Chapter 42

269 5 0
                                    


"Pero liligawan pa rin kita. " sabi ni Kobi. "Ayan nga oh , sinama ko pa si Mommy para makita mo ang sincerity ko. "

"Hindi yung sincerity mo ang nakita ko kundi yung pagiging MOMMY's boy mo !" diin ni Eli.

"Hindi yun ganon Eli , pinapakita ko lang talaga sayong seryoso ko. . Hindi ka ba naniniwala ?" tanong pa ni Kobi..

"Gaya nga ng sinabi ko , ayoko pang magpaligaw.. Maghihintay ka lang ng matagal !" sabi ni Eli..

"Okay lang ! Maghihintay ako ng matagal . . Kahit gano katagal.. " sabi ni Kobi..

"Kobi ?? Wag na kase eh ! Iurong mo na yang panliligaw mo.. Nakakahiya kina Ninang at Mommy !"

"Anong nakakahiya don ? Eh sa gusto nga kitang ligawan eh.. Diba matalino ka ? Hindi mo ba alam yung meaning ng I love You ? Mahal kita ibig sabihin non !" sabi ni Kobi na hindi maintindihan ni Eli kung nag jo-joke ba dahil seryoso naman ang mukha..

"Yea I know !" sagot naman ni Eli. "Kaya dapat alamin mo din yung meaning ng ayoko pang MAGPALIGAW !"

"Eh si Kenji ? " malungkot na sabi ni Kobi. "Pag si Kenji ba okay lang ? "

"Tsk ! Bat naman napasama si Kenji sa usapan ?" tanong ni Eli.

"Gustung gusto mo si Kenji diba? Pag siya ba ang nanligaw sayo hindi mo siya pipigilan ? " malungkot pa ring sabi ni Kobi..

"OO !" sagot nalang ni Eli..

"Well hindi ako papayag.. Hindi ka deserve ni Kenji . " sabi ni Kobi.. "Hindi mo ba talaga ko type Eli ? Bakit ? Ayaw mo ba ng sobrang gwapo ? Gusto mo yung medyo gwapo lang? Hayaan mo , mag papa pangit ako ng konti.. " sabi ni Kobi at natawa si Eli..

"Para kang sira !" sabi ni Eli kay Kobi.

"Eli seryoso ko , sabihin mo sakin yung klase ng lalaking gusto mo. Pwede naman akong mag adjust. Kung ayaw mo ng medyo mayabang.. pwede kong bawasan... Please ? Bigyan mo naman ako ng tip." pag mamaka awa ni Kobi..

Kobi , you are exactly my type kahit mahirap mang aminin para sakin yon. Gusto rin kita. Pero hindi mo pa yun pwedeng malaman.. Masyado pang maaga.. -------bulong ni Eli sa utak niya..

"Sige na Kobi , umuwi ka na.. Inaantok na ko eh.. " sabi ni Eli..

"Okay sige , bukas ulit ah!" nakangiting sabi ni Kobi at napailing iling lang si Eli..

****

Pina angkas ni Popoy si Drich sa motor . .

"Kumapit ka ng mabuti ah.. Baka mahulog ka.. " sabi ni Popoy kay Drich nung naka angkas na ito. Kumapit naman ng mahigpit si Drich sa bewang ni Popoy at nakaramdam si Popoy ng kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa ginawang pag hawak ni Drich sa bewang niya..

"You're wrong Popoy ! Kumapit nga ko sa'yo ng mahigpit eh ! Mahigpit ! Pero nahulog pa rin ako.. " lasing na sabi ni Drich at napailing si Popoy.. Mukhang humuhugot pa ata si Drich..

"Ihahatid na kita sa inyo.." sabi ni Popoy..

"NO ! Pag hinatid mo ko samin ! Aalis din ako agad at pupunta ko kay Raven !" malakas na sabi ni Drich..

"Raven ka ng Raven ! Gusto mo ba ipagulpi ko na yon ?" inis na sabi ni Popoy.

"Basta wag mo kong iuwi sa bahay ! Gusto ko dun sa inyo ! Gusto ko kasama kitang leche ka ! ! Pasalamat ka nga kahit gago ka gusto kita eh !!" lasing na lasing na sabi ni Drich.. "Gusto ko kasama lang kita lagi ! "

Naramdaman ni Popoy na humigpit na ang hawak ni Drich sa bewang niya. Maya maya pay nakayakap na ito at nakasandal sa likod niya..

"I love you Popoy.. Im crazily in love with you.. " bulong nalang ni Drich habang nakasandal ang ulo sa likod ni Popoy..

"Mahal na mahal din naman kita Drich.. Pero alam mo na--------- "

"Psssssttt !!!" pagputol ni Drich sa sasabihin ni Popoy.. "Will you please shut up ?? Puro ka pero eh ! Mahal daw ako etchera ! ! Lagi namang may pero sa dulo ! Sino ba nag imbento ng word na PERO ? Para ma ipa salvage ko na !!" inis na sabi ni Drich..

Umiling iling nalang si Drich..

"Alam mo yung feeling na ina- I Love You ka tapos may pero sa dulo ?? Shit i hate it ! ! " sabi pa ni Drich.. "Basta dalhin mo ko sa inyo ! Gusto ko katabi kitang matulog !!"

"Drich ano ka ba?? Hindi pwede yon!!" sabi ni Popoy. "Okay patutuluyin kita samin pero hindi sa kwarto ko ! ! Kase wala naman akong kwarto !" natawang sabi ni Popoy.. "Sa sala lang ako natutulog !"

"E di sa salas ako matutulog ! Basta gusto ko katabi kita !" diin ni Drich..

"Hindi nga pwede !!!" sigaw na rin ni Popoy..

Pano kung hindi siya makapag tiis ? pano kung hindi siya maka pagtimpi at bigla nalang niyang galawin si Drich ? Drich is so temptating and iresistable ! Pano kung hindi niya makontrol ang sarili niya at bigla may mangyari sa kanila ?? Hindi yun pwede !!

"Drich makinig ka saken ah.. Hindi tayo pwedeng matulog ng magkatabi. Bawal yun ! " sabi ni Popoy..

"Masarap ang bawal Popoy !! At hindi lang naman ako basta tatabi sa'yo eh ! ! I will make love with you !!" sabay tawa ni Drich na para ng baliw sa sobrang kalasingan.. "Hahalikan kita the whole night Popoy... "

Baliw talaga 'tong babaeng 'to ! Pano kung hindi ko na makaya ang mga panunukso niya? Gaya ng mga ganyang salita.. Nakaka akit. . Pabor sa kanya yon kung saka sakali.. Pero hindi siya mapag samantala lalo na kung kay Drich.. Hindi siya mag te-take advantage !

"Patutulugin lang kita sa bahay Drich , bukas kailangan mo ng umuwi sa inyo.. " sabi niya pero hindi na sumagot si Drich.. Naramdaman nalang niyang bumigat ito sa pag kakasandal sa likod niya..

"Tulog na pala ang Baby ko. ." bulong ni Popoy..

****

Nasa Celestine's na si Myler at wala talaga siya sa mood.. Hindi niya alam kung i kokompronta ba niya si Yohan o magkukunwaring wala siyang alam.. Pero sa nalaman niyang panloloko ni Yohan ay mas lalo dapat niyang ituloy at pag butihin ang plano niya. Pero pano niya ba masasaktan si Yohan kung hindi naman pala totoo ang pag mamahal nito sa kanya..

Hindi niya kinayang mag trabaho kaya nag paalam na lang siya sa Boss nila at nag leave siya for 3 days.. Kailangan niya ng bakasyon !

Habang nag iimpake na sila ng mga damit , iniisip niya pa rin si Yohan.. Malamang ay text na ito ng text ! Pero hindi niya pa rin binubuhay ang phone niya..
Kailangan na niyang makaalis bago pa pumunta si Yohan sa kanila. Pupunta muna sila sa Tagaytay , sa bahay ng tita niya..

****

Nasa kotse na si Yohan at papunta na siya sa bahay nina Myler. Sobra na kase ang ka badtripan niya dahil naka off ang phone ni Myler ! Napag usapan nila na magkita sila sa Bilyaran pero hindi pumunta ang babae.. Tumawag naman siya sa Celestines at umuwi na daw si Myler at nag leave pa ng 3 days ! !

Anak ng tokwa ! ! Lalong naiinis si Yohan pag naiisip niya yon ! Bakit naman mag li-leave.. Kahit konting idea sa nangyayare kay Myler ay wala siyang alam ! Para na siyang na pa-praning sa kaiisip !

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon