Chapter 21

272 6 0
                                    

"Dad ? Friend ko lang siya !" sabi ni Drich sa Daddy niya..  "I swear Dad ! Kahit itanong niyo pa kina Eli at Yohan. "

"Drich ! Naka akbay sa'yo ? Naka yakap ? Naka holding hands ?? Kaibigan mo lang yon??" inis na sabi ng Daddy niya..

"Ganun din naman ako kay Kobi Dad !" sabi pa ni Drich..

"Iba naman si Kobi ! Mula pagkabata magkakilala na kayo ! Eh yan ? Sino ba yan ?!"

Natahimik lang si Drich.. Kahit naman kase mag paliwanag siya ! Paniniwalaan ng Daddy niya ang gusto nitong paniwalaan ! !

"Kung friend mo siya Drich , ipakilala mo samin.." sabi naman ng Mommy niya..  "Iinvite mo siya sa Sunday !" sabi pa ng Mommy niya at tumingin naman si Drake kay Chichay..

"Huh? Bat iniinvite mo?!" asar na tanong ni Drake..

"Para makilala natin siya !" sabi ni Chichay...   "Sa Sunday Drich , hindi siya pwedeng mawala.. " sabi ng Mommy niya at natulala lang si Drich..

"Okay !" sabi ng Daddy niya   "Gusto ko siyang makilala !"

"Hindi ba parang ang OA naman non??" angal ni Drich..

"Sa Sunday ! Kailangan nandun siya!" command ng Daddy niya kaya wala na siyang magagawa kundi isama nga si Popoy ! !

****

Sunday Morning Rain is Falling----------

Sunday nga! Umuulan pa ! May summer outing tapos biglang umulan ?? Kumusta naman?

"Tuloy pa rin tayo Daddy ?" tanong ni Yohan sa Daddy Yuan niya..

"Oo naman ! Mamaya titigil din yang ulan " sabi ng Daddy niya habang naka upo sa Sofa at naka akbay sa Mommy niya..

"You know what Mom and Dad.. Just wondering kung bakit hanggang ngayon ang Cheesy niyo pa rin ! Hindi ba kayo nadidiri ?" pangangantyaw ni Yohan sa magulang.. Yun ang masaya sa family nila.. Masaya lang sila at nagbibiruan.. close family sila..

"Sira ulo ka Yohan ah !" sabi ng Mommy niya..   "Pag ba matanda na hindi na pwedeng maging sweet sa isa't isa ?"

"Matanda??? Hindi pa ko matanda ah " sabi ng Daddy niya.

"Yohan, wala yun sa edad.. teka? may girlfriend ka na ba? " tanong ng Mommy niya.

"Wala !" sagot ni Yohan..  "Diba sabi ko, i'll find a girl exactly like you Mom !" sabi ni Yohan

"Naku Yohan! Wala ng katulad ang Mommy mo. . Indangered Specie na yan ! haha ^____^  " 

At agad sinuntok ni Eya ang balikat ni Yuan..

"Ang sama mo ah !" sabi ni Eya..

"Ikaw naman ! Hindi ka na mabiro.. Alam mo Yohan, mahihirapan ka talagang makakita ng babaeng katulad ng Mommy mo. Yung kasing bait.. masarap kausap.. may sense of humor..masipag.. madiskarte.. responsable.. at higit sa lahat.. yung kamukha niya.. yung kasing ganda niya.." sabi ng Daddy niya at napangiti lang si Yohan...

Meron na siyang nakilalang kapareho ng Mommy niya. Kasing bait.. masarap kausap..may sense of humor.. masipag... madiskarte..responsable...  at higit sa lahat kamukha pa ng Mommy niya ! !

Si MYLER ! !

Nakangiti pa rin si Yohan habang iniisip niya na nahanap na nga niya ang babaeng mamahalin niya..
Habang nag lalambingan ang mga magulang niya ay nakangiti siya.. 

Lahat talaga posible sa Love....

****

"Good Morning everyone ! " nakangiting bati ni Kobi nung pumasok siya sa bahay nina Eli..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon