Chapter 96

275 6 0
                                    

"Naguguluhan tuloy ako.. Hindi ko na maintindihan kung anong mararamdaman ko.." sabi ni Drich sabay hawak sa ulo niya.  "Nandito kami.. na trap sa island dahil may nagtanim ng bomba sa sinasakyan naming yate..Buong akala ng mga magulang namin patay na kami... Tapos namatay yung limang nakisakay samin.. Tapos may isa pang mahiwagang bangkay na hindi namin alam kung kanino yon.. " naiiyak niyang sabi at isinubsob niya ang mukha niya sa tuhod niya.

Agad siyang nilapitan ni Jay at inalo siya..

"Maswerte pa rin kayo.. dahil binigyan pa kayo ng chance na mabuhay ulit. May chance pa kayong mahanap ang hustisya kung sinong may kagagawan nito sa inyo." pag papalubag loob ni Jay kay Drich habang nakahawak siya sa likod nito..

Si Eli at Myler naman ay parehong natulala nalang dahil hindi nila alam kung bakit ba nangyayari 'yon sa kanila. Ano bang kasalanan ang nagawa nila para parusahan sila ng ganun? At sino nga ba ang may matinding galit sa kanila?

Patuloy pa rin sa pag-alo si Jay kay Drich. Patuloy siya sa paghaplos sa likod nito at agad ng tumayo si Drich. Hindi matutuwa si Popoy kapag nakitang ganun sila.. Tumayo na lang siya at tumakbo sa dagat.. Hindi niya maintindihan kung anong mararamdaman niya.. Halo halong emosyon...

Nasa dagat na si Drich at duon siya umiyak. Malamang na iyak ng iyak ang Mommy niya sa pag aakalang wala na siya. At parang unti unting dinudurog ang puso niya pag naiisip niya 'yon. Nagulat nalang siya nung may magsalita sa likuran niya at nandun pala si Jay!

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito kay Drich.

Tumango lang si Drich at agad siyang tumalikod kay Jay.. lumangoy nalang siya at lumayo sa lalaki. Bakit ba kasi dikit ng dikit si Jay?? Magagalit niyan si Popoy eh!

Ngunit lumangoy din si Jay at sinundan niya si Drich..

Panay pa rin ang langoy ni Drich habang ang nasa isip niya ay ang Mommy at Daddy niya.. Naramdam niya nalang na parang namanhid ang paa niya...

My God!!! Pinupulikat ako!!! ----sigaw ni Drich sa utak niya..

Naramdaman niyang lumulubog na siya at hindi na siya makalangoy dahil sa pulikat.. Nagkukumawag siya sa tubig at agad siyang binuhat ni Jay..

Buhat buhat siya ni Jay nung paahon na sila sa tubig. Muntik na siyang malunod. Mabuti nalang pala at nakasunod sa kanya si Jay kaya natulungan agad siya. Namamanhid pa rin ang mga binti ni Drich dahil sa pagkapulikat.

"Thank you Jay.." sabi ni Drich. "Pero pwede mo na kong ibaba.. kaya ko na.." nakangiting sabi ni Drich.

"No.Hindi mo pa kaya.. Ihahatid kita dun sa may bubungan.. " sabi pa ni Jay.

"Ah.. e kasi....." sasabihin palang ni Drich nung.... nakita na niyang padating na sina Popoy at nakita niya agad na sa direksyon nila nakatingin ang badtrip na mukha ni Popoy.

Anak ng tokwa!! Ayan na nga!!--- bulong ni Drich sa sarili niya at huminga siya ng malalim..

"Kaya ko na talaga Jay.. Pakibaba na 'ko.." sabi ni Drich at nagpumilit na siyang bumaba...

Kahit namamanhid pa ang mga binti niya ay pinilit niya pa ring maglakad palapit kina Popoy..

Umiwas ng tingin sa kanya si Popoy at ibinaba nito ang dala nilang niyog at buko.. Agad naglakad si Popoy papunta sa dagat kaya sinundan naman 'yon ni Drich..

"Popoy!" tawag ni Drich.. "Galit ka ba?" tanong pa ni Drich pero dirediretso lang sa dagat si Popoy..  "Lumalangoy ako tapos bigla akong pinulikat... muntik na nga 'kong malunod eh.. buti niligtas ako ni Jay." sabi ni Drich at humarap sa kanya si Popoy..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon