Bagsak pa rin ang balikat niya nung papunta na siya sa Cafeteria. Iba talaga pag wala si Drich , ramdam niyang may kulang.
Umupo na siya sa isang table at feeling niya ang lungkot niya. Wala kase yung makulit at maingay na si Drich !
Umorder na lang siya ng pagkain at kumain na siya mag isa. Wala talaga siyang gana.
"Popoy !!! "
May narinig siyang sumigaw at agad siyang napalingon. Hindi niya maipaliwanag yung sayang nararamdaman niya nung makita niyang palapit na si Drich !
"Popoy !! " agad itong yumakap sa kanya..
"Drich ano ka ba? Yan ka na naman ah ! Pwede namang wag ka ng yumakap !" sabi ni Popoy !
"Hmp ! Ang sungit ! Hindi mo ba ko na miss?!" natatawang tanong ni Drich.
"Hindi naman ! Bat naman kita mami-miss !" sagot ni Popoy.
"Grabe ah ! Ikaw nga na miss agad kita eh ! ! Hay naku , tinanghali kase ako ng gising kanina kaya ayun ! Hindi tuloy ako nakapasok !" kwento ni Drich..
"Reyna ka talaga ng mga pasaway !" natatawang sabi ni Popoy. "Bat naman kase tinanghali ka ng gising ? Ano namang pinagka puyatan mo ?" tanong ni Popoy..
"Ikaw ! Napuyat ako kakaisip sa'yo !!" sabi ni Drich at napatigil sa pagkain si Popoy.. Napatingin siya kay Drich . "CHAROT !" Natatawang sabi ni Drich.. "Eh pano kase si Raven ! Pinipilit ako kagabi na sumama sa kanya sa Party. "
"Tinawagan ka?" tanong ni Popoy..
"Oo ! Hay naku ! Makulit talaga 'yon ! E sinabi ko na nga na hindi ako sasama eh.. Nag mamakaawa pa rin !" sabi ni Drich..
"Oh anong desisyon mo ?" tanong ni Popoy.
"Sasama ko !!" sabi ni Drich
"E di okay !" sabi ni Popoy na may inis sa tono ng pananalita.
"Joke lang ! Hindi ako sasama ! Diba may Deal tayo ?" sabi ni Drich..
"Oo nga.. At dahil sa'yo ! Alam mo ba , yung mga babae.. Kahit tingnan ako ay parang ayaw na nilang gawin ! Tinakot mo kase eh !" natatawang sabi ni Popoy..
"E kase kilala nila ko ! Alam nilang hindi ko sila papatahimikin ! " mayabang na sabi ni Drich..
"Umamin ka na nga saken Drich.. Gusto mo ba ko?" seryosong tanong ni Popoy..
Natahimik si Drich... Sabay tawa..
"Feeler ka ng konti ! " natatawang sabi ni Drich.. "Baka ikaw dyan ! May gusto ka sa'ken no ??" sabi ni Drich kay Popoy..
Si Popoy naman ay natahimik sa tanong ni Drich..
"Oo ! Gusto kita !" sabi ni Popoy..
Natawa naman si Drich...
"Joke na naman yan ?!" natatawang sabi ni Drich kay Popoy..
"Hindi ! Gusto kita Drich !" sabi ni Popoy .
"Weh ??? " tanong ni Drich "Naku Popoy ah ! Wag mo kong pag tripan dyan !" natatawa pa ring sabi ni Drich.
"GUSTO NGA SABI KITA ! Gusto kita Drich ! " diin ni Popoy.
"Ah okay ! Tapos dugtungan mo pa ng... GUSTO KITA.. GUSTO KITANG SAPUKIN ! ahaaha.. O diba?? Ganun yun ?" tawa ni Drich..
"Mahal kita !! " diin pa ni Popoy "Bahala ka kung ayaw mong maniwala.. Basta sinabi ko na Drich ! MAHAL KITA ! Ayoko nito okay ? Wala to sa plano ko. Pero ano bang magagawa ko ? E ang galing mo mag pa-fall !! Oo Drich eh ! Ang galing galing mo mag pa -fall ! Mahal na kita !" sabi ni Popoy at natulala lang si Drich sa mga narinig niya kay Popoy. Totoo ba?? Mahal siya ni Popoy ? Hindi ba yun joke lang ? Hindi ba yun trip lang ?
"Teka....... " sabi ni Drich.. "Hindi ako makahinga ! " hinihingal na sabi ni Drich. "Dalhin mo ko sa clinic !" utos ng hinihikang si Drich.
****
Nanlibre ng lunch si Kenneth kaya mag kakasabay silang nag lunch nina Vannesa , Eli , Miko at Kobi . .
Naiilang si Eli kay Kobi dahil sa ginawa nito sa court..
"Celestina oh, " sabi ni Kobi at nilagyan ng shomai ang pinggan ni Eli.. "Alam kong adik ka sa shomai kaya hindi mo yan matatanggihan.. "
Hindi nakaimik si Eli.. Naisip niyang baka alam na nga ni Kobi na crush niya ito ! Kaya kailangan niyang basagin yon ! Kinasabwat na niya si Vannesa.
"Wui guys ! Pwede humingi ng favor ?" tanong ni Vannesa kina Kobi at Miko..
"Ano yun ?" tanong ni Miko..
"Pwede bang iinvite niyo si Kenji sa birthday ko ?" sabi ni Vannesa.
"Huh ?? At bakit ?? " tanong ni Kenneth sa girlfriend niya.
"Hon ! wag kang magselos ! Hindi naman dahil sa'kin eh ! Para yun kay Eli ! Pero wag kayong maingay ah! ! " sabi ni Vannesa at halata naman sa mata ni Kobi ang pagtatanong..
"Para kay Celestina??" tanong ni Kobi... " Bakit naman?"
"E crush nga kase niya si Kenji ! Gusto niya lang ding makita sa party ko... sige na please?" malambing na sabi ni Vannesa sa mga lalaki..
Napakunot noo naman si Kobi !
Crush ni Eli si Kenji ?????
So yung K.S. pala ay Kenji Sandiego ? ?
Hindi Kobi Saavedra ???
Biglang nakaramdam ng panghihina si Kobi... Akala niya kase siya si KS ! ! Pero bakit yung password ni Eli ay KOBI ??
"Oo nga guys.. pwede ba?" tanong ni Eli.." Kailangan niyang iligaw si Kobi !
"Celestina??" asar na sabi ni Kobi.. "Bakit mo kailangang ipa invite si Kenji ? Isusumbong kita kay Tito Bench !!" inis na sabi ni Kobi..
"Ang pangit mo ! Sumbungero ka ! !" sabi ni Miko kay Kobi.. "Epal na ,nggitero pa !!" sabi ni Miko
"Wala kang paki alam Kobi !" sabi ni Eli... "Kahit sino pa ang ipa invite ko ! Wala ka na don !"
"Ah ganon ??" inis na sabi ni Kobi.. "Okay sige ! ! Makakarating 'to kay Tito Bench ay kay Tita Agnes ! Mali yang ginagawa mo eh ! "
Nagpipigil ng tawa si Eli.. Mukhang napaniwala niya talaga si Kobi at mukhang nailigaw
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...