30 minutes na ang nakalipas pero wala pa rin sina Popoy at France.. Nakaupo lang si Drich sa upuang kawayan , katabi niya si Fatty na busy sa pag gawa ng Assignments.
"Fatty una na muna ko ah.. Ang tagal ng kuya mo eh.. Pakisabi nalang may pupuntahan pa kasi ako.. " sabi ni Drich at kalmado lang siya dahil ayaw naman niyang ipakita kay Fatty na naiinis siya.. Wala din ang Nanay nina Popoy dahil naniningil daw ito ng pautang sa Avon.
"Naku ate Drich ! Uuwi ka na agad ? Hindi mo na ba talaga hihintayin si kuya ?" tanong pa ni Fatty.
"Hindi na.. Ite-text ko nalang siya.." nakangiting sabi ni Drich.. "Sige Fatty ah.. Una na ko.. Ingat ka dito ah !" sabi niya pa..
"Okay ate Drich.. Salamat ! Ingat ka din ah.. " sabi rin ni Fatty at ngumiti naman si Drich at tumango pa bago siya lumabas ng pintuan..
Pag sakay niya sa kotse ay inis na inis talaga siya..
"Sige na kuya Borj , uwi na tayo.. " seryoso niyang sabi sa Driver niya at talagang gigil na gigil siya ! ! 30 minutes ?? 30 minutes silang pumunta sa drug store ? E ang lapit lapit lang non ! Talagang malandi yung France na yon! Inis na inis niyang tiningnan ang phone niya at may text don si Popoy..
POPOY : Drich , nandito kami sa Drugstore. Ang daming nabili..
"Tse ! ! " galit niyang sabi sa phone niya at agad niyang tinago yun sa bag niya. "Magsama kayo ng France na yun !" inis niya pang sabi..
****
Umuwi na si Popoy sa kanila at hindi na niya kasama si France. Dumiretso na ito pauwi. Nagulat siya nung wala pa rin si Drich. Nag iisa lang si Fatty at busy pa rin sa assignments..
"Si ate Drich mo ba hindi pa napunta dito ?" tanong niya kay Fatty..
"Nandito siya kanina.. " sabi ni Fatty na hindi tumitingin kay Popoy.
"E nasan na ?!" tanong pa ni Popoy .
"Umalis na !" sagot ni Fatty.. "May pupuntahan pa daw kasi siya eh.. "
"At san naman siya pupunta ?!" tanong pa ni Popoy at agad munang lumabas at tinawagan niya si Drich..
Pero ring lang ng ring ang phone nito...
Badtrip niya dinial ulit ang number ni Drich pero ring lang talaga ng ring.
Tinext na lang niya..
POPOY : SAN ANG LAKAD MO?? AYAN AH ! CAPSLOCK PARA DAMA ! !
At gigil na gigil niya yung sinend. . At napahawak siya sa noo niya. Wag na wag lang pupunta sa Bar si Drich dahil talagang susugurin niya yon !
****
Nakaupo sa labas ng kwarto ni Jerwin sina Myler at Yohan.
"Umuwi ka muna kaya ? Magpahinga ka muna. " sabi ni Yohan kay Myler.
"Okay lang ako Yohan.. Wag mo kong alalahanin.. " sabi ni Myler.
"Hindi naman pwede yon Myler ! Pano pag nagkasakit ka ?" nag aalalang tanong ni Yohan. "Kailangan mo ring mag pahinga.. Ako nalang munang bahala dito kay Jerwin.. " sabi ni Yohan..
"Sure ka ba ?" tanong ni Myler.
"Oo , ako ng bahala.. " sabi pa ni Yohan.. "Sige na, magpahinga ka muna babe.. " sabi ni Yohan sabay halik sa pisngi ni Myler..
"Okay sige.. Ingat ka dito ah.. Mag text ka nalang sakin para bigyan mo ko ng update.. " sabi ni Myler.
"Okay .. Promise !" sabi pa ni Yohan ..
Nung umalis si Myler ay naiwan ng mag isa don si Yohan. Siya ang may kasalanan kung bakit nag kaganun si Jerwin. At tama lang na siya ang mag dusa hindi si Myler. Aaminin niya , nag seselos siya sa ginagawang pag aalala ni Myler kay Jerwin. Pero naiintindihan naman niya. Kailangan ni Jerwin ng karamay dahil nga walang pwedeng dumamay kay Jerwin sa mga panahong 'to.
Pumasok si Yohan sa kwarto ni Jerwin at gising si Jerwin..
"Si Myler ?" tanong ni Jerwin.
"Pinauwi ko na muna siya. Kailangan niyang magpahinga. " sabi ni Yohan..
Tumango lang si Jerwin..
"Salamat pare ah !" nakangiting sabi ni Jerwin. "Kase sinasamahan mo si Myler para bantayan ako. Tsaka.. Gusto kong mag sorry sa'yo... " seryosong sabi ni Jerwin . "Yung sa... sa ginawa kong... paghalik kay Myler... Pero alam mo , sobrang mahal na mahal ka niya kaya napaka swerte mo. At wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi tanggapin yon.. Kung saan masaya si Myler , dun na rin ako... "
Na gi-guilty naman si Yohan sa bawat salitang binibigkas ni Jerwin. Nakaramdam siya bigla ng awa..
"Wala yon Jerwin.. " sabi nalang ni Yohan.. "Teka , ano bang gusto mong kainin ? Bibili ako sa labas. . " offer ni Yohan.
"Ah.. Okay lang ba sa'yo ? Parang nakaka hiya naman , sa isang Montejar pa ko mag papabili ng pagkain... " nag aalangang sabi ni Jerwin.
"Ano ka ba ? Wag mo nga yung isipin . . Ako ng bahala.. Sige na , ano ba gusto mong kainin ? " tanong pa ni Yohan.
"Kahit sopas lang o kaya lugaw.. " sabi ni Jerwin.
"Okay , ibibili kita.. " nakangiting sabi ni Yohan .. Iniisip niya kung pano ba siya makaka bawi kay Jerwin ?
"Salamat ah !" nakangiti paring sabi ni Jerwin at tumango nalang si Yohan..
Mabait naman pala talaga si Jerwin . Kaya naman pala mag kasundong magkasundo sila ni Myler. Siguro kailangan na rin niyang ituring na kaibigan si Jerwin..
****
Umaga sa DMA ay papunta na sa Computer Room si Eli nung makasalubong niya si Mitch..
"Hi Eli !" nakangiting bati ni Mitch at ngumiti naman si Eli kahit halatang fake. "San ka pupunta ?"
"Sa ComRoom.. Bakit ?" tanong naman ni Eli.
"Wala lang... " sagot ni Mitch.. "May gusto lang sana kong itanong sa'yo. . At gusto ko maging honest ka sa sagot mo. " sabi ni Mitch.
"Ano ba yon ?" interesadong tanong ni Eli..
"Nililigawan ka ba talaga ni Kobi ?" tanong ni Mitch.
"Oo.. " matipid na sagot ni Eli.
"Do you like him too?" diretsong tanong ni Mitch.
"Why are you asking ?" na wi-weirduhang tanong ni Eli.
"Gusto ko lang kasing malaman kung may pag asa ba sa'yo si Kobi. To tell you honestly , i like Kobi ! So.. if ayaw mo sa kanya.. just tell me.. " sabi ni Mitch.. "O kaya bastedin mo na siya.. Wag kang paasa girl ! Nandito ako para saluhin si Kobi.. So please answer me honestly kung may pag asa ba siya sa'yo o wala. Kung gusto mo rin si Kobi.. Hahayaan na lang kita.. baka nag hahanap ka lang kase ng tamang pag kakataon. At kung ayaw mo naman sa kanya.. Ako ng bahala kay Kobi.. Tutulungan ko siya para makalimutan ka niya. So Eli , gusto mo ba si Kobi o hindi ? " tanong ni Mitch.
"Hindi mo ako dapat kinakausap tungkol dyan .. " sabi ni Eli.
"And why not ? E ikaw ang gusto niya at ikaw ang nililigawan niya. Just tell me kung ayaw mo sa kanya.. Tutulungan ko siya para matanggap niyang wala siyang pag asa sa'yo.. I love Kobi !" sabi pa ni Mitch.. "Usapang babae to Eli.. Do you like Kobi or NOT ??"
Natulala si Eli sa tanong na yon ni Mitch..
"Again Eli.. Do you like him or Not ?" tanong pa ni Mitch..
"Yea I LIKE HIM !!" mabilis na sagot ni Eli at pareho silang natulala ni Mitch.. "Gusto ko rin si Kobi !" sabi pa niya..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...