi ni Kobi at nagmadali na siyang bumaba.

Yung dugo niya yata ay nag akyatan ng lahat sa ulo niya at gustong gusto na niyang sapakin si Kenji. Kailangan niya ng maturuan ng leksyon para malaman niya kung saan siya lulugar..

"Kobi... san ang punta mo?" tanong nung Mommy niya na nakaupo sa sofa..

"Dyan lang po..." sabi nalang niya at nagmadali na siyang lumabas sa bahay. At dahil nanay siya ay alam niyang may kakaiba kay Kobi. Mukha kasi itong galit at nagmamadali pa. Hahabulin sana niya si Kobi ngunit paglabas niya ay nakita niyang lumabas na ang kotse nito sa malaki nilang gate.

Nataranta niya namang tinawagan si Eli pero hindi ito sumasagot.. (Dahil nga nagpalitan sila ng sim) . Tinext na lang niya si Kobi..

MOMMY SANDRA: Kobi anak! Sa'n ka ba pupunta?? May problema ka ba anak?

****

Na receive naman ni Eli ang text ng Ninang Sandra niya para kay Kobi kaya bigla siyang nag alala. Inisip niya kung saan kaya pupunta si Kobi at parang alalang alala talaga ang Ninang niya. Kaya naman mabilis ditong lumabas sa bahay si Eli para agad na pumunta sa kabilang bahay..Kailangang malaman niya kung anong nangyayari kay Kobi..

"Bakit Ninang? Wala po ba siyang sinabi?" nag aalalang tanong ni Eli sa ninang niya.

"May pupuntahan lang daw siya.. e kaso iba yung aura niya eh. Mukha siyang galit.. hindi ba kayo nag away?" tanong ng Ninang niya..

"Kagabi po.. pero we're okay now.." sabi pa ni Eli.

"Nasan na kaya yung batang 'yon?" nag aalalang tanong ni Sandra.

Mahigit 30 minutes pa ang nakalipas nung marinig na nila ang tunog ng sasakyan ni Kobi kaya agad na silang tumayo para salubungin ito sa labas..

Nagulat si Eli nung makita niyang bumaba na sa kotse si Kobi na mukhang galing sa gulo..

"San ka galing??" tanong ni Sandra sa anak.

"Dyan lang..." sagot ni Kobi at napatingin siya kay Eli.. "Nandito ka pala..."

"Bakit may dugo ka sa kwelyo ng damit mo?" tanong ni Eli kay Kobi at nagulat nga si Sandra nung makita niya na rin 'yon..

"My God Kobi! Saan ka ba kasi talaga galing??" tanong ni Sandra sa anak pero hindi umiimik si Kobi..

"D'yan nga lang Mommy..." sabi pa ni Kobi..

"Sige... uuwi na po ako Ninang.." pag papaalam ni Eli at tumango naman ang Ninang niya. Nagmadali ng umalis si Eli sa bahay na 'yon at alam niyang may itinatago si Kobi!

Bago pa siya makalabas sa gate ay nasundan na siya ni Kobi...

"Eli...." sabi ni Kobi..

"What?" tanong ni Eli..  "Sasabihin mo na ba sa'kin ang totoo??!" seryosong sabi ni Eli.

"Sorry Eli...." maamong sabi ni Kobi..

"Anong ginawa mo?" tanong pa ni Eli..

"Sana mapatawad mo 'ko.." sabi pa nito..

"Ano nga kasing ginawa mo??!" inis na tanong ni Eli..

"Ginulpi ko si Kenji!" diin ni Kobi at nanlaki ang mga mata ni Eli sa narinig niya. Para may dalawang kalderong pinompyang sa tenga niya.

"ANO?!" gulat niya pang tanong..

"Sorry..." sabi pa ni Kobi..

Napailing si Eli..

"Bakit mo yun ginawa?!" tanong ng naiiyak ng si Eli.. Naiisip niya kasi si Kenji at bigla siyang nakaramdam ng awa para dito. "Bakit mo 'yon ginawa??!"

"Pinilit niya 'ko eh..." mahinahong sabi ni Kobi..

"Kahit na!" inis na sabi ni Eli.. "Hindi ko akalaing magagawa mo 'to!" sabi ni Eli at agad ng umalis..

Naiwang tulala si Kobi at napahawak nalang siya sa noo niya. Galit si Eli... at hindi niya alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.

****

"Sige.. ingat ka!" sabi ni Myler kay Yohan after siya nitong ihatid sa bahay nila.

"Okay.. I love you! See you tomorrow!" nakangiting sabi ni Yohan sabay halik sa pisngi ni Myler.

"Okay! I love you too.." sabi din ni Myler at agad niya ring hinalikan sa pisngi si Yohan.

"Nga pala..gusto ko ring mag sorry, dahil sa nangyari sa inyo ni Jia. Alam ko naman na hindi ka kumportable sa kanya. Ginagawa ko naman ang  lahat para iwasan siya.." sabi ni Yohan.

"Alam ko.. tsaka nakikita ko naman 'yon.. talagang patay na patay lang sa'yo si Jia at masaya naman ako dahil ako ang mahal mo.." sabi ni Myler.

"Walang kahit na sino ang makakasira sa'tin Myler. Kahit ilang Jia pa yan.. wala silang magagawa.. I love you more than anything else Myler and i can't imagine living without you.."

Nakangiti si Myler habang naririnig niya ang bawat salitang binibigkas ni Yohan. Ramdam niya yon at tagos na tagos sa puso niya.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon