Last 10 Chapters nalang po Readers.. Enjoy reading.. Walang bibitaw..
****
Nasa Celestine's na si Myler at wala talaga siya sa mood. Dahil kay Jia, hindi natuloy ang triple date nila nina Drich at Eli. Perfect na sana ang lahat kung wala lang sanang epal sa eksena.
Nag se-serve na si Myler sa isang Costumer nung makita niyang pumasok sa main door ng Restau si Yohan at bumilis sa pagtibok ang puso niya..
"Yohan? Bakit ka nandito?" tanong pa ni Myler habang naglalakad siya papunta sa counter.
"Tara na.. Pumunta na tayo sa yate.." sabi ni Yohan.
"Wag na.. Naka duty na 'ko dito atsaka puntahan mo nalang si Jia. Sure akong kailangan ka niya." malamig na sabi ni Myler.
"Myler, nandito na nga 'ko oh.." sabi pa ni Yohan.. "Hindi naman ako papayag na hindi tayo matuloy sa cruise. Come on.. Magbihis ka na.. Pupunta na tayo don at hinihintay na nila tayo.." sabi pa ni Yohan at napahinga ng malalim si Myler. "Sige na Myler.. Sasama tayo.."
Napangiti naman si Myler dahil sa pinaparamdam sa kanya ni Yohan. Yung tipong kahit hindi naman niya hinihingi o dine-demand ay kusang loob na ibinibigay sa kanya ni Yohan.
"Eh pano 'to? Naka duty na 'ko?" tanong pa ni Myler.
"Boss mo si Tito Bench okay? At kasama din natin si Eli sa yate.. Anong magiging problema don?" nakangiting sabi ni Yohan.. "Tara na.. Akong bahala sa'yo." at hinawakan na ni Yohan ang kamay ni Myler. "Lets go Myler."
Ngumiti naman si Myler at yumakap nalang siya kay Yohan. Sobrang saya kasi ng nararamdaman niya..
****
Masayang masaya sina Eli nung makita nilang parating na sina Yohan at Myler sa yate.
"Andyan na sila!!!!" na excite na sabi ni Eli.
"Hay salamat.. Hindi nagwagi ang kasamaan.." natatawang sabi ni Drich at inakbayan siya ni Popoy..
"Tuloy na tuloy na nga ang triple date." nakangiting sabi ni Popoy.
"At wala ng hassle sa date natin!" nakangiti ding sabi ni Kobi.
Agad niyakap nina Drich at Eli si Myler nung maka akyat ito sa yate..
"Akala namin hindi na talaga kayo makakasama.." sabi ni Eli.. "Buti nandito na kayo.."
"Akala ko nga din.. Buti at naka takas si Yohan sa alaga niya!" asar na sabi ni Myler at natawa lang sina Kobi at Popoy.
"Oh tara na.. Para maka alis na tayo.." na eexcite na sabi ni Kobi.
Maya maya pa ay umandar na ang yate at nakatanaw na silang anim sa dagat.. Kitang kita nila habang papalayo ng papalayo ang yate nila sa pier. Magkakahiwalay ng pwesto ang tatlong pares at may kanya kanya silang moments together..
Si Yohan ay nasa likuran ni Myler at nakayakap siya sa tiyan ng girlfriend habang ang baba niya ay nakasandal sa balikat nito.
"I love you Myler.. Pasensya ka na kanina ah.. Kung hindi agad ako nakapunta.. Biglaan lang din kasi yung pagtawag sa'kin nung Mommy ni Jia. Tsaka alam mo ba.. May matinding kasalanan satin si Jia..." sabi ni Yohan.
"Ha? Anong kasalanan naman 'yon?" tanong pa ni Myler.
"Nagkukunwari lang siya... Hindi naman totoong depressed siya.. Ginawa niya lang 'yon para makuha ako ulit pero kahit naman anong gawin niya ay imposible ng mangyari 'yon." sabi ni Yohan.
"Grabe naman!! Sabi na nga ba e! Hindi mapagkakatiwalaan yung Jia na 'yon! Nung una palang nagduda na 'ko! Teka.. Pano mo nga pala nalamang umaakting lang siya?" tanong ni Myler.
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...