Chapter 13

260 7 0
                                    

Nasa bench na sina Kobi , Miko at Kenneth..

"Naks Kobi ! Ang ganda nung bagong kotse mo ah !" puri ni Miko..

"Regalo lang sakin nina Mommy yon !" naka ngiting sabi ni Kobi..

"Eh sino naman ba ang una mong iaangkas don?" tanong naman ni Kenneth..

"Si Eli !" mayabang na sabi ni Kobi ...

"Wooh ! Yan ka na naman sa kayabangan mo Kobi ah !" kantyaw ni Miko.  "Mamaya marinig ka na naman ni Eli !" natatawa pang sabi ni Miko..

"Edi wag kayong maniwala !" natatawa ding sabi ni Kobi..  "Siya naman talaga ang una kong isasakay sa kotse ko eh ! Nag sabi na ko sa Daddy ni Eli.. " kwento ni Kobi..

"Ayan si Eli Bro !" sabi ni Kenneth..

At natawa lang si Kobi kay Kenneth dahil malamang na pinag ti-tripan na naman siya..

"Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala.. " natatawang sabi ni Kobi..  "Pinagkakatiwalaan ako ng Daddy ni Eli no ! Siguro gusto niya kong maging Son in Law !"

"Hindi naman siguro !" sagot ni Eli na nasa likuran na pala niya.. Hindi pala nag bibiro si Kenneth.. Napahiya na naman siya kay Eli at dahan dahan siyang humarap..

"Hi Celestina !" nakangiwing bati ni Kobi dahil narinig na naman ni Eli ang pag mamayabang niya..

"Tatanungin ko nga si Daddy kung totoong gusto niyang maging Son in Law ka!" seryosong sabi ni Eli..


"Celestina hindi ba pwedeng mag joke ?" tanong ni Kobi..  "Biro lang ikaw naman !" nakangiting sabi ni Kobi..

"Anyway.. Nandito lang ako para ibigay 'to !"  at inabot niya ang lalagyang tupper wear kay Kobi..   "Yung cupcake mo !"


Agad namang kinuha ni Kobi ang lalagyang may Cupcake..

"Thanks Celestina !" nakangiting sabi ni Kobi.. "Ah.. mamaya nga pala.. Baka gusto mong sumabay sa'ken. . " nahihiya pang sabi ni Kobi..


"No thanks. " sagot ni Eli at tumango nalang at tumalikod na..

Naiwang tulala si Kobi hawak ang tupper wear..

Napatingin naman sina Miko at Kenneth sa hawak ni Kobi...


"Bro ! Sintensyahan na natin yang Cupcake !!" natatakam na sabi ni Miko..


"Hindi ! Pipucturan ko pa 'to !" mabilis na sagot ni Kobi..


"Shit Bro ! Kainin na natin yan !" atat na sabi ni Kenneth..

"Hindi sabi eh !  Hindi ko pa 'to kakainin ! " sabi pa ni Kobi na mahigpit ang hawak sa lalagyan. .

"I pa- frame mo para masaya ka !!" sabi pa ni Miko..  "Ang OA nito !"


"Bakit ba? E sa ayaw ko pang kainin eh !" sabi ni Kobi...  "Kung gusto niyo ng Cup cakes ! Madami sa Canteen ! Gawa 'to ni Eli kaya special 'to !"

Pailing iling lang sina Miko at Kenneth sa kabaliwan ni Kobi..



****

Palapit naman si Myler kay Yohan na nakatambay sa Cafeteria para isauli na niya ang Laptop..


"Hi Yohan !" bati niya at napatingin naman sina Yohan , Kiel at Paulo..

"Hey Myler !" sabi ni Yohan..  "Bat di ka na nag reply kagabi ?!" medyo inis na tono ni Yohan at parang kinilig bigla si Myler. .

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon