"Popoy.." tawag ni Drich nung maabutan niya si Popoy na nasa garden at nakaupo sa may fountain. "Hindi mo naman 'yon dapat ginawa eh." sabi ni Drich.
"Ako pa mali?" inis na tanong ni Popoy. "Dapat sabihin mo yan sa sarili mo. Hindi mo 'yon dapat ginawa! Hindi purket dare 'yon gagawin mo na! Drich hindi ka naman papatayin kung hindi mo hahalikan si Clyde eh!" galit na sabi ni Popoy. "Dare lang 'yon! Tang*n* !!"
Napaluha nalang bigla si Drich dahil sa malutong na murang narinig niya.
"Hindi ikaw ang minumura ko Drich ah. Yung sitwasyon!!" sabi ni Popoy. "Sorry kung feeling mo KJ ako,kung OA ako at kung bakit ganito ako mag react! Pero Drich mali naman talaga eh! Maling halikan mo siya lalo na sa harapan ko pa!"
Patuloy pa rin sa pag iyak si Drich...
"Sorry Popoy.. Sorry na.... " naiyak niyang sabi. "Kase feeling ko hindi naman 'yon masama dahil sa chicks lang naman 'yon at dare lang naman 'yon. Pero sorry talaga.. Hindi ko na yun uulitin.. sorry na...." naiyak pa ring sabi ni Drich .. "Sorry talaga ... " sabi pa rin ni Drich habang nakatingin siya sa galit na mukha ni Popoy.
"Drich mahal na mahal kita, ayoko ng ganon. " sabi ni Popoy.
"Promise hindi na mauulit.. Wag ka ng magalit...." paki usap pa ni Drich.
Huminga ng malalim si Popoy..
"Tumahan ka na.." sabi ni Popoy kay Drich. "Ayoko ring nakikita kang umiiyak." kahit wala pa sa mood si Popoy at kahit kumukulo pa rin ang dugo niya kay Clyde ay niyakap nalang niya si Drich. "Tahan na.. " sabi niya pa habang hinahaplos ang likod ni Drich.
"Sorry ulit Popoy.. sorry kung paulit ulit nalang akong nakakagawa ng kasalanan.. Sorry.." sabi pa ni Drich.
"Hindi naman ikaw ang may kasalanan eh. Yung Clyde na 'yon! Masyado niyang pinapahalata na gusto ka niya. Wala siyang paki alam kahit nasa paligid lang ako." sabi pa ni Popoy at tahimik na lang si Drich..
****
Sa loob naman ng mansyon ay hindi na nila tinuloy ang laro. Nakaupo nalang sila sa napaka laking sofa habang hawak pa rin ni Clyde ang panga niya.
"Rule #1," sabi ni Kobi. "Hindi dapat nilalandi ang taong taken na."
Napalunok naman si Clyde pero tinamaan din si Jia sa sinabi ni Kobi.
"Tama ka.." pag sasang-ayon naman ni Yohan.
"Rule #2, hindi sa lahat ng bagay ay paiiralin mo ang joke, lalo na kung alam mong hindi naman nakakatawa!" sabi pa ni Kobi.
"Tama na 'to." sabi ni Eli. "Mabuti pa matulog na tayo." agad ng tumayo si Eli. "Girls tara na, punta na tayo sa room natin." pag aaya ni Eli at tumayo na sina Myler, Jia at Mitch.
"Goodnight guys!" sabi nalang ni Myler at hinalikan na siya ni Yohan sa pisngi.
"Goodnight Babe.. Sweet dreams.." sabi pa ni Yohan at mabilis na hinalikan si Myler sa lips.
"Rule #3!" sabi naman ni Kiel. "Hindi dapat humahalik sa harap ng dati mong apple of the eye. Masakit 'yon.." kantyaw pa ni Kiel sabay tingin kay Jia.
"Loko ka talaga!" sabi naman ni Yohan kay Kiel. "Rule #4, mag girlfriend ka na. Para hindi mo kami pinag iinitan.." natatawang sabi ni Yohan at natawa nalang din si Kiel.
"Sige Kobi, una na kami.." pag papa alam ni Eli kay Kobi.
"Matutulog ka na ba talaga?" malungkot na tanong ni Kobi. "Text text ah.." sabi pa ni Kobi.
"Rule #5, wag OA Kobi.." natatawang sabi ni Miko at natawa nalang sila.
Umakyat na nga ang mga babae at naiwan na lang ang mga boys sa Salas.
****
Malaki ang kwartong 'yon ng mga babae. Bukod sa king sized na kama ay naglatag pa si Eli ng isa pang malaking kutson sa sahig. Malakas din ang aircon at may TV pa. Agad ini-on ni Eli ang TV.
"Mali naman kasi talaga yung ginawa ni Clyde.." sabi ni Eli, hindi kasi gaanong nag share ng opinyon kanina sa mga lalaki dahil baka magkainitan pa ng ulo.
"Maling mali!" diin ni Myler. "Mali kasing umepal ka pa kapag may karelasyon na ang isang tao!" inis na sabi ni Myler at hinihiling niya na sana ay matamaan si Jia!!
"Mali talaga! Kaya nga ako.. tinigilan ko na si Kobi eh!" natatawang sabi ni Mitch. "Tanggap tanggap din kasi pag may time!" sabi pa ni Mitch at napapalunok lang si Jia. Kanina pa kasi siya nasasapul sa mga pinag sasasabi ng lahat.
"Mali din naman si Drich.." sabi pa ni Eli.. "Pwede namang hindi na niya gawin yung dare." sabi ni Eli.
"Baka nahiya lang si Drich na hindi sumunod sa dare." sabi ni Myler. "Dapat naman kasi kay Clyde, hindi siya nag papa-pansin kay Drich dahil nga alam niyang taken na. Ang hirap naman kasi minsan sa mga tao,kahit alam ng taken ang gusto nila ay pinipilit pa rin nila yung mga sarili nila. Sila ang nagiging dahilan kung bakit nag aaway ang mga mag kakarelasyon. Dapat alam nila kung saan sila lulugar!" inis na sabi ni Myler dahil gusto talaga niyang patamaan si Jia.
"Hindi mo naman masisisi si Clyde.. " sagot ni Jia. "Nagpapakatotoo lang siya!" pag de-depensa ni Jia.
"Nagpapakatotoo??" tanong ni Myler kay Yohan. "Imbes na magpakatotoo ay dapat tanggapin na nila yung katotohanan na hindi sila gusto ng mahal nila. Uso mag move on teh!" sabi pa ni Myler.
"Hey? Are you refering to me?" takang tanong ni Jia na tumigil sa pag lalagay ng cream sa mukha.
"Si Clyde ang pinag uusapan natin kaya wag kang matamaan!" sabi ni Myler. "Unless talagang sapul na sapul ka!" matapang na sabi ni Myler.
Napanganga naman sina Mitch at Eli sa conversation nina Jia at Myler.
"Akala mo siguro hindi ko napapansin." diretsong sabi ni Myler. "Akala mo hindi ko nahahalata na panay ang pagpapapansin mo kay Yohan! Akala mo ba hindi ko nakikita? Pinipilit mong kunin ang atensyon niya! " diin na sabi ni Myler.
"What are you talking about??" inis na tanong ni Jia.
"Girls tama na yan.." awat ni Mitch. "May away na kanina sa baba.. Away pa rin ba dito?" sabi pa ni Mitch at huminga nalang ng malalim si Myler. Agad nalang siyang humiga sa kama at kinuting-ting na lang niya ang phone niya para makaiwas nalang din kay Jia. Hindi na kasi talaga siya nakapag pigil. "Hindi nalang pala kasi talaga sa gubat makikita ang mga ahas.. Nasa City na rin sila.. Minsan kasama mo pa sa isang kwarto.." mahinang sabi ni Myler at napakunot ang noo ni Jia.
"Sumusobra ka na ah!" inis na sabi ni Jia kay Myler.
"Pwede ba wag kang affected?!' inis din na sabi ni Myler. "Bakit ahas ka ba??" tanong pa niya.
"Stop it!" sabi ni Eli.. "Come on Myler.. Lumipat na tayo sa ibang kwarto. Masikip ang kwartong 'to para sa inyo ni Jia." sabi ni Eli at tumayo na siya.
Tumayo nalang din si Myler at sumama na siya kay Eli palabas sa kwartong 'yon.
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...