"Nga pala Jerwin, kumusta naman si Ninang ? " tanong ni Myler habang naglalakad sila papunta sa Cafeteria..
"Okay naman siya, well... Hindi masyado.. Naghiwalay na sila ni Tito Greg , kaya nga kami umuwi dito. . Hindi na sila Okay.. " sabi ni Jerwin.. "Minsan punta ka sa bahay, para may maka kwentuhan naman si Mommy. . "
"Sige pag nag Restday ako.. May duty kase ako mamaya eh.." sabi ni Myler..
"Wow ang sipag ah ! San ka naman nag ta-trabaho" usisa ni Jerwin..
"Sa isang Restaurant, waitress ako don.. " nakangiti niyang sagot..
"Ah.. Teka, musta na nga pala yung plano mo about dun kay Montejar ?" tanong ni Jerwin..
Close kase sila ni Jerwin ! At kahit nasa Switzerland ito ay madalas silang mag chat. . Maraming alam si Jerwin tungkol sa kanya.. Pati yung galit niya kay Yuan Montejar at ang plano niyang pag hihiganti sa pamamagitan ni Yohan !!
"Wag kang maingay Jerwin ! Baka biglang sumulpot si Yohan at marinig pa tayo !" bulong pero madiing sabi ni Myler..
"Ah okay.. E kumusta na nga pala yun?" tanong pa ni Jerwin..
"Ayun... Kami na !" sabi ni Myler at napatango naman si Jerwin..
Nakita naman ni Myler na palapit na sa kanila si Yohan..
"Hi Yohan !" bati ni Myler at
nakangiti namang lumapit si Yohan at umakbay kay Myler.."Hi Babe!" naka ngiti niyang bati kay Myler at tumingin naman si Yohan kay Jerwin..
"Yohan, siya si Jerwin, kinakapatid ko yan... Jerwin siya naman si Yohan..." nakangiting pag papakilala ni Myler . .
Ngumiti din si Jerwin ngunit si Yohan ay hindi maganda ang timpla ng mukha..
"Alis na ko !" seryosong sabi ni Yohan at agad ng umalis ng hindi man lang nagpapaalam kay Myler . . .
Napanganga lang si Myler sa naging reaksyon ni Yohan.. Naguguluhan siya kung bakit bigla nalang umalis si Yohan at parang galit pa! Samantalang kanina nga ay nakangiti pa ito..
"Teka lang Jerwin ah ! Hahabulin ko lang !" nag aalalang sabi ni Myler at agad siyang tumakbo para sundan si Yohan...
"Yohan !!!" sigaw ni Myler pero hindi siya nililingon ni Yohan... "Yohan ano ba ???" asar niyang tanong habang patuloy na humahabol kay Yohan..
Binilisan pa ni Myler ang pagtakbo ! At hindi alam ni Yohan na Champion siya sa Track and Field nung Grade 6 siya ! Kaya ang bilis ng takbo niya at nahabol niya si Yohan..
Agad niyang hinawakan sa balikat si Yohan..
"Yohan ano ba ?? Hingal na hingal ako sa pag habol siya sa'yo ah! !" inis na sabi ni Myler..
"Bakit?? Sinabi ko bang habulin mo ko ??!" inis na tanong ni Yohan..
"Eh ano ba kaseng problema mo??" asar na tanong ni Myler.
"Alamin mo!!" sabi ni Yohan..
"Yohan hindi ako manghuhula ! Sabihin mo kung bakit ? Si Jerwin ?? Kinakapatid ko siya ! Diba pinakilala ko pa sa'yo ?? Nakangiti ka pa nga kanina eh !" inis na sabi ni Myler..
"Oo ! Pinakilala mo siya bilang kinakapatid mo ! ! Pero hindi mo ko pinakilala bilang BOY FRIEND mo ! " sabi ni Myler..
"Hindi ko ba sinabi?" nag iisip na tanong ni Myler..
"HINDI !! " Diin ni Yohan..
"Okay sorry !" kalmadong sabi ni Myler... "Hindi ko lang nabanggit pero sinabi ko na sa kanyang si Yohan Montejar ang boyfriend ko.. Alam niya na yon... " sabi ni Myler.. "Well sorry parin... "
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Novela JuvenilIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...