Chapter 80

262 6 0
                                    

Kinaumagahan sa DMA ay nasa bench sina Kobi, Miko at Kenneth.. Tahimik at seryoso lang si Kobi dahil ang naiisip pa rin niya ay si Eli.. Magdamag niyang kinokontak sa phone si Eli pero ni isang paramdam ay wala. Talagang galit sa kanya ang girlfriend niya at hindi niya alam kung pa'no ba siya nito mapapatawad.

"Sayang hindi ka sumama!" sabi ni Miko kay Kenneth. . "Hindi mo tuloy nakita kung pano ginulpi ni Popoy si Clyde! Grabe Bro! May future talaga si Popoy, pwedeng pang KFC fighter!!" pag ke-kwento ni Miko.

"Anong KFC fighter??!" tanong ni Kenneth kay Miko..  "Baka UFC!" pagtatama ni Kenneth.

"KFC nga! Para kaya silang mga manok na nagsasabong! Ang lupet bro!" sabi pa ni Miko.

Kinulbit ni Kenneth si Miko at ngumuso paturo kay Kobi na napaka seryoso..

"Anong problema niya baby Miko?" bulong ni Kenneth kay Miko.

"Ewan ko dyan, baka iniisip niya kung pa'no niya malalagpasan ang kagwapuhan ko." sabi ni Miko.

"Anong problema Bro?" tanong nalang ni Kenneth kay Kobi.

"Galit sa'kin si Eli. Mula kagabi hanggang ngayon.. wala eh, hindi niya pa rin ako pinapansin. Hindi ko na alam kung pa'no pa ba ko mag so-sorry sa kanya."  malungkot na sabi ni Kobi.

"Eh ano bang kasalanan mo?" tanong ni Miko kay Kobi.

"Ginulpi ko si Kenji!" inis na sabi ni Kobi. "Nagpalit kami ni Eli ng sim dahil nalaman kong tumatawag si Kenji sa kanya. Tapos kinaumagahan, nag text naman si Kenji! Lalaki ako eh! At ramdam kong dumidiskarte siya kay Eli. Ramdam ko 'yon eh! Ang masama pa don.. pasimple kumilos yung Kenji na 'yon. Pa-good boy effect! Pa impressed! Yung akala mo e' hindi siya makakabasag ng pinggan pero ang totoo, planong sulutin sa'kin si Eli!" inis na sabi ni Kobi.

"Kaya ikaw ang masama ngayon kay Eli?" tanong ni Kenneth.

"Oo! Ako siyempre, bat daw ginulpi ko si Kenji.." pailing iling na sabi ni Kobi. 

"Nautakan ka ni Kenji tanga!!" sabi ni Miko..  "Bait baitan siya at ikaw naman padalos dalos ka.. E di ikaw ang kontrabida!" sabi pa ni Miko.

Napailing lang si Kobi sa inis na nararamdaman niya para kay Kenji. Lalo at siya pa ang masama sa paningin ni Eli.

Habang nasa bench pa rin ay nakita nilang padaan sina Eli at Vannesa. Agad na tumayo si Kobi at nagmadaling lumapit kay Eli...

Si Vannesa naman ay lumapit na kay Kenneth..

"Eli.. pakinggan mo naman ako.." paki usap ni Kobi.

"Ayokong makipag-usap sa'yo! Warfreak!" inis na sabi ni Eli at agad ng dumiretso sa paglalakad. Sinundan naman siya ni Kobi..

"Gusto kang agawin sa'kin ni Kenji, kaya ako nagalit.. Tinext ka niya.." sabi ni Kobi habang hinahabol si Eli.  "Intindihin mo naman ako.. kaya ko lang naman ginawa 'yon ay dahil ayokong mawala ka sa'kin.." sabi pa ni Kobi.

"Sa ginawa mo kay Kenji, lalo akong mawawala sa'yo! Nananakit ka na ng tao Kobi! Dahil sa'kin nananakit ka na!! At ayokong ganyan ang boyfriend ko! Ayoko sa warfreak Kobi!!" diin pa nila.

Tahimik lang si Kobi at nakatingin nalang siya kay Eli.

"So please Kobi... Stay away from me...kahit ngayon lang!" sabi ni Eli at agad na itong umalis.

Naiwan naman ang malungkot na si Kobi habang naka hawak siya sa ulo niya.

****

Pag baba ni Drich sa hagdanan ay nakita niya pa si Clyde na nakaupo sa sofa. Bakas pa rin ang pang gugulping inabot nito kay Popoy.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon