Chapter 10

281 9 0
                                    

Pumasok na mula sa kabilang side ng Astrodome ang Amadeo College Green Tiger at nagkanya kanya ng cheer ang mga School mates at fans nila..

Sinundan naman yon ng paglabas ng mga players ng Don Mariano Academy Blue Hawk.. Malakas din ang sigawan at hiyawan ng mga School mates at Fans. .

Naka televise ang game na yon at may malaking screen din na nakabitin. .

Si Kobi ay kinukundisyon ang sarili niya para sa Game , siya ang Center at kailangan niyang galingan...

Palinga linga naman ang mga mata niya at hinahanap niya si Eli..  Siguro naman ay hindi ito sisira sa usapan nila. . Pero sa dami ng tao ay parang imposible niyang makita si Eli..

Nag simula na ang Game at sa loob pa lang ng isang minuto ay naka shoot na agad si Kobi ! Kaya naman lumakas agad ang hiyawan at sigawan sa loob ng Astrodome dahil sa buena manong shoot na yon ni Kobi na nag pa excite agad sa laban..

Alam kase ni Kobi na nanunuod si Eli ! At yun ang first time na manunuod si Eli sa Game niya.. Kaya dapat lang na makita ni Eli kung gano siya kagaling !

Lalong naiinspired si Kobi at lalo ding lumalakas ang Cheer ng mga Fans niya..

Halos dikit lang ang Score nung malapit ng matapos ang 1st quarter. . Lamang lang ng 3 points ang Blue Hawk..

Habang ina agaw ni Kobi ang bola sa kalaban niya ay nakita niya ang mukha ni Eli sa malaking Screen.. May naka lagay na Smile Of the Night ..

Napangiti si Kobi dahil sa wakas ay nakita niya si Eli ! At nakita niya pa kung pano ngumiti si Eli habang pinapanuod sila kaya naman napili pa siya maging Smile of the Night ng isang Sponsor ng Laro...

At dahil mas na inspired si Kobi ay naagaw niya nga ang bola sa kalaban.. At bago pa man matapos ang ilang nahuhuling segundo ng Quarter ay nagawa niya pang maka pag 3 Points !

Lalong umingay ang buong Astrodome nung gabing yon..

Lamang na sila ng 3 points sa kalaban !

Tuwang tuwa din si Kobi nung pumunta muna sila sa gilid para uminom ng tubig.. Nag apir sila ni Miko...

"Nice Kobi !" puri ni Miko 

Ngumuti lang si Kobi at agad ng nahanap ng mga mata niya si Eli.. Nagkatinginan sila at kinawayan niya pa si Eli..

****

"Wow naman ! Kinawayan pa siya ni Kobi !" pangangantyaw ni Drich sa katabing si Eli.. Ang mga babae ay nakatingin sa banda nila dahil sa ginawang pag kaway ni Kobi sa banda nila.. Siyempre , madaming naglalaway kay Kobi lalo't ang dami na agad nagawang Puntos ! Pero si Eli naman ay napalunok lang.. Ang dami kaseng nakatingin sa kanya..

Si Drich naman ay sumandal sa balikat ni Popoy...

Nagulat naman si Popoy sa ginawa ni Drich..

"Bakit ka nakasandal dyan?" tanong ni Popoy..  "Baka mamaya kung anong sabihin nila.. "

"Ang OA mo naman !!" sabi ni Drich at umalis na sa pag kakasandal sa balikat niya..  "Nakikita ko kase si Lee ! Nakatingin siya sa banda natin!" bulong ni Drich sa tenga niya.. At nung bumulong si Drich ay para siyang nakiliti..

"Sinong Lee?" tanong ni Popoy

"Ex ko ! " sagot ni Drich..

"Nasan?! Turo mo nga..." sabi ni Popoy..

"Wag na! Naka tingin nga diba?? Baka sabihin pinag uusapan natin siya!" sabi ni Drich..   "Akbayan mo na lang ako Popoy !" utos ni Drich..

"ANO??? Bat naman kita aakbayan?? Okay ka lang ?? Hindi ako easy to get ah !" sabi ni Popoy...

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon