Chapter 50

286 8 0
                                    

Nanunuod ng basketball game sina Drich at Eli.. Panay ang cheer ni Drich  tuwing makaka shoot ang kahit sino mang Player ng DMA Blue Hawk lalo na kapag si Popoy ang nakaka shoot.. Pangiti ngiti lang si Eli sa pag tili ni Drich. Pero deep inside kase ay tuwang tuwa rin siya tuwing makaka shoot si Kobi at tuwing tumitingin ito sa kanya.

****

Sina Yohan at Myler naman ay magkatabi habang nanunuod sila ng Game. Magka holding hands pa sila. Sa kanila pa tumapat ang camera at sila ang tinanghal na Couple of the Night. Nagkatinginan naman sila at nagka ngitian.

Maganda ang ending ng laro at panalo ang DMA Blue Hawk !

****

"Ako naman ang manlilibre ngayon !" mayabang na sabi ni Popoy nung nasa labas na silang anim..

Napatingin naman si Drich kay Popoy .

"Sure ka ba? " gulat na tanong ni Drich..  "No Popoy ! Wag na ikaw , pwede namang si Yohan !" sabi ni Drich..

"Yea ! Ako nalang.. " nakangiting sabi ni Yohan.

"Ako na, " sabi pa rin ni Popoy..

"Wag na Popoy !" sabi pa ni Drich..

"Drich ? Sabi ko ako na !" inis na sabi ni Popoy at natigilan si Drich sa medyo high pitch na sabi ni Popoy..

"Okay ! " sagot nalang ni Drich..

Tahimik pa rin si Drich hanggang sa sumakay sila ni Popoy sa kotse. Magkatabi sila sa back seat.

"Bakit tahimik ka ?" tanong ni Popoy kay Drich.

"Ikaw kase eh ! " sabi ni Drich .  "Bakit ba naisipan mong manlibre ? Hindi mo naman yun dapat gawin ! Pwede mo naman yun ibili nalang ng para sa bahay niyo eh. " sabi ni Drich  .

"Drich , hindi naman ako mag bo-volunteer kung alam kong wala akong pera , tsaka hayaan mo nga na paminsan minsan ay maranasan ko rin na meron pala kong halaga. " sabi ni Popoy..

"Halaga ? Bakit ? Akala mo ba wala kang halaga ? Pwede ba wag mong dina-down ang sarili mo !" asar na sabi ni Drich

"Kung ayaw mong i down ko yung sarili ko , hayaan mo kong gumastos ngayon okay ? " sabi ni Popoy.

"Okay sige ! Pero kapag malaki yung bill at hindi mo kaya , ako mag dadagdag ng  pambayad. Okay ba yon ?" tanong ni Drich.

"Kaya ko yon !" sabi pa ni Popoy.

"Okay!" napakibit balikat nalang si Drich .  "Nga pala Poy , may kumontak saken. Baka daw pwede kang mainterview. Researcher siya sa isang TV Show ! Gusto mo ba ?" tanong ni Drich. 

"Ha? Ano namang gagawin ko don ? Anong sasabihin ko ?" tanong pa ni Popoy.

"Kahit ano. Iinterviehin ko lang naman don dahil nga nag viral ka as Roof man at napaka clueless nila about sa'yo kaya naman ang daming interesado na mas makilala ka pa nila. Malay mo ma discover ka bilang singer diba ? " na eexcite na sabi ni Drich.

"Drich parang ayoko mag pa interview eh , alam mo namang shy type ako diba ?" sabi pa ni Popoy.

"Ayaw mo bang i grab yung oppurtunity ? Sayang to Popoy ! " pangungumbinsi ni Drich. 

"Okay sige na , payag na ko. " nakangiting sabi ni Popoy at agad siyang niyakap ni Drich.

"Yan ! Verygood !" natatawang sabi ni Drich sabay halik sa pisngi ni Popoy.. Si Popoy naman ay napangiti nalang.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon