Chapter 32

282 8 0
                                    

Tinitigan ni Popoy si Raven, gwapo rin pero mukhang mayabang at maangas !

"Bakit ? Anong meron mamaya?" tanong ni Drich..

"Birthday ni Luis ! Invited tayo ! Partners daw kase eh.. E wala pa kong partner ! Ano ? Pwede ka ba? Sige na .  .  "  at agad itong umupo sa tabi ni Drich..

Patingin tingin naman si Popoy kay Drich. . Patingin tingin din siya sa braso ni Drich dahil nakadikit na don ang braso ni Raven ! !

"Drich ! Alam kong hindi mo ko kayang i reject. . Sige na.. I will give you Favor in return ! " sabi ni Raven..

"Okay sige na nga ! Anong oras ba?"  tanong ni Drich..

"Mamayang 8 ! San kita susunduin?" masayang tanong ni Raven.

"Magkita na lang tayo sa Celestines ! " sabi ni Drich...

"Okay sige ! Salamat ah !" nakangiting sabi ni Raven at tumayo na..   "Mamaya ah !" muli pang paalala ni Raven bago ito umalis..

"Okay !" sagot ni Drich..

Si Popoy naman ay pailing iling habang kumakain ng Kanin at adobo..

"Bakit sasama ka sa kanya?!" asar na tanong ni Popoy..

"Bakit naman hindi ?" tanong ni Drich.

"Ako hindi ako pwedeng makipag usap sa mga babae dito , tapos ikaw ___  !" inis na sabi ni Popoy..

"Ano ka ba? Birthday yun ng Classmate namin nung Grade 4 ! Kaya aattend talaga ko... " sabi ni Drich..

"Tapos mag iinuman kayo??" tanong ni Popoy..

"Konti lang !"  sagot ni Drich..

Napa iling si Popoy...

"Ang unfair mo !"  inis na sabi ni Popoy at agad na siyang tumayo at umalis....

"Popoy ! ! Bumalik ka dito ! " sigaw ni Drich at agad na siyang tumayo para habulin si Popoy..    "Popoy !!!"  sigaw niya..  "Popoy bumalik ka dito !!" sigaw ni Drich..

Lumingon si Popoy kay Drich..

"Ano bang problema mo Popoy ? Ayaw mo ba kong pasamahin sa Party ?"  tanong ni Drich..

"Okay lang.. Kahit anong gawin mo , okay lang... Kahit sumama ka sa lalaki , okay lang.. Kahit makipag inuman ka sa kanila okay lang... Okay lang lahat! Boss ka eh ! Pero ako.. wag mo rin akong pipigilang makipag usap at lumapit sa mga babae dito !"  diin ni Popoy...

"Ah ..... Yun pala yon !! Sana sinabi mo agad ! ! Na kaya ka nagagalit kase ikaw , pinipigilan kitang lumapit sa mga Dirty Bitch na yon ! FINE ! ! Kung gusto mong lumapit sa kanila ! GO ! Hindi na kita pipigilan ! ! "  malakas na sabi ni Drich..


"Okay !!"  Diin ni Popoy at agad ng umalis....

Naiwang badtrip na badtrip si Drich ! ! Nakikita niya pa si Popoy na naglalakad na palayo.. Naniningkit ang mga mata niya sa galit kay Popoy.. Lalo nung nakita niyang sinalubong si Popoy nung isang grupo ng mga babae !

Gwapo si Popoy !

Walang duda yon ! Kaya nga ang daming babaeng nag papa-pansin kay Popoy.. Ang daming babaeng tumitingin ! !

Nakita niyang humawak yung isa sa braso ni Popoy...

At lalo siyang nagalit ! !

Ni hindi na nga niya naiintindihan kung bakit ba ganun ang nararamdaman niya ! ! NAGSESELOS BA SIYA ?? Parang dumilim na lang bigla yung paningin niya..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon