Agad lumabas si Eli sa Office para makita si Kobi. Nagtagpo agad ang mga mata nila nung nakita niya itong nakatayo sa labas ng Office.
Hindi agad nagsalita si Eli. Tinitigan niya lang si Kobi na malungkot ang mga matang nakatitig sa kanya.
"Nagpunta lang ako dito para.. Para magpaalam.. Bukas ng umaga yung flight ko.. Ingat ka ah.. Wag masyadong focus sa mga articles mo..." sabi ni Kobi at nagpipigil naman ng luha si Eli. "Tsaka dumaan lang din ako para mag paalam sa mga Prof tsaka kina Coach Jeff.. Ma-mi-miss kita.." malungkot na sabi ni Kobi. Tumango lang si Eli at pilit na ngumiti.
"Ingat sa byahe.." sabi nalang ni Eli..
Tumango naman si Kobi na mamasa masa ang mata dahil sa sagot ni Eli. Nag try lang siyang magpaalam pero mukhang wala lang kay Eli..
"Sige.. Dun na muna 'ko ah.. Kina Miko at Kenneth.." pag papaalam ni Kobi at dahan dahan ng tumalikod at naglakad palayo sa Office.
Si Eli naman ay maiiyak na kaya nagmadali na siyang tumakbo at nagpunta sa CR. Pagpunta niya sa CR ay pumasok agad siya sa isang cubicle at doon ay hindi na niya napigilang humagulhol.. Ang sakit kasi.. Ang sakit isipin na kaya siyang iwan ni Kobi.. Iyak lang siya ng iyak habang nakaupo sa bowl. Basang basa na ang mukha niya..
"Eli?" kinakatok na siya ni Vannesa sa cubicle. "Eli are you okay? Umiiyak ka ba dyan?" nag aalalang tanong ni Vannesa at panay pa rin ang iyak ni Eli. "Eli buksan mo 'to.." sabi ni Vannesa na patuloy pa rin sa pagkatok.
Agad nagpunas ng luha si Eli bago niya binuksan ang cubicle... Nakita nga ni Vannesa na umiiyak siya at agad siya nitong niyakap..
"Nasasaktan ako Vannesa.. Nalulungkot ako....." umiiyak niyang sabi kay Vannesa.
"Choice mo yan eh. Choice mong malungkot. Choice mong umiyak. Kasi kung gugustuhin mo pwede ka namang may magawa eh.. For sure kaya mong pigilan sa pag alis si Kobi. Alam kong pakikinggan ka niya.." sabi ni Vannesa.
Tinitigan lang ni Eli si Vannesa at agad na nga siyang umalis sa CR at napangiti naman si Vannesa.
Patakbong pumunta si Eli sa cafeteria at nakita niya ngang nandon si Kobi kasama nina Miko at Kenneth.
"Bro.. Wag ka ng umalis! Ma mi-miss kita eh!" teary eyed na sabi ni Miko.
"Loko! Uuwi din naman ako no!" natatawang sabi ni Kobi kay Miko. "Ikaw yata 'tong bakla eh!" katyaw pa ni Kobi at nakita niyang natahimik sina Kenneth at Miko.. Palapit pala sa kanila si Eli..
"Pwede ba tayong mag usap?" mahinang tanong ni Eli kay Kobi at kusa ng tumayo sina Miko at Kenneth para iwan sina Eli at Kobi..
Agad ng umupo si Eli sa upuang katapat ni Kobi...
Nagtitigan lang muna silang dalawa at kita ang lungkot sa mga mata nila..
****
Nasa classroom naman si Yohan at busy siya magbasa ng Roswell High Series, The Outsider.
"Uy Bro! Anong trip yan?" natatawang tanong ni Kiel nung makita niyang nagbabasa ng English Novel si Yohan at mukhang seryoso ito.
"Walang pakialamanan.." sabi ni Yohan na busy pa rin..
"Favorite novel kasi yan ni Myler kaya ganyan..." natatawang sabi ni Paulo. "That's true love!"kantyaw pa ni Paulo.
"Oo tama ka.. Kaya kung ako sa inyong dalawa, maghanap na kayo ng true love niyo para nababawasan na yang pakiki alam niyo.." natatawa ding sabi ni Yohan. "At para sumasaya na yang mga buhay niyo"
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...