Maliligo pa sana si Yohan sa batis pero tinamad na siya dahil nandun na si Jia. Naka upo nalang sila ni Myler sa isang makintab na bato.
"Bakit kaya bigla nalang nilang naisipan na pumunta rin dito ?" tanong ni Myler kay Yohan.
Nagkibit balikat lang si Yohan ..
Si Jia ay panay ang tingin kina Myler at Yohan habang siya naman ay naliligo at nag papa pansin. Pero dedma talaga kay Yohan.. Kahit naka two piece na siya ! Umahon na lang siya sa tubig at dahil nabasa na ang two piece niya ay mas lalong lumutang ang hubog ng katawan niya. Agad siyang lumapit kina Yohan sa ganung itsura niya.
"Hindi na ba kayo maliligo ?" nakangiting tanong ni Jia kina Yohan.. "Come on guys ! Ligo na tayo !" pagkasabi niya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ni Yohan at akma niya yung hihilahin... "Tara na Yohan ! Lets swim ! " aya pa ni Jia..
At dahil ayaw naman ni Yohan na masyadong mapahiya si Jia ay tumayo na lang din siya ..
"Come on Myler.. Langoy na tayo.. " alok naman ni Yohan kay Myler sabay hawak din sa kamay ng girlfriend niya.
"Giniginaw na 'ko Yohan.. " sabi ni Myler... "Sige na , kayo nalang.. " nakangiting sabi ni Myler kay Yohan..
"Sure ka ?" tanong ni Yohan. .
"Oo. ..sige na maligo na kayo.. Papanuorin ko nalang kayo .. " nakangiting sabi ni Myler. Sa ganitong sitwasyon , kailangan niyang kumalma !! Baka kasi bigla niya nalang lunurin si Jia ng wala sa oras.. "Sige na Yohan..." sabi pa niya..
Nakita na nga niyang naliligo na rin si Yohan na kina Kobi at Miko naman dumidikit at nakikita naman niyang panay ang iwas nito kay Jia. . Pero si Jia ay akala mong bakal na maya't maya nalang na mamagnet kay Yohan !
****
Sa kabilang bato naman ay si Drich ang naka upo.. Pinapanuod niya nalang maligo si Popoy at panay din ang kuha niya ng pictures nito. Siguro kung magiging photographer siya ay si Popoy ang gagawin niyang modelo ! Walang kamalay malay si Popoy na kinukaan niya ito ng pictures habang busy sa pag ligo at paglangoy sa batis..
"Wow ah !!! Patay na patay ka sa boyfriend mo ah ! Panay kuha mo ng pic niya oh.." natatawang kantyaw ni Clyde at hindi niya akalaing nasa likuran na pala niya ito at nagpupunas ng tuwalya sa katawan.. "Try mo i-zoom out Drich para mas maganda !" natatawa pa nitong sabi kaya napahinto na si Drich sa pag shut..
"Alam mo Clyde ? Kung mang iinis ka lang , bat di ka nalang kaya mag paka lunod dyan sa batis ?!" asar niyang sabi kay Clyde ..
"Ang sungit ah !" natatawa pang sabi ni Clyde.. "Pero kapag kay Popoy..parang anghel... Hahaha.. Tapos kapag sa iba parang impakta ! " tawa ng tawang sabi ni Clyde.. "Joke lang !" sabay bawi at biglang tumayo na si Drich sa bato at hinampas niya ng dala niyang bag si Clyde...
"Impakta pala ah !!! Okay sige , matitikman mo talaga ang pagiging impakta ko Clyde !!" inis niyang sabi at pinag hahampas niya ng bag si Clyde.. Si Clyde naman ay tawa ng tawa habang sinasalag ng braso niya ang bawat hampas ni Drich sa bag..
"Tamaan mo na yung lahat Drich.. Wag lang yung gwapo kong mukha.." tawa nito habang patuloy pa rin sa pag hampas si Drich..
"DRICH !" natigilan si Drich nung marinig niyang sumigaw si Popoy at nung lingunin niya ito ay paahon na sa batis at nakatingin sa kanya. Kaya inismidan na lang niya si Clyde..
"Bwisiten mo pa ko ulit ! Bato na yung ihahampas ko sa'yo !" banta ni Drich sa natatawa pa ring si Clyde.
Lumapit na nga si Popoy at naupo na sila sa bato habang si Popoy ay nagpupunas ng tuwalya sa katawan..Si Clyde naman ay natatawa pa ring naligo na lang ulit sa batis.
"Sobrang lamig ng tubig ?" tanong ni Drich kay Popoy..
"Oo..parang may yelo.. " sabi ni Popoy habang nagpupunas ng tuwalya sa mukha.. "Bakit ka nakikipag asaran na naman kay Clyde ?! Diba sabi ko wag ka ng makikipag asaran sa kanya ?!" inis na sabi ni Popoy kay Drich..
"E inasar ako eh ! Alangan namang hindi ko labanan yung bwiset na 'yon ? Alam mo bang sinabi niya na impakta daw ako ???? Grabe diba??? " inis na sabi ni Drich..
"Hindi mo ba na ge-gets ?? Nag papa pansin lang yun sa'yo ! " diin ni Popoy. "Kaya habang pinapansin mo naman siya at habang napipikon ka ay tuwang tuwa lang yun!! " inis niya pang sabi.. "Pwede namang dedmahin mo lang eh.. Hinahampas hampas mo pa ng bag , ang sweet tingnan ah !" sarkastikong sabi ni Popoy..
"Hayaan mo ! Next time tubo na ang ipang hahampas ko para hindi masyadong sweet !!" inis na sabi ni Drich... "Pano naman naging sweet yung hinahampas ko siya ng bag???" inis niyang sabi..
"Wala !!" inis ding sabi ni Popoy.. "Gusto mo tawagin mo siya ulit ! Maghampasan kayo ng bag tapos mag harutan kayo !" inis pang sabi ni Popoy.
"HARUTAN ??" inis na tanong ni Drich.. "Alam mo mas nakaka bwiset ka eh !! Ang OA mo !" sabi ni Drich..
"Bwiset ako!?" tanong pa ni Popoy.. Tumayo na lang si Popoy at nagbuntong hininga.. "Pasensya na sa reaksyon ko ah.. Pasensya na kung feeling mo ang OA ko ! " at pagkasabi non ni Popoy ay agad na itong nag punta sa batis at naligo nalang.. Naiwang mag isa ang badtrip na si Drich...
Bwiset talaga si Clyde !!! Dahil sa kanya... Mag ka away tuloy kami ni Popoy !!! ----- inis na bulong ni Drich sa sarili..
****
Naka upo na lang rin si Eli at nag babasa siya ng English Novel na naka save sa phone niya. Sinulyapan niya pa si Kobi na naliligo kasama nina Miko..
Pasalin salin siya ng tingin , nagbabasa siya at sunod naman ay susulyap kay Kobi. Ang sarap din kasi panuorin ni Kobi habang nasa batis.. Hindi tuloy siya makapag concentrate sa binabasa niya.. Nakita niyang tumingin sa kanya si Kobi at sumigaw ito..
"Tara na Eli ! Ligo ka na.... !" nakangiting alok ni Kobi pero umiling nalang siya at ngumiti.. Napaka lamig na ng tubig kaya ayaw na rin niyang maligo..
"Anong binabasa mo?''tanong ni Kenji at umupo ito sa isa pang bato..
"Ah.. When the Darkness Calls.. Ang ganda , tsaka yung bida dito.. Ellie yung name.. Feeling ko ako 'to.. " nakangiting sabi ni Eli.. "Bakit ikaw ? Nagbabasa ka rin ba ng mga English Novel ?" tanong pa ni Eli..
"Hmm.. Nakakahiya man pero Oo... " nakangiting sagot ni Kenji.
"Ano namang nakakahiya don ?' tanong pa ni Eli.
"Bihira naman kasi sa mga lalaki ang nag babasa ng mga novels diba? Usually , nag lalaro ng basketball ang mga lalaki at hindi nag babasa ng mga Nobela.. " nakangiting sabi ni Kenji..
"Okay kaya ! Nakakatuwa din yung mga lalaking katulad mo. " sabi pa ni Eli..
"Ang hilig ko kasi talagang magbasa at magsulat.. Kaya minsan napag kakamalan na kong bakla.. " sabi pa ni Kenji at natawa si Eli..
"Talaga ? Hm.. Hindi naman basehan yon para malaman mo yung gender ng isang tao.. At feeling ko , mas mukha ngang lalaki kapag ganyan.. Teka, may account ka siguro sa Wattpad no ?" tanong ni Eli.
"Actually... Meron nga... " nakangiting sabi ni Kenji.. "Follow mo na rin ako para masaya.. " sabi ni Kenji.. "@Kenjiko"
"Okay sige.. " nakangiting sabi ni Eli . Natutuwa talaga siya sa personality ni Kenji.. Hindi siya common .
Maya maya pa ay nakita ni Eli na palapit na si Kobi. .
"Ayaw mo na talagang maligo?" tanong pa ni Kobi kay Eli..
"Masyado na kasing malamig.. " sagot ni Eli..
Napatingin naman si Kobi kay Kenji
"Ikaw ? Baka gusto mo ng maligo para naman iwan mo na muna kami ni Eli.." prangkang sabi ni Kobi at nagulat dun si Eli..
"Kobi?" gulat niyang tanong dahil umiiral na naman ang bad mode ni Kobi..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...