Chapter 61

294 8 0
                                    

"You like me ?" gulat na tanong ni Kobi kay Eli.

"Sinabi ko na diba? ?" pagtataray pa ni Eli at sobrang tuwang tuwa naman si Kobi sa narinig niya. Hindi siya makapaniwalang maririnig niya yon mula kay Eli..

"So.. Tayo na ba ?" nag aalangang tanong ni Kobi at wala siyang paki alam kahit pa ang daming tao sa paligid nila.

"Hindi !" mataray na sagot ni Eli..   "Pero kapag umulan... " sabi ni Eli sabay tingin sa langit..   "Okay , tayo na !!" confident na sabi ni Eli sabay ngisi.

Napakamot naman sa batok si Kobi..

"Eh ang init ng araw oh !" sabi ni Kobi..  "Mukhang hindi naman uulan.. " angal na sabi ni Kobi.

"Pwes hindi ko na yon problema !" nakangising sabi ni Eli.. Lumayo na siya kay Kobi at agad na siyang pumwesto sa Booth.

Tulala pa rin si Kobi.. Pero ayos lang kahit hindi umulan, imposible naman kasi talagang umulan dahil ang init ng panahon. Atleast masaya pa rin siya , dahil nalaman niyang gusto rin pala siya ni Eli..

Si Vannesa naman ay hindi mapigilang kiligin kina Kobi at Eli kaya naman siniko siya ni Eli..

Napatingala si Kobi nung maramdaman niyang may pumatak sa mukha niya.. Napanganga si Kobi at hindi siya makapaniwala na unti unting dumilim at unti unting pumatak ang ulan... Mahina muna... Pero maya maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan...

Napangiti si Kobi at kung may bagay man siyang hindi inaasahan ay ang biglang bumuhos ang ulan sa mainit na panahon...

Si Eli rin ay natulala ! Pano umulan ?? E kani kanila lang ang init init pa ! !

Nagkatitigan na lang sila ni Kobi at pareho silang tulala..

Habang ang iba ay nagtatakbuhan na at naghahanap na ng masisilungan. Pero sina Eli at Kobi ay nananatiling nakatayo at nakatingin sa isa't isa..

Lumapit si Kobi kay Eli..

"Pano ba yan ? Umulan... " nakangiting sabi ni Kobi..

Tulala pa rin si Eli at sila nalang ni Kobi ang naiwan sa field dahil nag silungan na ang iba. Napalunok si Eli.. Hindi siya makapag salita .

"Ibig sabihin... Tayo na.. " sabi pa ni Kobi.

"Masyado namang mababaw kung dahil lang sa ulan ay sasagutin na kita diba?" mataray na sabi ni Eli.

"E diba ikaw ang nagsabi non?" nagtataka pang tanong ni Kobi. 

"Ayokong maging tayo dahil lang umulan ! Gusto kong maging tayo dahil mahal kita ! " sabi pa ni Eli at natulala lang si Kobi..

"Pero... " malungkot na sabi ni Kobi  .

"Sinasagot na kita Kobi ! " sabi ni Eli..

"Ha?" tanong pa ulit ni Kobi.

"Sinasagot na kita ! Hindi dahil umulan Kobi.. Kundi dahil mahal kita !" diretsong sabi ni Eli at napaluha si Kobi sa sobrang sayang nararamdaman niya.

"Talaga ? " lumuluhang sabi ni Kobi pero nakangiti siya.

Tumango si Eli..

"Oo , tayo na Kobi. . Girlfriend mo na 'ko" nakangiting sabi ni Eli.

Nakangiti si Kobi..

"Pwede ba kitang yakapin?" tanong pa ni Kobi at tumango naman si Eli habang nakangiti.

Agad siyang niyakap ni Kobi ng mahigpit..

"Salamat Eli.. Salamat.. Mahal na mahal kita.. " sabi ni Kobi at nakangiti lang si Eli.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon