Magkakatabi na sa malaking kama sina Eli,Myler at Drich pero tahimik lang sila at kanya kanya sila ng naiisip.
Si Myler ay naiisip niya pa rin si Jia,kelan kaya titigil si Jia sa pag epal sa relasyon nila ni Yohan. Kailangan ba talaga ay inuntog niya pa ang ulo nito sa pader at baka sakaling matauhan! Alam niya kung gaano siya kamahal ni Yohan at malaki ang tiwala niya hindi siya kayang lokohin at saktan ni Yohan. Pero pa'no kapag hindi nakapag control si Yohan at biglang matukso nalang kay Jia?
Si Drich naman ay iniisip niya rin sina Clyde at Popoy. Naaawa naman sana siya kay Clyde pero ang tigas naman kasi ng ulo. Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ni Clyde na gusto siya nito. Baka naman kasi naka inom lang kaya nasabi 'yon sa kanya.
Si Eli naman ay katext niya ang boyfriend niyang si Kobi.
KOBI: Di na 'ko makatulog Eli.. Ikaw?
ELI: Hm.. Ako din.. Di na 'ko makatulog.. 2:30 am na oh..
KOBI: Kwentuhan muna tayo sa may fountain.. :) please?
Napangiti naman si Eli sa idea ni Kobi.
ELI: Okay sige.. :)
KOBI: Punta na 'ko dun ah..
Agad ng tumayo si Eli at inayos lang niya ng konti ang sarili niya. Naka floral shorts lang siyang maiksi at naka white shirt siya. Iniwan nalang niya sina Drich at Myler na parehong malalim ang iniisip.
Sa garden ay nakita na niyang naka upo na don si Kobi. Malapit ito sa fountain.
Agad na siyang umupo sa tabi ni Kobi..
"Grabe yung kanina no?" tanong agad ni Eli kay Kobi..
"Pwede ba ibang topic na lang? Wag na yung mga 'yon. . " nakangiting sabi ni Kobi.. "Pag naaalala ko kasi yung rule #1, naiinis ako.." sabi ni Kobi.
"Ang wag lumandi sa taong taken na.." sabi pa ni Eli.
"Nilalandi ka ba ni Kenji?" diretsong tanong ni Kobi kay Eli.
"Hindi ah! Bat mo naman yan nasabi?" gulat na tanong ni Eli kay Kobi.
"Wala! Joke lang.." ngumiti nalang na sabi ni Kobi. "Alam ko namang hindi ka maaapektuhan kahit sino pang mag pa cute sa'yo eh.." confident na sabi ni Kobi.
"Talaga!" sabi pa ni Eli.. "Wala namang mas cute sa paningin ko kundi ikaw lang eh!" nakangiti pang sabi ni Eli..
"Alam ko!" sabi ni Kobi.. "Kaya nga matagal mo na kong crush diba?" pangangantyaw ni Kobi.
"Ang kapal mo ah!" natatawa lang na sabi ni Eli.
"Eh sino ba talaga yung KS? Yung nakalagay sa mga notes mo dati.. Si Kenji Sandiego ba talaga 'yon?" tanong pa ni Kobi..
"Hindi yun si Kenji!" natatawang sabi ni Eli.. "Kobi Saavedra 'yon!" sabi pa niya.
"Weh? Eh dati sinabi niyo ni Vannesa na si Kenji 'yon diba?" tanong pa ni Kobi.
"Joke lang 'yon!" natatawang sabi ni Eli.. "Ikaw talaga si KS!"
Napangiti naman si Kobi at napahawak siya sa mukha niya....
"Kinikilig ako ah!" natatawang sabi ni Kobi.
"Kinikilig ba ang mga lalaki?" tanong pa ni Eli habang natatawa pa rin.
"Oo naman! Ako nga oh...kinikilig sa'yo!" natatawang sabi ni Kobi at agad niyang hinawakan ang kamay ni Eli.. "Shit ang lambot talaga ng kamay mo!" sabi pa ni Kobi.
"Psst!! Don't say bad words Kobi!" saway ni Eli..
"Sorry!" nakangiting sabi ni Kobi. "Eh ang lambot kasi ng kamay mo oh.. Napag hahalatang wala kang ginagawa sa bahay niyo... " kantyaw ni Kobi.. "Marunong ka ba maghugas ng pinggan?" tanong pa ni Kobi.
"Siyempre naman!" depensa ni Eli.. "Everytime nga na gumagawa ako ng cupcakes ay ako yung naghuhugas ng mga ginamit kong utensils."
"Totoo?" tanong pa ni Kobi.
"Oo nga!" sabi pa ni Eli..
"Ang lambot lambot oh.." sabi ni Kobi sabay halik sa kamay ni Eli.. Agad niyang tinitigan ng mata sa mata si Eli.. "Eh yung lips mo kaya? Gaano kalambot?" tanong ni Kobi at bigla namang nag blush si Eli sa sinabi ni Kobi.
Hinampas niya sa balikat si Kobi..
"Ikaw ah!!" pinandilatan niya ng mata si Kobi at natawa naman si Kobi.
"Tinatanong ko lang naman." nakangiting sabi ni Kobi. . "Hindi ko naman sinabing hahalikan kita.. Pero.. Sana.. Pwede na.." natatawa pang sabi ni Kobi at natawa lang si Eli.. Tumunog naman yung phone ni Eli at may tumatawag pala sa kanya..
"2:30 am may tumatawag sa'yo?" tanong ni Kobi.. "Sino naman yan??"
Agad sinagot ni Eli ang call..
ELI: Hello? Napatawag ka?
KENJI: May tatanong lang sana ko..
ELI: Tungkol saan? Kung tungkol yan sa Article mo,sa office nalang natin yan pag usapan. Marami rin kasi akong ipapakita sa'yo...
KENJI: Ah okay.. Pasensya na ah.. Di lang kasi ako makatulog tapos biglang pumasok sa utak ko yung tungkol sa article ko kaya napatawag tuloy ako ng wala sa oras.. Ahm... Naabala ba kita?
ELI: Ah...hindi naman....
Si Kobi naman ay nababadtrip na dahil alam niyang si Kenji pala ang tumawag kay Eli ng 2:30 ng madaling araw! Gusto talagang makatikim ni Kenji..
Maya maya pa ay binaba na ni Eli ang call..
"It's Kenji, about dun sa article niya.." sabi ni Eli.
"Hindi kaya excuse lang ni Kenji ang mga Articles na yan para makalapit sa'yo?" inis na tanong ni Kobi... "Madaling araw tinawagan ka?? Araw araw ba yang tumatawag? Bakit binigay mo yung number mo? Textmate mo ba yan?" tanong ni Kobi..
"Ngayon lang siya tumawag ng madaling araw.." sabi ni Eli.
"E anong oras siya natawag?! So consistently siyang tumatawag sa'yo ganon? Kelan pa?" inis na tanong ni Kobi.
"Relax ka lang!" sabi ni Eli.. "Kung tumawag man siya sa'kin or mag text.. Dahil lang yun sa DMA News Paper at maliban don..wala na! Hindi naman kami nagtatawagan para magkumustahan. Minsan may tinatanong lang siya about sa mga articles. Yun lang 'yon!" pag papaliwanag ni Eli.
"Basta!" sabi ni Kobi.. "Hindi ka dapat niya tinatawagan Eli!" inis na sabi ni Kobi..
"Hay naku! Pinaliwanag ko na diba? Mag aaway pa ba tayo dahil lang sa isang tawag??" sabi ni Eli..
"Matutulog na 'ko." sabi ni Kobi at agad ng tumayo..
"Kobi??" inis na tanong ni Eli.. "Ano bang nangyayari sa'yo? Baka naaapektuhan ka lang dahil sa mga nangyari kina Clyde at Popoy.. Kay Myler at Jia.. Wag ka ngang mag selos!" inis na sabi ni Eli. "Wala ka namang dahilan eh!" sabi pa ni Eli..
"Akin na yang simcard mo.." seryosong sabi ni Kobi..
"What??" gulat na tanong ni Eli.
"Akin na yang simcard mo.. Palit tayo.." sabi ni Kobi at agad nitong tinanggal ang sim card sa phone niya at inaabot niya kay Eli.. "Ito yung sim card ko.. Akin na yang sa'yo." sabi ni Kobi at napanganga si Eli sa gustong mangyari ni Kobi..
"Magpapalit tayo?!" gulat pa niyang tanong..
"Oo.." sabi ni Kobi.. "Akin na yan.." nakalahad ang palad nito kay Eli.
Napailing si Eli at agad niya ng inalis ang simcard sa phone niya. Inabot niya 'yon kay Kobi..
"Oh ayan!! Para sa peace of mind mo!" diin pa ni Eli.
Kinuha naman agad 'yon ni Kobi at nilagay niya sa phone niya ang sim ni Eli..
Tahimik lang si Eli habang naka upo parin.. Bigla nalang tinopak si Kobi at naisipang makipag palit pa ng sim!
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...