Monday morning sa DMA ay bumubuhos ang malakas na ulan. Suspended na ang Pre-school at High School level. At dahil water proof ata ang mga College Students ay may pasok pa rin sila !
Nasa Head quartes ng DMA News Paper si Eli at busy siya mag check ng mga column na i-pa-publish nila.
Nakita niya yung article about "Scholars" at binasa niya yon. Sobrang inspiring nung article na nag lalaman ng buhay ng mga Scholar sa DMA. Very impressive ang pag kaka gawa at nakita niyang si Kenji pala ang gumawa non. Napatango siya at napangiti . Hindi siya nag kamali sa pagtanggap kay Kenji bilang bagong Journalist ng DMA NP .
Maya maya pa ay nakita niyang pumasok si Kenji sa Room na yon at nag ngitian agad sila . Cute si Kenji at natural expression niya na ang pag ngiti , lalong sumisingkit si Kenji kapag ngumingiti.
"Hi Ms. Montejar !" bati ni Kenji.
"Eli nalang , ang pormal naman masyado. " nakangiting sabi ni Eli.
"Ah okay.. Eli. . " naupo na si Kenji sa pwesto niya at inilapag na niya ang bitbit niyang laptop don. Tiningnan niya pa si Eli na busy rin sa laptop nito.
"Alam mo Kenji , ang ganda nitong article mo about sa mga Scholars. Sino namang inspiration mo dito ? "tanong ni Eli .
"Nag interview lang ako ng mga kilala kong Scholars at nag research din. At na inspired din ako sa kanila. " sagot ni Kenji.
"Kaya pala ang ganda nung article mo eh , punong puno ng puso.. " sabi ni Eli.
Ngumiti nalang si Kenji.
****
"Alam niyo , napipikon na talaga ko dun sa Kenji na yon ! " sabi ni Kobi kina Kenneth at Miko nung naglalakad sila sa hallway at malakas pa rin ang ulan.
"Bakit ba ? E wala namang ginagawa sa'yo yung tao !" sabi ni Kenneth.
"Palibhasa ! Insecure ka !" sabi ni Miko.
"Tsk ! Bat naman ako maiinsecure don ? E hindi hamak namang mas gwapo ako don ! Cute lang siya , chinito ! Pero mas gwapo ako at mas ma appeal !" mayabang na sabi ni Kobi at natawa lang sina Miko.
"Edi ikaw na !" sabi ni Kenneth. "Ikaw na mas gwapo , ikaw na mas ma appeal ! Ang tanong.. Ikaw ba ang crush ng crush mo?" natatawang tanong ni Kenneth.
Natahimik lang si Miko.. Dahil alam niya ang totoo. Alam niyang si Kobi ang crush ni Eli pero hindi niya pwedeng sabihin yon. Baka lalo kasing maging mayabang si Kobi ! Napangiti nalang siya. Hahayaan nalang niyang ma praning si Kobi sa kakaisip na si Kenji ang gusto ni Eli.. ;-)
****
"Bro ! Nakita mo ba yung picture ni Myler kahapon ? Nakita ko kase yun sa Newsfeed ko kaso biglang nawala. " sabi ni Kiel kay Yohan nung nasa Classroom sila.
"Picture ? Anong picture ?" tanong ni Yohan..
"Di ko kase sure.. Kayo yata ni Myler yon.. Medyo malabo kase yung kuha.." sabi pa ni Kiel.
"Ha? Anong klaseng picture naman yon ?" nagtatakang tanong naman ni Yohan at napapailing lang si Paulo.
"Actually i saw it !" sabi ni Paulo at napatingin naman sa kanya sina Yohan at Kiel. "It was Myler and Jerwin. Magka dikit ang lips nila so i assume they kissed. " sabi ni Paulo pero parang nabigla si Paulo sa nasabi niya. Tama bang sinabi niya yon ? Well , tama lang naman na malaman yun ni Yohan bilang boyfriend siya ni Myler !
Natigilan si Yohan..
"I'll ask Myler.. " nasabi nalang ni Yohan at nawala siya sa mood. Alam niya na si Jerwin nga ang kasama ni Myler nung nawala ito ng 3 days. Pero hindi niya naman naisip na may gagawing masama si Myler. Napahinga siya ng malalim at gusto niyang kumalma...
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...