Chapter 65

238 8 0
                                    

Nakatalukbong ng kumot si Drich at umiiyak pa rin siya. Masama pa rin yung pakiramdam niya , dagdag mo pa yung sakit ng puso niya dahil kay Popoy. Siguro nalibang si Popoy dahil ngayon ang interview sa kanya nung TV Host. Malamang din na kasama don si France.. Iyak pa rin siya ng iyak ! Malalagot talaga sakanya si Popoy kapag gumaling na siya !!

Maya maya pa ay naramdaman niyang bumukas ang pinto ng kwarto niya pero hindi pa rin siya umaalis sa pag kaka talukbong ng kumot.

"Anak ? Kain ka muna.. kailangan mo pang uminom ng gamot.." narinig niyang sabi ng Mommy niya..

"Busog pa ko Mommy ! Ayoko pong kumain.." sagot niya na paos pa ang boses.

"Anak kumain ka na kahit konti lang.. Tsaka masarap 'tong sopas oh.. Tikman mo.." sabi pa ng Mommy niya..

"Later na po.. ayoko pa.. " sabi ni Drich.

"Anak , baka mag tampo si Popoy.. siya pa naman ang nagluto nito oh.. " pagkasabi non ng Mommy niya ay nagulat talaga siya ! Si Popoy daw ???

Agad siyang nag alis ng kumot at umupo siya sa kama at agad na tumingin sa may pintuan. Nakita niyang nakatayo dun ang Mommy niya at si Popoy na hawak ang mangkok ng sopas..

"Hindi pwedeng hindi ka kumain Drich.. " sabi ni Popoy at napaiyak na naman si Drich.. "Wui ! Bat ka umiiyak ??" nag aalalang tanong ni Popoy . Agad niya ng pinatong sa side table ang tray na may mangkok at lumapit siya kay Drich sa kama.  Agad niyang pinunasan ng palad niya ang luha sa pisngi ni Drich..  "Bakit ka ba kasi umiiyak ? Tahan na.. " malambing na sabi ni Drich..

"Ganyan talaga siya Popoy.." sabi ng Mommy ni Drich.  "Emotional yan kapag may lagnat.. " sabi nito..  Tumango naman si Popoy at patuloy na inaalo si Drich..  "Sige , iwan ko na muna kayo.. dun na muna ko sa baba.. " sabi ng Mommy ni Drich at lumabas na ito sa kwarto.

"Susubuan kita Drich , kailangan mong kumain.. " tumayo siya para kunin ang mangkok at muling naupo. "Ako nagluto nito.. kaya medyo natagalan akong pumunta dito." sabi ni Popoy at napangiti si Drich..

"Akala ko kasi , hindi ka nag aalala sa'kin.. " sabi ni Drich.

"Sira ka talaga ! Pano naman ako hindi mag aalala sa'yo ? Eh kanina nga , natataranta na kong magluto nitong sopas , naubos pa yung gas kaya nag uling nalang ako.. Kaya nga ang tagal naluto eh.. Gustong gusto ko na ngang puntahan ka.." sabi ni Popoy..  "Oh kumain ka na oh.. Gusto kong gumaling ka na.. " sabi pa niya at sinubuan na niya si Drich ng sopas..

"Ang sarap ah..." sabi ni Drich at gumaan na ang loob niya. Mali naman pala yung akala niya. Masyado lang talaga siyang nag self pity. Talaga pa lang mahal na mahal siya ni Popoy..

****

"Pwede bang dito ako matulog ? Tutal wala namang pasok bukas.. " sabi ni Yohan kay Myler nung naka upo sila sa Sofa nina Myler.

"Yohan hindi pwede , wala ka namang tutulugan dito.. " sabi ni Myler.

"Dito na lang ako sa sofa... sige na please?" tanong pa ni Yohan.  "Tsaka , gusto kong manuod tayo ng Movie.."

"Hindi nga pwede Yohan , ako lang mag isa dito oh... Na kina Tita si Nanay. Ang pangit kayang tingnan yung nandito ka.." sabi pa ni Myler.

"Wala naman tayong gagawing masama ah. ." sabi naman ni Yohan..  "Pwede rin kung gusto mo !" natatawang sabi ni Yohan at agad siyang hinampas sa dibdib ni Myler.

"Sira ka talaga ! " sabi ni Myler.

"Tsaka delikado kung mag isa ka lang dito no.. Baka mamaya pasukin ka dito ng magnanakaw.." paliwanag ni Yohan..

"Magnanakaw ? Ano namang nanakawin dito ?" natatawang sabi ni Myler.

"Ikaw ! ! Malay mo bigla kang nakawin ni Jerwin dito " nakangiting sabi ni Yohan.

"Baliw ka talaga !" natatawa pang sabi ni Myler..  "Okay sige dito ka sa Sofa matulog.. kaya lang.. kaya mo ba ng walang electricfan ?? E sa kwarto mo nga naka aircon kapa !" sabi pa ni Myler. 

"Its okay with me Myler.. " sabi ni Yohan sabay hawak sa kamay ni Myler..  "Bastat kasama kita , okay lang."

"Kahit lamukin ka?" tanong pa ni Myler.

"Kahit may butiki pa ! " sabi lang ni Yohan.  "Wag lang ipis !" natatawang sabi ni Yohan.

"May ipis talaga dito Yohan !" sabi ni Myler.

"Yayakapin nalang kita kapag nakakita ko ng ipis.. " sabi pa ni Yohan ...

Hating gabi na at tulog na si Myler sa kwarto niya. Samantalang si Yohan ay hindi makatulog sa sofa dahil napaka init at malamok pa.. Maya't maya siyang nag papatay ng lamok at panay na ang kamot niya sa braso.

Shit ! Parang hindi ako makakatulog kapag ganito. Hell ang lamok na ang init pa.. ---- bulong ni Yohan sa isip niya at napaupo nalang siya..

Hindi nga kumportable matulog kina Myler , pero lahat kaya niyang pag tiisan para sa babaeng mahal niya. At hindi niya rin hahayaang walang kasama si Myler sa bahay na 'yon. Yung pintuan at bintana ay parang napaka dali lang wasakin kung gugustuhin mong pumasok  .
Maya maya pa ay muli na siyang humiga para pilitin niyang makatulog. .

Nagising si Myler ng madaling araw dahil mag C-CR siya. Paglabas niya sa kwarto ay nakita si Yohan na nakahiga sa Sofa. Nakita niyang pawis na pawis si Yohan at parang may mga pantal pa.. Pinapak na siguro ng lamok ! Nag alala naman bigla si Myler sa kalagayan ni Yohan . Sanay si Yohan sa kwartong kumportable at may aircon. At dahil mukhang hindi na naman siya makakatulog dahil 3 am na. Maglalaba nalang siya sa poso.. Kinuha niya ang electricfan sa kwarto at itinapat niya yon kay Yohan..

****

Saturday Morning ay nag ba-bike sa Village sina Eli at Kobi.

"Pabilisan ulit?" tanong ni Eli.

"Wag na.. Ayoko. Baka mamaya mapikon ka pa kapag natalo ka !" natatawang biro ni Kobi.

"What ?? Ako na ang mananalo ngayon , promise !" confident na sabi ni Eli..

"Ayoko nga sabi.. basta mag bike nalang tayo.. " sabi ni Kobi..  "Nga pala Eli.. may kasalanan ako sa'yo.. " sabi ni Kobi .

"Kasalanan?? Ano ?" gulat na tanong ni Eli.

"Sinabi ko kasi kay Mommy na tayo na !" sabi ni Kobi at na shock talaga si Eli sa sinabi ni Kobi..

"WHAT ?? Bakit mo sinabi ?? Kobi naman eh !!"asar na sabi ni Eli .

"Hindi ko naman sinasadyang sabihin Eli.. Nadulas lang ako.. " sabi pa ni Kobi..

"Tsk !" bulong nalang ni Eli.. "Baka mamaya sabihin ni Ninang kina Mommy ! Ang daldal mo kasi !!" inis na sabi ni Eli..

"Sorry naman.. tsaka humingi ako ng payo kay Mommy.. Sabi niya.. aminin na daw natin kina Tito Bench at Tita Agnes dahil kapag sa iba pa raw nila nalaman yung tungkol satin , baka daw mas lalo silang magalit sa'tin. " sabi ni Kobi at natahimik naman si Eli.

Mukhang mas magiging komplikado pa nga ang lahat kapag hindi pa sila umamin. Mas lalo nga talagang magagalit ang Mommy at Daddy niya.

"So.. aaminin na natin ?" tanong pa ni Eli kay Kobi..

"Oo.. Aminin na natin Eli.. Mas okay na din naman yung legal na tayo diba ? Mas magaan sa pakiramdama yon.." sabi pa ni Kobi..

"E pano ? Pano natin aaminin?" tanong pa ni Eli.

"Mamayang gabi sabihin na natin.. Isasama natin si Mommy. " sabi ni Kobi.

"Okay sige.. " huminga ng malalim na sabi ni Eli. . "E kaso.. Pano kapag ..ayaw nina Daddy?' tanong pa niya.

"Para namang hindi mo kilala ang Daddy mo.. Ang bait kaya ni Tito Bench , cool din siya at understanding kaya alam kong hindi siya magagalit.. Tsaka boto kaya sa'kin yon !" mayabang na sabi ni Kobi..

Natawa lang si Eli..

"Hay naku.. Ayan ka naman sa kayabangan mo Kobi.." nakatawa niyang sabi.. "Okay sige mamayang gabi ah.. Goodluck sa'tin. . " sabi pa ni Eli at hinawakan ni Kobi ang kamay niya..

"I love you !" sabi ni Kobi.

"I love you too!" sabi din ni Eli..

At nakangiti na silang nag bike ..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon