Chapter 53

255 5 0
                                    

Agad na nagpunta si Yohan sa Ospital nung nagtext si Myler na nandun siya dahil nga kay Jerwin.

Nung makita niya na si Myler ay agad niya itong niyakap..

"Anong nangyare?" tanong ni Yohan kay Myler as if ay wala siyang alam !

"Si Jerwin ! May mga gumulpi sa kanya ! Hindi naman niya nakilala.. Nakaka awa nga si Jerwin eh , grabe yung bugbog na inaboy niya.. sobrang sakit ng buong katawan niya. " nag aalalang kwento ni Myler.

"Kawawa nga siya.. Eh kumusta naman siya ngayon?" tanong pa ni Yohan.

"Ayun , nakatulog na. Kanina grabe yung sakit na nararamdaman niya. Tinahi nga yung sugat niya sa mukha eh. . Hirap din niyang igalaw yung hita niya. " pag ke kwento pa ni Myler.   "Kaya ikaw mag iingat ka ah.. baka mamaya magaya ka kay Jerwin. Tsk ! Nakakatakot na talaga ang mundo ngayon. Maraming masasamang tao sa paligid. " bahagyang napalunok si Yohan dahil bigla siyang tinamaan.

"Ah.. oo , mag iingat ako.. " sabi nalang ni Yohan  .   "Nga pala , hindi ka pa ba uuwi ? "

"Hindi pa. . Walang kasama si Jerwin dito. Kahapon lang kase umalis yung Mama niya para sa Bussiness Trip niya sa Singapore. Ayaw na ngang ipaalam ni Jerwin eh , dahil baka daw mag alala lang si Ninang.. " sabi ni Myler.

"So pano yung Nanay mo ? wala siyang kasama sa bahay niyo ?" sabi pa ni Yohan.

"Kinontak ko na yung pinsan ko , sabi ko samahan niya muna si Nanay. Kailangan ako ngayon ni Jerwin.." sabi ni Myler..

"Okay sige... " malungkot na sabi ni Yohan. Kinarma na nga yata siya agad ! Dahil sa ginawa niyang pag papagulpi kay Jerwin ay lalong magkakalapit sina Jerwin at Myler. At pag nalaman pa ni Myler na siya ang may pakana non ay hindi na niya alam ang susunod na pwedeng mangyari. .

"Pwede mo naman akong samahan dito diba ?" tanong ni Myler kay Yohan..

"Oo , sasamahan talaga kita. Hindi ko naman hahayaang bumili ka ng gamot mag isa. " sabi ni Yohan..

"Salamat Yohan ah.. " nakangiting sabi ni Myler at niyakap niya si Yohan.  "Salamat at napaka bait mong boyfriend.. Salamat kase napaka understanding mo.. " sabi pa niya at naka ramdam ng guilt si Yohan.. . Walang kamalay malay si Myler na siya ang ugat ng mga nangyari kay Jerwin.  At natatakot siyang malaman ni Myler ang totoo. Hindi pwedeng malaman yun ng babaeng mahal niya.

****

Nasa mall sina Kobi , Kenneth at Miko dahil kailangan nilang bumili ng materials na gagamitin nila sa Project nila.

"Alam niyo , hindi na talaga ko natutuwa dun sa Kenji na yon ! Pasalamat siya at gusto ni Eli na mag sorry ako sa kanya. Dahil kung hindi ! Naku !!" inis na kwento ni Kobi habang naglalakad lakad sila.

"Hanggang ngayon ba naman ang bitter mo pa rin !" sabi ni Miko. 

"Tingin mo ba may chance ka kay Eli ? " tanong ni Kenneth..  "Baka naman umaasa ka lang sa wala?" natatawang sabi ni Kenneth.

"Ewan ko.. " sabi ni Kobi..  "Pero hindi naman ako susuko no!" sabi ni Kobi.

Pailing iling lang sina Miko.

"Bat di mo pag selosin para malaman mo kung gusto ka rin niya.. "sabi ni Kenneth.

"Huh? Eh pano kung lalo akong mawalan ng pag asa pag ginawa ko yon ?" sabi ni Kobi.

"Para nga lang malaman mo kung may gusto rin siya sa'yo.." sabi pa ni Kenneth.

"Eh pano ?" tanong pa ni Kobi.

"Ganito nalang , " sabi ni Miko.  "Sabihin mo bakla ka ! Kapag nalungkot siya e di ibig sabihin type ka niya ! Pag dedma lang sa kanya.. Mag suicide ka na ! " sabi ni Miko.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon