Chapter 38

254 8 0
                                    

"Drich ?" sabi ni Popoy nung makalapit na siya sa table nina Drich at Raven  " Tumawag sakin ang Daddy mo , hinahanap ka niya. " sabi niya habang nakatingin kay Drich..

"Wala akong paki alam. " sagot ni Drich   "Uuwi ako kung anong oras ko gusto. Kaya nga ako nag Off ng phone diba? Di niyo ba na gets na ayokong paki alamanan niyo ko ??" pagtataray ni Drich..

"Tama siya Bro !" nakangising sabi ni Raven..  "Pwede mo na kaming iwan.. "

"Drich nag aalala ang Daddy mo sa'yo. Sana kung gagala ka o kung may lakad ka man, dapat sabihin mo nalang . Pwede ka namang mag paalam ng maayos sa mga magulang mo eh. Hindi yung hinahayaan mo silang mag isip ng mag isip kung nasaan ka !" sabi pa ni Popoy..

"Like what i said ! Wala akong pakialam !" diin ni Drich.  "Pwede ba,  just go home and stop pretending that you care !! Iwan mo na ko dito !!" diin pa ni Drich..

"Hindi mo ba siya narinig??" maangas din na tanong ni Raven.  "Umalis ka na !!"

"Pare manahimik ka ! Baka tamaan ka saken !!" sabay duro ni Popoy kay Raven . 

"Wow ! I'm scared !" sarkastikong sabi ni Raven .  "Hindi mo kase maintindihan na pinapaalis ka na ni Drich at ayaw niyang nakiki alam ka sa buhay niya !! " sabi pa ni Raven.

Nagulat si Raven nung bigla siyang kwelyuhan ni Popoy..

"Gago isang epal pa ! Ipapatikim ko sa'yo pagiging asal kalye ko !!!"  gigil na sabi ni Popoy kay Raven..

"Bitiwan mo si Raven !!" utos ni Drich..   "Umalis ka na Popoy ! Diba sabi ko ayoko ng makita yang pag mumukha mo??? Kaya umalis ka na !! At wala kang paki alam kahit anong gawin ko o kahit anong oras akong uuwi !! " malakas na sabi ni Drich..

"Come on Drich , " sabi ni Raven na agad ng tumayo.  "Lipat nalang tayo ng place.. Masya---------- "

Bago pa man matapos ni Raven ang sasabihin niya ay naka tikim na siya ng malakas na sapak mula kay Popoy at feeling niya ay nawasak ang panga niya sa sobrang lakas non..

"WINARNINGAN NA KITANG GAGO KA!! " Galit na sabi ni Popoy at agad niyang hinila si Drich palabas ng Restaurant.

"BITAWAN MO KO POPOY !!" pag pupumiglas na sigaw ni Drich..    "Ano ba?? Bitawan mo ko!!!"

Nung makarating sila sa labas ay hinarap siya bigla ni Popoy.

"Iuuwi na kita sa inyo !!" diin ni Popoy.. 

"NO!! Hindi ako uuwi !! May lakad pa kami ni Raven !" pagmamatigas ni Drich..

"Hindi na kayo makakalakad ni Raven !! DAHIL PIPILAYIN KO NA SIYA KAPAG PINAGPILITAN MO PA!!" seryosong sabi ni Popoy.. "Ihahatid kita sa inyo !!" sabi ni Popoy at agad niyang binuhat si Drich...

"Popoy ano ba????" pag pupumiglas ni Drich pero wala siyang magawa dahil kalong na siya ni Popoy..

****

Nasa Mall pa rin sina Myler at Yohan , nakabili na sila ng magandang dress para sa susuotin ni Myler sa Voice Of the Philippines.

Kaya naman napagod talaga sila at nagutom..

"Ang mahal nung dress ah! Pano ko yan mababayaran sa'yo ?"  tanong ni Myler kay Yohan nung nasa loob na sila ng isang Japanese Restaurant .

"You did'nt have to pay for it. Kusang loob ko yung binili para sa'yo. Well pwede mo kong bayaran sa ibang paraan.." nakangising sabi ni Yohan.. 

"Gaya ng???" tanong ni Myler..

"Like sleeping with me.. " nakangiting sabi ni Yohan..

"Sira !" natatawang sabi ni Myler..   "Ikaw talaga Yohan ah !" 

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon