Chapter 73

243 6 0
                                    

"Okay na ah !" hinihingal na sabi ni Kobi pag katapos niyang sumayaw at naupo na siya sa tabi ni Eli.. 

"Ako naman ang magpapaikot ng bote.. " sabi ni Miko..  "Para ma experience ko naman na ako naman ang magpaikot ! Kapag ako sumikat HU U kayo sa'kin !" sabi pa ni Miko at natawa naman sila.

"Ano ba talagang pinag dadaanan ni Miko ? " natatawang sabi ni Clyde.

"Wala , ganyan lang talaga yan.. " sabi ni Kobi...   "Feeling sawi e hindi pa naman nag kaka girlfriend.. Baby pa kasi !" natatawang sabi ni Kobi .

"Hoy Shut up ka dyan Kobi ah ! Baka sinasampal kita ng transcript of record ko sa mga naging girlfriends ko !" depensa ni Miko.

"Talagang may record pa Baby Miko ?" natatawang sabi ni Kobi.

"Wag mo nga kong bine-baby dyan Kobi !!Bakla ka ba??" asar na sabi ni Miko at natawa lang si Kobi..

"O siya sige na ! paikutin mo na yang bote !" natatawa pa ring sabi ni Kobi ..

Agad na ngang pina ikot ni Miko ang bote at tumatapat ito kay Yohan..

"Okay ! " nakangiting sabi ni Yohan..  "Another turn.." sabi niya kay Miko at muling pina ikot ni Miko ang bote para naman malaman kung sinong mag tatanong kay Yohan.. At ang bote ay tumapat kay Kiel..

"Sorry bro !" natatawang sabi ni Kiel..   "It's not your lucky day !!" sabi niya pa kay Yohan.

"Okay go! Tanong agad !" mayabang na sabi ni Yohan at kinakabahan naman si Myler. Sana ay masagot ni Yohan ang tanong dahil kilala niyang sira ulo si Kiel.

"Madali lang ang tanong ko para sa'yo Yohan ! " natatawang sabi ni Kiel.  "What is the square root of
2 million and two hundred fifty thousand ?!" tanong ni Kiel.

"What the !!" inis na sabi ni Yohan at naririndi siyang isipin kung ano bang sagot sa tanong. Ayaw niya sa Math at lalong ayaw niya sa square root !! "Okay ! 500 ?"  sagot ni Yohan.

"You're wrong ! 1,500 ang sagot. " natatawang sabi ni Kiel.

Napanganga naman sina Yohan at Myler dahil hindi nasagot ni Yohan ang tanong.

"At dahil dyan , ito ang dare ko sa'yo. " nakangiting sabi ni Kiel. "Madali lang 'to. Kailangan mo lang mag salita at sabihing..... You're damn hot and sexy !"  natatawang sabi ni Kiel. "Dapat sabihin mo yan in a a sexy voice at sasabihin mo yan sa harap ni Jia!" sabi ni Kiel at lalong na shock sina Yohan at Myler . Nagkatitigan pa sila.

"It's just dare." sabi ni Yohan kay Myler bilang pag hingi na rin ng permission para gawin ang napaka walang kwentang dare ng napaka walang kwentang tao na si Kiel.

"Sige lang, " sagot naman ni Myler at pilit na ngumiti .

"Go Yohan , wag KJ !" kantyaw pa ni Paulo.

Tumayo naman si Yohan at agad na lumapit kay Jia. Si Myler naman ay nag busy-busyhan sa phone para hindi niya makitang magkaharap na ngayon sina Yohan at Jia. Kung pwede nga lang din siya maglagay ng earphones ay gagawin niya. Masyado lang kasing obvious kaya hindi pwede.

Nakaharap na si Yohan kay Jia at naka abang naman silang lahat kung pano sasabihin ni Yohan ang mga salitang 'yon. Katabi ni Myler sa Drich at hinawakan ni Drich ang balikat niya.

"Don't worry , isang walang kwentang dare lang. Bukas ipapa-salvage na natin yan si Kiel. " nakangiting sabi ni Drich.  "Tapos isama na rin natin si Jia!" natatawang bulong ni Drich at napangiti na rin si Myler.

Si Jia naman ay nakatingin sa mga mata ni Yohan.. Na miss niya ang mga matang 'yon. Na miss niya yung dati , nung ibang klase pa siya tingnan ni Yohan. Yung tingin na may magic at may spark. Pero hindi niya na makita 'yon ngayon. It was plain and cold.

Nakita niyang bumuka na ang bibig ni Yohan at nag salita na ito.

"You're damn..... hot... and.. sexy..." sabi ni Yohan kay Jia at pumalakpak naman sina Kiel at Paulo..

"Thank you!" sagot naman ni Jia at agad ng tumayo si Yohan at muling lumapit kay Myler.

Umupo na si Yohan sa tabi ni Myler at inakbayan niya ang girlfriend.

"Hindi 'yon totoo ah. Its just a dare.. " sabi ni Yohan kay Myler.  "Ayoko lang matawag na KJ. Kasi ang totoo.. mas gusto kong sabihin sa'yo ang mga salitang yon Myler..You're damn hot and sexy ! " nakangiting sabi ni Yohan at napangiti na rin si Myler.

"Ang cheesy oh.. parang sila lang ang taong nandito." pangangantyaw ni Miko. "Walang forever no!" sabi pa ni Miko.

"Bitter ka lang bro!" natatawa namang sabi ni Kobi kay Miko.

"Go Yohan , paikutin na yung bote.. " sabi ni Paulo.

Agad namang pina ikot ni Yohan ang bote at nakatingin sila sa pag ikot nito. Lahat sila kinakabahan pero na eexcite kung sino man ang susunod na ma-de-dare !

Bumagal na ang pag-ikot nito at tumigil na sa tapat ni Drich..

"Oh my God !!!" tili ni Drich sa sobrang excitement .

"Goodluck ! Galingan mo ah.." sabi ni Popoy.

"Sure!" mayabang na sabi ni Drich habang muling umiikot ang bote at nakatitig sila kung kanino ito muling tatapat.

Maya maya pa ay huminto na nga ang bote at tumapat ang nguso nito kay Clyde.

Napatingin naman si Popoy kay Clyde at hindi siya maka paniwalang 13 sila don pero kay Clyde pa talaga tumapat ang bote.

"Okay Drich ! Madali lang ang tanong ko para sa'yo.. " nakangiting sabi ni Clyde.  "Anong bulaklak ang simbolo ng Encyclopaedia Britannica?"

"Oh my God!! That was too hard!" angal ni Drich.

"Wild guess Drich.. " sabi naman ni Popoy. "Manghula ka nalang."

Si Popoy naman ay panay ang ngiti dahil hindi alam ni Drich ang sagot.

"Okay! Rose??" hula ni Drich, hindi niya kasi talaga alam ang sagot.

"Wrong!!!" natatawang sabi ni Clyde.  "It's Thistle flower."

"Eh pano naman kasi , napaka hirap ng tanong mo!" inis na sabi ni Drich kay Clyde.

"Malamang!" sabi naman ni Clyde. "Alangan namang ang itanong ko sa'yo ay kung anong English ng PAG-IBIG!" natatawa pang sabi ni Clyde.

Pailing iling na lang si Drich.

"Okay Fine! Just shut up!" sabi nalang ni Drich kay Clyde.

"Ang dare ko sa'yo..." nakangiting sabi ni Clyde. "Kiss mo 'ko sa chicks!" sabay turo sa pisngi niya.

"Go Drich!" pag uudyok pa ni Kiel.

"No way!" inis na sabi ni Drich at napapatiim bagang naman si Popoy sa inis niya kay Clyde.

"It's just a dare Drich! Oh come on! Wag KJ!" sabi pa ni Clyde.

Tumingin naman si Drich kay Popoy at bumulong..

"Dare lang 'to ah!" sabi ni Drich at agad na siyang tumayo.

Napanganga naman si Popoy nung tumayo si Drich at lumapit kay Clyde. Nagpipigil siya ng galit at napapakagat labi nalang.

Si Drich naman ay lumapit na kay Clyde. Nilapit na ni Clyde ang pisngi niya kay Drich..
"Isa lang Drich ah! Baka tadtarin mo ko ng kiss!" natatawang kantyaw ni Clyde.

Pinapanuod lang sila ng iba. Ididikit na ni Drich ang labi niya sa pisngi ni Clyde nung bigla siyang magulat.

Nakita niya yung kamaong tumama sa pisngi ni Clyde. Sa sobrang lakas ng suntok na 'yon ay napahiga pa ang naka upong si Clyde.

Nanlaki ang mga mata ni Drich nung makita niya ang galit sa mga mata ni Popoy at agad na itong tumayo at agad ng naglakad paalis. Lahat sila ay natulala sa ginawa ni Popoy.

Naka hawak pa rin si Clyde sa panga niya na tumanggap ng napaka lakas na suntok.

Agad ng tumayo si Drich at tumakbo palabas para kausapin ang boyfriend niya.

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon