Chapter 63

262 7 0
                                    

Lumabas na si Myler sa Lab at hinahanap na niya si Yohan.. Sakto naman nung makita niya sina Kiel at Paulo.

"Hi boys !" nakangiting bati ni Myler kina Kiel at Paulo.

"Hello Myler !" nakangiti ring bati ni Paulo at tumango naman si Kiel.

"Nasan si Yohan ?" tanong ni Myler sabay linga pa sa paligid.

"Ah si Yohan ?" tanong pa ni Kiel.  "Nasa Cafeteria."

"Ah okay." nakangiting sabi ni Myler. "Sige, pupuntahan ko na muna siya ." sabi niya at tumango naman ang dalawa kaya umalis na siya at naglakad na papunta sa Cafeteria.

Konti lang yung tao sa Cafeteria nung mga oras na 'yon kaya naman mabilis niyang nakita si Yohan na nakapwesto sa isang table. At medyo nadismaya siya nung makita niyang kasama ni Yohan si Jia. Kitang kita niya pa na sinubuan ni Jia si Yohan. Hindi naman niya makita ang reaksyon ng boyfriend niya dahil nakatalikod ito sa kanya. Napahinga ng malalim si Myler. Hindi siya dapat nag seselos kay Jia. Alam naman niyang mahal na mahal siya ni Yohan.

Naglakad na lang siya palapit sa dalawa at huminga ulit ng malalim bago pa siya tulungang makalapit.

"Hey Myler !" nakangiting sabi Jia at napatingin din sa kanya si Yohan. Agad namang tumayo si Yohan at hinalikan siya sa pisngi.

"Do you wanna eat?" tanong ni Yohan kay Myler.

"Busog pa 'ko Yohan ." nakangiti naman niyang sabi at agad na rin silang umupo.

"Sure ka?" tanong ni Yohan.

"Hm.. oo naman , kumain naman kasi ako kanina bago ko umalis sa bahay. Ikaw? Akala ko ba kumain ka na rin kanina?" tanong pa ni Myler.

"Oo, nag breakfast na talaga ko sa bahay. Nagpasama lang si Jia dito." sagot ni Yohan at ngumiti lang si Myler..

"Yohan tikman mo 'to !" nakangiti pang sabi ni Jia at agad isusubo kay Yohan ang leche plan.

Napatingin naman si Yohan kay Myler at nakita niyang napalunok ang girlfriend niya at hindi yun magandang sign !

"No thanks !" nakangiti nalang na sabi ni Yohan at tinanggihan niya yung sinusubo ni Jia.

"Try mo na kasi.. masarap kaya 'to !" sabi pa ni Jia.

"No sige.. okay lang ako.. " sabi pa ni Yohan at napansin niyang tahimik lang si Myler.
Napahinga ng malalim si Yohan at nung makita niyang tapos ng kumain si Jia ay nag aya na siyang tumayo. Ilang minutes nalang ay magsisimula na ang mga klase nila.

Naglalakad sa Hallway sina Myler at Yohan at tahimik lang si Myler..

"Okay ka lang ba?" tanong ni Yohan.

"Hm.. oo naman." sabi ni Myler.

"Sure ka ba ? Feeling ko kase hindi ka kumportable kay Jia." sabi ni Yohan.

"Okay aaminin ko na , oo.. affected ako !" sabi ni Myler at napatingin naman sa kanya si Yohan.   "Pero wag kang mag alala. . Okay lang ako.. keri ko pa naman.. malaki naman ang tiwala ko sa'yo eh.. " sabi ni Myler at napangiti si Yohan.

"Hayaan mo.. Iiwasan ko na lang si Jia." sabi ni Yohan at napanganga naman si Myler sa sinabi ni Yohan.

****

Nasa bench sina Eli, Kobi , Vannesa , Miko at Kenneth at busy sila sa pag susulat ng mga notes nila.

"Secret lang talaga ?" tanong ni Vannesa.

"Yun ang gusto ni Eli eh . " sabi ni Kobi. "Pero okay lang naman sakin yon.." sabi niya sabay hawak sa kamay ni Eli.

Medyo nailang si Eli nung hawakan ni Kobi ang kamay niya pero kailangan niyang masanay . Boyfriend na niya si Kobi ! Pero hindi naman siguro siya masisisi kung ganon siya , first boyfriend ba naman niya kasi si Kobi !

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon