"Ah sige.. Iwan ko na kayo. " nakangiti namang sabi ni Kenji at iniwan niya na sina Kobi at Eli na mag katabing naka upo sa bato .
"Bakit mo naman ginanun yung tao?" tanong ni Eli kay Kobi dahil sa sinabi nito kay Kenji..
"Bakit? Inano ko ba yun ?" tanong pa ni Kobi. "Wala naman akong ginawang masama ah.. " angal ni Kobi..
"E yung pananalita mo kanina? Bakit ganon ?" tanong pa ni Eli.
"Okay...cut the topic... " sabi nalang ni Kobi.. "Ayoko yung nararamdaman ko na parang siya ang kinakampihan mo.." sabi ni Kobi.
"Hindi naman sa ganon.. " sabi nalang ni Eli..
"Pasensya ka na ah. . Aaminin ko hindi ako kumportable kay Kenji.. Pasensya ka na kung medyo praning na ata ako.. Pasensya ka na ah.. Masyado kasi kitang mahal eh.. " sabi ni Kobi at napangiti naman si Eli.
"Wala ka namang dahilan para mag selos Kobi. Nababaitan lang ako kay Kenji tsaka nagagalingan lang ako sa kanya sa pag gawa niya ng mga articles para sa DMA News Paper. Yun lang yon Kobi.. Hindi ko naman siya type.. "nakangiting sabi ni Eli..
"Sus! Ang good boy kaya non.. Ayaw mo sa Good Boy?.. " tanong pa ni Kobi.
"Gusto ko rin ng Goodboy.. Pero yung hindi kasing good boy niya. Gusto ko yung medyo.. Medyo mayabang... " nakangiting sabi ni Eli sabay tingin kay Kobi.. "Parang ikaw!" natatawang sabi ni Eli..
"Ah.. " natatawa ring sabi ni Kobi... "So mayabang ako ganon?"
"Medyo ! Medyo lang naman !" sabay tawa ni Eli at agad namang pinisil ni Kobi ang ilong ni Eli..
"Ikaw ah.. " sabi pa ni Kobi...
"Basta Kobi.. Wag mong pag selosan si Kenji.. We're just friends.. Tandaan mo.. Mahal kita.. " nakangiting sabi ni Eli at pinisil din niya ang ilong ni Kobi..
"I love you too!" sabi naman ni Kobi sabay hawak sa kamay ni Eli.. "I love you always and forever.. " sabi pa ni Kobi at napangiti naman si Eli...
Habang nasa batis naman si Kenji ay hindi niya maiwasang mapatingin kina Eli at Kobi.
Gusto niya si Eli.. Matagal na...
Kaya lang mukhang wala na talaga siyang pag asa dahil kay Kobi . Ano ba naman ang panama ng isang Nerd na tulad niya sa isang Heartthrob at Blue Hawk Star Player ? ? Walang wala siya kay Kobi.. Kaya mukhang napaka labo talaga ang maka singit pa siya kay Eli. Pasalamat na nga lang siya dahil kahit papaano ay araw araw silang magkasama ni Eli sa DMA News Paper Head Quarters.Makukuntento nalang siguro siya ng ganon.. :(
****
Habang naliligo pa rin sina Yohan ay nililibang nalang ni Myler ang sarili niya sa pag lalaro ng Text Twist sa phone niya. Mas okay na yung mag isip siya ng mga Words sa Text Twist kesa naman panuorin niya si Jia sa pag papa cute kay Yohan..
Lumapit sa kanya sina Kiel at Paulo.. Pinagitnaan siya ng dalawa at napatingin si Myler sa dalawa..
"Uy... May nag seselos dito... Diba Kiel?" pangangantyaw ni Paulo..
"Oo nga Paulo... May nag seselos dito.. Pasimple lang.. " kantyaw pa ni Kiel..
"Hindi naman masyadong halata na ako ang pina riringgan niyo no?" tanong ni Myler. "Excuse me! Hindi ako nag seselos ! Malaki ang tiwala ko kay Yohan .! " pagtataray ni Myler.
"Ang sexy ni Jia ah... Sana ako nalang ang gusto niya... " natatawang sabi ni Kiel at napailing lang si Myler..
"Pwede ba iwan niyo na lang ako dito ?? Kung anu-ano yang mga pinag sasasabi niyo eh.. " asar na sabi ni Myler..
"Wui.. Hindi ka naman namin inaano ah?" natatawang sabi ni Paulo.
"Kunwari pa kayo eh !" sabi ni Myler . "Kilala ko kayo ah ! Alam ko kung gano kayo kalakas man trip ! Tigilan niyo kong dalawa ! Isusumbong ko kayo kay Yohan !!" angal ni Myler at natawa lang ang dalawa .
Maya maya pa ay lumapit na si Yohan na basang basa ang katawan..
"Hoy kayong dalawa ! Tumayo kayo dyan ! Wag niyong didikitan ang girlfriend ko.. Mga maniac !" natatawang sabi ni Yohan ..
"Wow !! Maniac talaga ??" angal ni Kiel.. "Baka ikaw !!" kantyaw pa ni Kiel "Kaya nga kanina ka pa sa tubig minamanyak mo yata si Jia.." tawa ng tawang sabi ni Kiel..
Tawa na ng tawa sina Paulo at Kiel at namula naman si Myler.. Yun na yata ang pinaka pangit na JOKE na narinig niya sa buong buhay niya... Ang minamanyak daw ni Yohan si Jia !!! Takte !! Anong klaseng Joke yon.. ???
"Sira ulo ka ah !" angal naman ni Yohan kay Kiel.. "Hindi totoo yan ah.. Bawiin mo yan Kiel ! Baka mamaya maniwala si Myler.. " sabi pa ni Yohan at umupo na siya sa tabi ni Myler..
"Joke lang Myler ah.. Ahahah .." natatawa pang sabi ni Kiel..
"Tara na nga Kiel ! Ligo nalang tayo... Haha.. " nakakaloko ring tawa ni Paulo..
"Oo ! Maligo na kayo.. Para malinis na yang mga utak niyo.." sabi pa ni Yohan na hinampas pa ng tuwalya ang dalawa bago pa naka alis.. Agad naman siyang tumingin kay Myler at nakita niyang seryoso ito ... "Wui...bakit ka seryoso ?" tanong naman ni Yohan at agad niyang inakbayan si Myler.
"Wala .. " sabi lang ni Myler.. "Nakaka inis lang kasi yung Joke ni Kiel !!" prangka niyang sabi.
"Kilala mo naman yon. . Mahilig talaga yun mang-bwiset. Hindi totoo yun ah.. At isa pa.. Im not maniac.. " depensa ni Yohan.
"Hmm... Alam ko naman.. Talagang malakas lang mang asar sina Kiel ! Kung bakit naman kasi sumunod pa yang mga yan dito.!" inis na sabi ni Myler..
"Oo nga eh ! Kung iligaw kaya natin sila ?" biro ni Yohan at natawa nalang si Myler.
"Sira ka talaga.. " natatawang sabi ni Myler..
"Tsaka ang tunay na sexy.. Hindi na kailangang mag suot ng daring na damit para ipakitang sexy siya.. Ang tunay na sexy , yung tulad mo.. " sabi ni Yohan at napangiti naman si Myler sa sinabi ni Yohan.
****
Tapos na silang maligo at mag luluto na sila ng lunch nila.. Nag labas sina Yohan ng mga baon nilang uling para pabagahin na 'yon. Inilabas na rin nila ang mga manok na iihawin nila..
Panay ang tingin ni Popoy kay Drich pero panay irap naman si Drich sa kanya..
Napailing nalang si Popoy at lumapit na siya kay Drich...
"Sorry na !!" diin ni Popoy sa may tenga ni Drich.. "Kahit wala akong kasalanan.. SORRY!!"
"Pwede ba 'wag ka nalang mag Sorry kung hindi ka naman sincere !!" inis na sabi ni Drich.. "Panong wala kang kasalanan ? E sinabihan mo 'kong nakikipag harutan ako kay Clyde e' hindi naman talaga !!" diin pa ni Drich..
"Okay.. Sorry na nga... " mahinahong sabi ni Popoy.. "Sorry na Prinsesa ko !" sabi ni Popoy sabay akbay kay Drich.. "Please???" pa cute pang sabi ni Popoy kay Drich.
"Okay..." sabi ni Drich.. "Sorry din.. " sabi nalang ni Drich.. "Tsaka sige ! Hindi ko na talaga papansinin yung Clyde na 'yon ! Kahit asarin ako.. Dededmahin ko nalang... " sabi pa ni Drich..
"Oo.. Dedmahin mo lang kasi.. Nag papa-pansin lang yun sa'yo.. Sapakin ko na kaya yon?" natatawa pang sabi ni Popoy at natawa na din si Drich..
"Wag naman.. Nakaka awa din.. " natatawang sabi ni Drich at humawak na siya sa braso ni Popoy..
"Ayoko na nag kakatampuhan tayo Drich.. Ayoko ng ganun.. Kaya sana wag na tayo mag away ah.. Na i-stress ako eh.. " sabi ni Popoy..
"Ako din naman ! Basta kasi , hinay hinay ka sa pagsasalita mo para hindi ka makasakit.." sabi pa ni Drich..
"Opo.. Pangako sa'yo !" natatawang sabi ni Popoy..
At nagdikit ang mga mukha nila at nag tititigan sila..
"I love you Drich !" sabi ni Popoy..
"Love you too!" sabi rin ni Drich..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...