Chapter 47

268 6 0
                                    

"Myler we need to talk !" sabi ni Yohan nung sinusundan niya si Myler sa hallway dahil dinedma lang siya nito .

"Wala na tayong dapat pang pag usapan Yohan !" walang emosyong sabi ni Myler " Ayoko na sa'yo !"  diin ni Myler at nag dire diretso pa rin sa pag lalakad.

"What ?? Ayaw mo na saken ? Ganun nalang yon Myler ? Bigla bigla nagising ka at ayaw mo na sakin ? What the hell !" inis na sabi ni Yohan..   "Hindi naman pwedeng ganun na lang yon !"  hinawakan niya sa braso si Myler para mapahinto ito sa paglalakad. Humarap naman sa kanya si Myler at nag buntong hininga.

"Listen Yohan , AYOKO NA !" diin ni Myler   "Ayoko ng maging part ng buhay mo ! Ayoko na ! ! " napaluhang sabi ni Myler.

"Bakit ? Ipaliwanag mo sakin at siguraduhin mong maiintindihan ko !" diin din na sabi ni Yohan.  "Sabihin mo sakin kung paanong nangyari na ayaw mo na lang bigla ! " napaluha si Yohan sa harapan ni Myler at bigla niya rin yung pinunasan..  "Alam mo namang mahal na mahal kita diba ? Lahat naman binigay ko sa'yo.. Yung time , yung effort , yung pag mamahal ko na binigay ko sa'yo ng buong buo. Pinakilala kita sa magulang ko , sa buong angkan ko. Pero bakit ? Bakit sa isang iglap ayaw mo na ! Paki explain lang oh ! Ipaintindi mo sakin.. May kulang pa ba ? May nagawa ba ko ? Sabihin mo Myler ! Wag mo naman akong hayaang mag isip ! " inis na tanong ni Yohan at napaluha din si Myler sa mga sinabi ni Yohan.

"Narinig ko kayong nag uusap nina Kiel ! Alam ko na na pinagpupustahan niyo lang ako ! Diba ?? Narinig ko yun nung nagpunta ko sa bilyaran ! Yohan ayoko na sa laro mo! Kaya tigilan mo na ko !! " malakas na sabi ni Myler.

"Yea ! That was the original plan ! But i found myself falling inlove with you ! Yung totoo ! Nararamdaman mo naman diba ? Ramdam mo naman na totoo yung pinapakita kong pagmamahal sa'yo ! Kahit tanungin mo pa ngayon sina Kiel ! Kahit tanungin mo pa sina Mommy !! Hindi mo kase alam na para na kong mababaliw nung umalis ka nalang bigla eh ! " pag papaliwanag ni Yohan..

"You know what ? Wala na sakin yon Yohan.. Napatawad na kita tungkol don.. kase quits lang naman pala tayo !" sabi ni Myler at naguluhan naman si Yohan don..   "Plano ko lang talagang mahalin mo ko ! Plano ko lang na paibigin ka then iwan at saktan ka pagkatapos ! Lahat ng pinakita ko sa'yo , FAKE !! Hindi kita minahal Yohan ! At kahit kelan hindi kita mamahalin ! ! 19 years ago , na meet ni Nanay si Yuan Montejar , sinaktan lang siya at pina asa ! " galit na sabi ni Myler at natulala lang si Yohan. "Oo Yohan ! Ang daddy mo ! Siya ang dahilan kung bat naging miserable ang buhay ng Nanay ko !!" umiiyak na sabi ni Myler .   "Dahil sa panloloko ng Daddy mo , nakulong sa mental ang Nanay ko at nung gumaling na siya ay parang ibang tao na siya ! Hindi na siya nagsasalita ! Oo Yohan ! Daddy mo ang may kasalanan ng lahat ! Kaya naisip kong gumanti ako sa pamamagitan mo ! ! At ngayon Yohan , tapos na ang laro ! Quits na tayo ! Kaya kalimutan na natin ang isa't isa ! Sorry kung nadamay ka !" sabi ni Myler at agad ng umalis at iniwan ang tulalang si Yohan

****

Naka abang na si Kobi sa Cafeteria at hinihintay na niya si Eli para sabay silang mag lunch.

Nung makita niyang papasok na si Eli ay agad na siyang tumayo at sinalubong ang babae.

"Hi !" nakangiting bati ni Kobi kay Eli.   "Anong gusto mong kainin ? " tanong pa niya kay Eli.

"Ako nalang ang oorder para sakin.. " sabi ni Eli..

"Eli , ako naman yung nag aya ng lunch sa'yo diba ? Kaya sagot ko na yun !" nakangiting sabi ni Kobi.

"Okay ! Gusto ko ng Chicken barbeque !" sabi ni Eli at pinaupo na muna siya ni Kobi sa table..

"Okay , relax ka lang dyan ah.. Oorder lang ako ng pagkain natin.. " sabi ni Kobi na bakas sa mukha ang sobrang kasiyahan dahil sa pag payag ni Eli na makasabay siya sa lunch.

Habang nakapila si Kobi sa counter ay panay pa ang sulyap niya kay Eli na nakaupo at nag la-laptop. Medyo mahaba na yung pila kaya naiinip na si Kobi , gusto na niyang kumain kasabay ni Eli.

Si Eli naman ay nag la-laptop. Para mapunta sa iba ang atensyon niya at para malimutan niyang kinikilig siya sa mga pinag gagagawa ni Kobi..

"Hi Ms. Montejar " napatingala siya nung marinig niya yung boses na bumati sa kanya at nagulat siya nung makita niyang si Kenji pala yon !

"Ah... Bakit ?" nagtatakang tanong ni Eli.

"Mag aapply sana kasi ako sa DMA's News Paper.. Sabi kase sa faculty , sa'yo daw ako mag inquire. Am.. Gumagawa din kase ako ng mga Articles about Nature. May bakante pa ba para sakin ? " tanong ni Kenji.

"Ah.. " napatangong sabi ni Eli. "Actually meron pa talagang vacant position. Mamaya nalang after School , pumunta ka sa room namin para mapag usapan natin yon kasama pa nung ibang Journalist ng DMA." nakangiting sabi ni Eli.

"Sige Ms. Montejar , salamat ah." nakangiting sabi ni Kenji.

"You're welcome !" nakangiti ring sabi ni Eli..  "Mamaya nalang.."

"Okay sige.. " nakangiti pa ring sabi ni Kenji..  "Sige una na ko. " pag papa alam ni Kenji at tumango nalang si Eli.

Si Kobi naman ay masama ang timpla nung makita niyang lumapit si Kenji kay Eli..

At ano naman kaya ang ineepal non ? Baka naghahanap ng sakit ng katawan... Tsk ! ----- bulong ni Kobi sa isip niya.

****

May pinuntahan pa si Drich kaya hindi siya naka sabay kay Popoy pag uwi. Bumili kase siya ng pizza para ipasalubong kina Fatty at sa Nanay ni Popoy. Gabi gabi siyang tumatambay kina Popoy at mga 7 pm naman ay pauwi na siya sa bahay nila.

Papalapit palang siya sa bahay nina Popoy nung makita niya itong nasa bubongan. May hawak na gitara at kumakanta.

Pina nuod at pina kinggan na muna niya si Popoy bago niya ito tawagin. Ni ready din niya ang phone niya at kinukuhanan niya ng video si Popoy habang kumakanta..

~~~Dalhin mo ako..
Sa iyong palasyo..
At maglakad tayo sa hardin ng 'yong kaharian..
Wala man akong pag aari
Pangako ko habang buhay kitang pagsisilbihan..

Oh aking prinsesa ah.... ~~~~

~~Prinsesa~~
Prinsesa
Prinsesa~~~

Napatigil si  Popoy nung makita niya si Drich na pinapanuod siya at kinukuhanan pa siya ng Video.

"Drich ?" gulat niyang tanong at nagmadaling bumaba..

"Magaling ka pala kumanta !" nakangiting sabi ni Drich.

"Hindi naman masyado. " pa humble pang sabi ni Popoy.  "Bat nga pala nandito ka Drich ? "

"May binili lang kase ako para kina Tita tsaka kay Fatty. Ito oh.. " sabay abot niya ng isang box ng pizza.

"Bakit bumili ka na naman niyan ? " tanong ni Popoy.

"Gusto ko lang ! Tsaka hindi naman to para sa'yo no ! Para naman to kina Tita tsaka kay Fatty !" pag tataray ni Drich.

"Kahit na ! Bukas pag may dala ka pa ulit na kahit ano , hindi na kita papapuntahin dito !" seryosong sabi ni Popoy..

"Hmp ! Eh bakit ba? Hindi naman ikaw ang pinapasalubungan ko ah !" angal ni Drich.. "Dyan ka na nga ! Mas masarap pang kausap si Fatty kesa sa'yo !" at agad ng pumasok si Drich sa loob ng bahay nina Popoy ng walang pasabi..

Napakamot na lang sa batok si Popoy  . Pero sa kabilang banda ay natutuwa siya sa pagiging malapit ni Drich sa nanay at kapatid niya.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon