Chapter 67

260 5 0
                                    

Sobrang na te-tensyon na sina Eli at Kobi dahil hindi pa rin nag sasalita ang mga magulang ni Eli.

Maya maya pa ay nag simula ng magsalita ang Daddy niya.

"Hindi ka pa dapat nakikipag boyfriend Eli !" seryoso pero halatang dismayadong sabi ni Bench at parang lumaglag ang balikat ni Kobi sa narinig niya.. "Next semestral ay sa U.S ka na mag aaral.. " cold na sabi ng Daddy niya..

Lahat sila ay na - shock sa sinabi ni Bench. Maging si Agnes ay nagulat din !

Papatak na yung luha ni Eli sa sakit na nararamdaman niya nung biglang mag salita si Kobi..

"Tito 'wag naman po.. Kung ayaw niyo po na maging kami ni Eli , sige po. . Ititigil nalang namin...basta wag niyo na po siyang ilayo.. " sagot ni Kobi.. "Mas gugustuhin ko na pong maging hindi kami basta nakikita ko siya araw araw..."

Napaluha nalang si Eli na hindi malaman kung anong sasabihin niya. Basta alam niya , ang bigat sa dibdib ng mga naririnig niya..

"Excuse me po.. " sabi nalang ni Eli at agad na siyang tumayo "Inaantok na po ako.. Good night nalang sa lahat.." sabi niya at nagmadali na siyang umakyat sa itaas ng bahay..

Napapa hagulhol na kasi talaga siya at parang sasabog yung dibdib niya..

Naiwan naman sina Kobi sa table at ang lungkot ng mukha ni Kobi..

"Tito please? Wag niyo ng ilayo si Eli dito. Nandito po ang pamilya niya , ang mga kaibigan niya , at ito po ang mundong nakasanayan niya. Ako nalang ang lalayo Tito Bench , kesa si Eli ang mahirapan..." malungkot na sabi ni Kobi..

Tahimik lang sina Sandra at Agnes habang nakatingin sila kay Kobi.

"Ang seryoso niyo naman!" sabi ni Bench..  "It was all JOKE !" natawa niyang sabi at naka hinga ng maluwag si Agnes ..

"Sana ininform mo ko para hindi ako nabiktima !!" medyo inis pero natawang sabi ni Agnes.

Natawa lang si Sandra sa samantalang si Kobi ay naguguluhan pa rin..

"Tito?" tanong pa ni Kobi.

"Siyempre hindi totoo yung mga sinabi ko. . Bakit ko naman gagawin yon. Tsaka, alam ko namang mabait kang bata Kobi at pinag kakatiwalaan kita. Kaya ingatan mo yung tiwalang 'yon ah.." sabi pa ni Bench kay Kobi. "Dapat alam niyo yung mga limitations niyo kung hanggang saan lang kayo. Kiss sa chicks tsaka smack lang sa lips ang pwede ah ! Wag na kayong gagawa ng mas higit pa don.." sabi ni Bench at napapatango naman si Kobi habang tahimik na nakikinig.

"Opo Tito Bench... Sobrang thank you po!" nakangiting sabi ni Kobi ..

Akala niya talaga pag hihiwalayin na sila ni Eli. Buti naman at JOKE lang pala. Wow ah ! Meron palang Joke na nakakatakot at nakaka kaba. First time in his whole life ay na experience niya ang ganung klase ng joke ! .

****

"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ni Popoy kay Drich na nakahiga sa kama habang siya naman ay nakaupo sa gilid nito.

"Medyo okay na 'ko. Pwede ka ng umuwi Popoy.. " nakangiting sabi ni Drich. "Salamat talaga sa pagbabantay mo sakin ah.. "

"Wag kang mag Thank you. Gusto ko talagang bantayan ka eh.. Mahirap naman kasi yung nag aalala ko tapos wala ako sa tabi mo.. " sabi ni Popoy..

Napangiti naman si Drich sa kabaitan ni Popoy sa kanya..

"Hm... Ano? Uuwi ka na ba?" tanong ni Drich.

"Kung okay ka na, uuwi na 'ko.. Okay ka na ba talaga ?" tanong pa ni Popoy.

"Medyo okay na nga.. " sagot ni Drich..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon