Nakaramdam na sila ng pagod pagkatapos ng malayu-layo na nilang nilakad.
"Time out ! Hinihingal na 'ko!" angal ni Drich..
"Okay stop muna tayo.." sabi ni Popoy.. "Okay ka lang ba Drich ? Baka hikain ka na naman ah.." sabi ni Popoy..
"Kailangan ko lang huminga ng konti.... " sabi pa ni Drich at naupo na nga muna sila sa mga putol na puno na nandon.
"Ikaw? Pagod ka na ba?" tanong ni Kobi kay Eli.
"Medyo. .. Pero kaya ko pa... " nakangiting sabi ni Eli..
"Naririnig ko na yung tunog ng tubig.. Mukhang malapit na tayo sa batis.." sabi ni Yohan.
"Oo nga, naririnig ko na rin.." sabi naman ni Myler..
"Mabuti pa maglakad na ulit tayo.. " sabi ni Popoy..
"Hindi ko pa kaya.. Promise!" angal ni Drich..
"Hindi naman kita pag lalakarin eh.. Pumasan ka sa'kin.. " sabi ni Popoy at agad tumalikod kay Drich.. "Pasan na.." sabi niya pa..
"No ! Mabigat ako ! " sabi ni Drich..
"Kaya kita ! Sige na.." pamimilit ni Popoy.. "Kesa mabinat ka o kaya hikain ka na naman.. Ako ng bahala sa'yo.. Sayang naman yung malaki kong muscle kung hindi ko gagamitin.." nakangiting sabi ni Popoy sabay stretch ng braso para maipakita ang muscle niya at natawa naman si Drich.. Pumasan nalang siya sa likod ni Popoy para maka alis na sila .
"Ikaw? Gusto mo rin bang pasanin kita ?" tanong ni Yohan kay Myler.
"Hindi na ! Keri ko na 'to. Promise !" nakangiting sabi ni Myler at magka hawak kamay na lang silang naglakad ni Yohan..
Naramdaman ni Eli na hinawakan ni Kobi ang kamay niya.. At humawak nalang din siya..
"Pag pagod ka na , just tell me.." sabi ni Kobi kay Eli.. "Bubuhatin talaga kita."
"Thank you ! Pero kasing lakas ni Wonder woman ang Girlfriend mo !" nakangiting sabi ni Eli.
Malipas ang ilang minuto ay naka rating na sila sa batis at sobrang amaze na amaze sila sa napaka linaw na tubig na 'yon..
"Woah !!!! Ang ganda !!" tuwang tuwang sabi ni Myler.. "Ang linaw ng tubig !! Tara na! Ligo na tayo !" na eexcite na sabi ni Myler..
"Come on !!! Ligo na tayo!!" tili pa ni Drich.
Nag tampisaw na agad si Eli sa batis..
"Whew!!! Sobrang lamig ! Parang may yelo!" sabi ni Eli..
"Tara na Eli!" at hinila na ni Kobi si Eli papunta sa may falls.. "Dun tayo sa falls!"
"Hindi ba delikado? Baka may mga rocks na mahulog mula dun sa itaas ng bundok.." natatakot na sabi ni Eli..
"Hindi yan ! Dun tayo sa ilalim oh!" sabi ni Kobi... "Tara na.."
At kinakabahan man si Eli ay sumama pa rin siya kay Kobi.
Tatampisaw na sana si Drich nung pigilan siya ni Popoy..
"Sure ka?" tanong ni Popoy.. "Baka hikain ka ah.. Ang lamig nung tubig.. " nag aalalang sabi ni Popoy.. "Wag na tayong maligo. .dyan na lang tayo sa tabi at panuorin nalang natin sila." sabi ni Popoy..
"Hmp ! Okay !' sabi na lang ni Drich at umupo na lang sila ni Popoy sa may malaking bato.. "Eh ikaw? Hindi ka ba maliligo?" tanong ni Drich..
"Wag na. . Sasamahan nalang kita dito.. " sabi ni Popoy na ngumiti naman kay Drich.
"Ang sweet talaga ng boyfriend ko!" nakangiting sabi ni Drich at agad siyang kumapit sa braso ni Popoy.
Pinanunod na lang nila yung apat habang nag eenjoy sa paliligo.. Lumalangoy na mag kahawak kamay sina Yohan at Myler habang nasa may falls naman sina Eli at Kobi..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...