Chapter 28

276 11 0
                                    

Naka loud speaker si Myler at rinig na rinig nina Eli at Drich ang boses ni Yohan na beastmode na.. Kahit na may malakas na music ay malinaw nila yung naririnig...

Sumenyas naman si Drich na i-end call na ni Myler.. kaya sinunod naman ni Myler..

"Galit na si Yohan girls !" sabi ni Myler..

"Okay lang yan.. Kung mahal ka talaga niya.. tatawag siya ulit !"  sabi ni Eli..

Naka abang lang silang tatlo at nakatingin sila sa phone ni Myler.. agad nga itong nag ring..

YOHAN'S Calling...

MYLER  : Hello Yohan ?

YOHAN : Sabihin mo sakin kung nasan kayo Myler ! Bakit ba ayaw mong sabihin ?? Pinipigilan ka ba ni Drich?

MYLER :  Basta . . wag mo na kasing alamin.. Okay naman kami dito eh.. Wag ka ng mag alala. .

YOHAN : Tell me Myler ! ! I have a right to know ! ! !

MYLER : Sorry.. pero wag mo na talagang alamin....

Sumingit bigla si Drich , kunware may binubulong siya kay Myler pero talagang intensyon niyang iparinig kay Yohan...

"Come on Myler ! ! Lets party ! ! Woooooohh ! ! Ayan oh ! ipakikilala kita kina Tyrone ! ! ! "

At agad nag pigil ng tawa sina Eli at Drich... habang malakas pa din ang volume ng Music nila..

YOHAN : Let me talk to Drich ! ! Bigay mo yung phone! Naka off ang phone niyan eh  !

MYLER :Wag na ! Kasayaw na niya si Tyrone ! !

YOHAN : Damn Myler ! ! Hindi na ko natutuwa ! ! Lumabas ka na dyan ! Hahanapin kita !!

At agad ng inend call ni Myler..

At sa totoo lang , natatawa siya sa mga reactions ni Yohan.. Kinikilig siya habang si Yohan naman ay Beastmode na ! !

"Hmm... parang mahal ka nga ni Yohan !" natatawang sabi ni Eli..  

"Oo nga ! Confirmed ! Mahal ka niya !" sabi ni Drich..

Napangiti si Myler..

Mahal daw talaga siya ni Yohan, nakakatawang malaman yon...

"Talaga? Sure kayo?" paniniguro pang tanong ni Myler.

"Oo nga! " sabi ni Eli at ini off na niya ang music..   "Ang sakit sa tenga !" napapailing na sabi ni Eli..    "Gusto ko rin ng Music pero hindi ganitong kalakas . ." natatawang sabi ni Eli..

****

Sa Bar naman ay lumabas na ang tatlong lalaki ..

Hindi maipinta ang mukha ni Yohan ! !

"Ayaw ipasabi ni Drich kung nasan sila ! Puro kalokohan talaga yung babaeng yon ! Dinamay pa si Myler !" galit na sabi ni Yohan...

"Relax Yohan !" sabi ni Kobi  "Ang mabuti pa.. hanapin na lang natin sila , delikado !"

"Tara, hanapin na natin!" sabi rin ni Popoy na naiinis din dahil nalaman niyang nakikipag sayaw si Drich sa ibang lalaki.. Alam niyang wala naman siyang karapatan pero naiinis talaga siya !

Naglalakad lang silang tatlo at binabaybay nila ang dalampasigan..

Tahimik sila at kanya kanya sila ng iniisip...

Si Yohan, iniisip niya si Myler.... baka kung anong ipagawa ni Drich ! Kilala niyang game na game at playful si Drich ! At dahil malamang na mahihiya si Myler ay pakikisamahan nalang niya si Drich !

Si Kobi ay iniisip naman niya si Eli , pano kung may lumapit or may mang bastos kay Eli? Pano kung painumin ni Drich ? !

Si Popoy naman.. sobrang hinang hina siya.. Nalulungkot siyang hindi niya maintindihan.. . Ganun ba talaga ka pasaway si Drich ? Yung tipong B.I. din siya... Nakayuko lang si Popoy habang naglalakad sila at nag hahanap kung saang Bar nag punta ang tatlong babae..

1 AM na, lahat na ng Bar na nandon ay napuntahan na nila, pero wala hindi pa rin nila nahahanap sina Drich, Eli at Myler...

Maya maya pa ay tumunog ang Phone ni Popoy...

"Tumatawag si Drich !!" nagulat na sabi ni Popoy... Kanina lang na ba-badtrip siya kay Drich , pero nung nakita niyang tinatawagan siya nito ay bigla na naman siyang sumaya ! Tinamaan na nga talaga siya kay Drich...

"Ako ang kakausap !!" galit na sabi ni Yohan at agad inagaw ang phone kay Popoy...

YOHAN : Drich ??? Nasan kayo ???

DRICH : Puso mo Yohan ! ! Si Popoy ang gusto kong kausapin hindi ikaw ! e di sana ikaw nalang ang tinawagan ko diba??

Inagaw ni Kobi ang phone kay Yohan...

"Yohan baka ibaba ni Drich ! Hayaan mong si Popoy ang kumausap !"  at agad ibinigay ni Kobi ang phone kay Popoy..   "Relax Yohan . . Wag mong daanin si Drich sa init ng ulo mo, alam mong kayang kaya ka niyang sabayan... " payo ni Kobi kaya nag pigil nalang si Yohan..

POPOY : Nasan ba kayo Drich ?

DRICH : Nasa room na kami..

POPOY : San kayo galing kanina?

DRICH : Actually , nandito lang kami the whole time ! Pinag tripan lang namin si Yohan ! ! hahaha...

POPOY : Totoo ba yan ??

DRICH : Oo nga ! ahaha.. actually tulog na nga si Eli.. Eto naman si Myler , nanunuod pa ng Movie...

Nakahinga ng maluwag si Popoy.. Ewan niya kung totoo ang sinabi ni Drich pero atleast masaya siyang malaman na hindi naman pala talaga nag Bar at naki pag sayaw si Drich..

DRICH : Kaya pakisabi dyan sa baliw na si Yohan na easy lang siya ! Wag siyang OA ! ! Wag siyang paranoid !

POPOY : Nag alala lang din kase si Yohan ! Tsaka hindi lang naman siya ang napagtripan niyo... kundi pati kami ni Kobi..

DRICH : Ahahaha.. Sorrryyy Pooooooo ! !

Napangiti nalang si Popoy.. Kampante na siya at hindi na nag aalala..

Kaya pinaliwanag nalang din niya kay Yohan ang totoo.. Na napagtripan lang siya nina Drich !

****

Natatawang ikinwento ni Drich kay Myler na galit na galit si Yohan...

"Wow ah ! Mukhang tinamaan na talaga siya sa'yo ! Paranoid na eh ! Kaya nga sinabi ko na kay Popoy para siya nalang ang bahalang mag explain kay Yohan !' natatawang sabi ni Drich...

"Itetext ko na lang din siya... " nakangiting sabi ni Myler.. "Baka magalit na talaga .. "

"Oo nga ! suyuin mo na rin.. Ginalit natin siya ng todo eh ! haha.. " sabi ni Drich..


"KOBI _____________ " 


Nagulat silang dalawa nung marinig nila ang pangalang Kobi ! ! Sabay silang sumulyap sa natutulog na si Eli... Nag katinginan sila at parehong natawa  ....


"Wow ah ! Hanggang sa panaginip !" natatawang sabi ni Drich . .   "Kobi pala ah !"

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon