Chapter 75

264 6 0
                                    

"Dito na lang tayo nina Drich." sabi ni Eli nung pumasok na sila ni Myler sa loob ng kwartong 'yon.  "Mukhang nagkaka initan na kayo ni Jia eh." sabi ni Eli.

"Ayoko naman sana, kaya lang nakakapikon na rin kasi talaga siya. Masyadong obvious na nagpapa pansin siya kay Yohan." kwento ni Myler kay Eli.

"Feeling ko, desperate na si Jia." sabi ni Eli. "Hindi niya siguro matanggap na hindi na siya ang gusto ni Yohan. Alam mo kasi, na witnessed ko yung something between Jia and Yohan. Akala ko nga no'n sila na yung forever eh. Kaso, nagbabago talaga ang ikot ng mundo. Dati si Jia, ngayon ikaw na!" nakangiting sabi ni Eli at napangiti na lang rin si Myler.

****

Pagpasok nina Drich at Popoy sa mansyon ay nakita pa nila ang mga boys na naka upo lang sa sofa. Tahimik sila at parang yung anghel ay hindi lang basta dumaan kundi tumambay pa. Yung kaninang ingay na parang nasa Bar ay para na ngayong nasa library na bawal mag ingay.

"Sige na Drich, matulog ka na." sabi ni Popoy kay Drich at hinalikan niya na ito sa pisngi.

"Good Night Popoy.." sabi ni Drich.

"Good night din.. I love you Drich!" sabi pa ni Popoy.

"I love you too." sagot naman ni Drich bago ito tuluyang umakyat sa hagdan.

Naiwan nalang ang mga lalaki sa Salas at naupo nalang si Popoy sa tabi ni Miko. Katapat niya sa upuan si Clyde pero dinedma na lang niya.

"Walo tayo, so four boys per room. Sinong sasama sa'kin?" tanong ni Yohan.

"Kami ni Kiel!" sabi ni Paulo.

"Sa inyo na lang din ako!" sabi ni Miko.   "Para magsama sama silang apat, tapos mag patayan na sila." natatawang sabi pa ni Miko at natawa din sina Kiel at Paulo.

"So Kobi , Popoy , Kenji and Clyde.. Okay lang ba sa inyo kung kayo ang magkakasama sa isang room?" tanong ni Yohan.

"Oo naman!" sagot ni Kobi. "Walang problema." nakangiting sabi ni Kobi.

"Okay lang Yohan." sagot naman ni Popoy at binigyan pa ng masamang tingin si Clyde.

Nag akyatan na nga sila at nagpunta na sila sa kani-kanilang mga kwarto.

Malaki ang kama nina Yohan at doon daw hihiga sina Kiel at Paulo.

"Okay, sa sahig na lang kami ni Miko. Maglalagay na lang ako ng comforter dito." sabi ni Yohan.

"Ang pagtulog sa sahig," sabi ni Miko..  "Ay ang sekreto ng mga gwapo!" mayabang na sabi ni Miko at tumalon bigla sina Kiel at Paulo sa sahig.

"Actually mas bet ko talaga sa sahig!" sabi ni Kiel.

"Dun na kayong dalawa!" pagtataboy ni Yohan sa dalawa. "Alam kong malikot kayong matulog kaya magsama kayo dyan sa kama. Mahulog sana kayo!" natatawang sabi ni Yohan.

"Well guys, do think it's a good idea na magkakasama yung apat sa iisang kwarto?" tanong ni Paulo.

"Okay lang 'yon." nakangiting sabi ni Miko. "Matira matibay na lang sa kanila at good luck sa panga ni Clyde!" natatawa pang sabi ni Miko.

Si Clyde ay hindi pa pumasok sa kwarto nila. Ayaw niya munang makaharap si Popoy at baka mapatulan niya lang bigla. Pumunta siya sa mini bar ng mansyon at kumuha ng wine. Sinabi naman yun ng Tito Drake niya na kumuha na lang sila ng alak kapag gusto nilang uminom. Kaya kahit solo ay iinom na lang siya.

Habang nakaupo na si Clyde at nagsimula ng uminom ay nakita niya si Kenji.

"Bro!" tawag niya kay Kenji at nakangiti naman itong lumapit sa kanya.  "Inom tayo." nakangiting alok ni Clyde.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon