Chapter 98

325 9 0
                                    

Tuwang tuwa silang lahat nung makita nila ang yateng papalapit sa kanila.

"DADDY!!!!" sigaw ni Drich kahit hindi naman niya nakikita ang Daddy niya..

Maging sina Eli at Myler ay napaiyak sa sobrang kaligayahan nung makita nilang may pag asa na silang maka uwi sa mga bahay nila.

Kitang kita sa mga mukha nila ang matinding pagod..

Nung makita na nila na bumababa na mula sa yate ang mga Daddy nila ay agad silang tumakbo para yakapin sina Drake, Bench at Yuan...

Mahigpit ang yakap ni Drich kay Drake..

"Daddy... Daddy....." umiiyak na sabi ni Drich at niyakap din siya ng mahigpit ng Daddy niya.

"Everything will be alright anak.. Daddy's here.." pag aalo ni Drake sa anak.

Si Eli ay nakayakap din sa Daddy niya at panay lang ang iyak niya.

"Miss ko na kayo Dad.. Miss ko na rin sina Mommy at Bree.." sabi niya at kino-comfort lang siya ni Bench..

"Excited na silang bumalik ka Eli.." sabi pa ng Daddy niya.

Si Yohan naman ay kaharap ang Daddy Yuan niya..

"Akala ko wala ka na anak.. Hindi mo alam kung gaano nagwala yung Mommy mo at si Yana." sabi pa ni Yuan.

"Uuwi na tayo." sabi ni Drake. "Popoy, Kobi at Myler.. Hinihintay na rin nila kayo..." sabi pa ni Drake.

Sumakay na silang lahat sa yate at nilingon pa nila ang isla... Ang islang naging panandalian nilang tahanan.

Nung umaandar na palayo ang yate ay nakatingin pa rin silang anim sa islang yon.. Kahit naman nahirapan sila don sa pagkuha ng pagkain at damit.. Naging masaya pa rin sila dahil magkakasama sila. Nagkatabi tabi sila sa pagtulog..

Kinawayan pa nina Eli,Drich at Myler ang isla habang papalayo na sila. Once in their lives, they are away from home.. At ang islang 'yon ang tumanggap sa kanila..

****

Nagulat ang lahat nung malaman nila ang totoong nangyari. Usap usapan sa TV at sa internet na ligtas pala silang anim mula sa sunog sa yate. Hinanap din nila ang pamilya ng limang magbabarkada para sila ay makapagluksa sa pagkamatay ng mga kaanak nila.

Tuwang tuwa ang Nanay ni Popoy at si Fatty nung umuwi na siya. Ganun din ang Nanay ni Myler.

Si Sandra naman ay sobra ding nagpasalamat sa Diyos na buhay ang only son niya.

At sina Eya, Agnes at Chichay ay walang paglagyan ang kaligayahan. Dahil kasama na ulit nila ang mga anak nila na akala nila ay maagang binawi sa kanila.

Laking gulat din nila nung matuklasan na nila kung sino ang nagtanim ng bomba sa yate..

Si Jia!

Pero wala na rin si Jia, kasama na siyang nasunog ng mga magbabarkadang namatay sa yate. Si Jia ang pang anim na bangkay..

Nagulat din ang Mommy ni Jia sa nangyari.. Akala niya nag babakasyon lang sa Baguio ang anak niya. Pero bago daw umalis si Jia ay kinausap siya nito at ito ang sinabi ni Jia..

"Mommy.. Mahal na mahal ko si Yohan.. Pero kahit anong gawin ko hindi niya na 'ko kayang mahalin.. Hindi ko na yata kayang mabuhay Mommy.. Mas okay pa kung pareho nalang kaming mamatay......"

Yun yung mga huling salitang sinabi ni Jia pero hindi naman daw lubos maisip ng Mommy niya na gagawin talaga 'yon ni Jia dahil wala namang alam sa bomba si Jia... Pwedeng kumuha siya ng tao at nagbayad para ilagay 'yon sa yate.. Pero kahit pala sa huling sandali...Bigo pa rin si Jia... Dahil hindi niya rin naisama si Yohan sa kamatayan... (Nagsolo siya! Charing!).

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon