Chapter 6

278 7 0
                                    

"Hi Tito !" bati ni Kobi sa Daddy ni Eli nung sumakay siya sa kotse nito... Nasa Backseat siya..

"Hi Kobi !" bati rin ni Bench "Yung Mommy mo kase , naki suyo na isabay kita... Dapat nga samin ka na lang talaga sumabay araw araw. . " pag kasabi nun ng Daddy niya ay napangiwi si Eli ! Imaginine niya lang na araw araw niya makakasabay si Kobi ay nabubwiset na talaga siya ! Hindi magandang idea yung sinabi ng Daddy niya..

"Tito gusto ko yang idea mo ah !" nakangiting sabi ni Kobi at napairap lang si Eli , naglagay nalang siya ng earphones sa tenga . . Nababadtrip kase siyang pakinggan ang Convo ng Daddy niya at ni Kobi !

"Actually Kobi , parang kamukha kita nung kabataan ko pa.. Baka sakin ka ipinaglihi ng Mommy mo !" natatawa pang kwento ng Daddy niya..

"Naks Tito ! Kaya pala ang gwapo natin pareho ! " mayabang na sabi ni Kobi..

At nabubwiset na talaga si Eli kase kahit naka earphones na siya ay naririnig pa rin niya ang Convo nung dalawa kaya dinagdagan niya ang Volume ng Sounds niya..

Ewan niya ba talaga kung bakit ang init init ng dugo niya kay Kobi ! Yung tipong kahit wala pang ginagawa ay naiimbyerna na agad siya ! Lalo nung marinig niya kung paano ito nagmamayabang kina Kenneth at Miko ! ! Feeler !Mahangin !

Pailing iling naman siya.. Napatingin siya sa rear mirror at nagulat siya nung magkatagpo ang mga mata nila ni Kobi.. Kitang kita niya sa salamin ang maamo nitong mata . . Napairap si Eli at nakita niyang napangiti naman si Kobi..

Nag open na lang siya sa IG at nakita ni Eli na naglike ng Picture niya si Kobi.. Hindi niya pa rin pina-follow back si Kobi kahit matagal na itong nag pa-follow sa kanya ! Nag open din siya sa FB niya at may 87 Friend Request niya, agad niyang ini-scan ang mga Friend Request at nakita niyang may request galing kay..

Kobi Saavedra

Hindi niya yon pinansin..
Hindi niya pa rin inaccept !

Naramdaman naman niyang kinulbit siya ni Kobi sa balikat at naka ismid niya itong nilingon..

"Accept mo na Friend Request ko please?" pa cute na sabi ni Kobi..

"Were not Friends !" mabilis niyang sagot at biglang sumulyap ang Daddy niya sa kanya..

"Eli?" bantang tanong ng Daddy niya na hindi nagustuhan ang sagot niya.

Natahimik nalang si Eli at muling nag focus sa phone niya..

"Okay lang yan Tito ! sanay na ko dyan kay Celestina ..." naka ngiting sabi ni Kobi..

****

Buhat buhat pa rin ni Popoy si Drich papasok sa Ospital..

Tumakbo siya sa mga Nurse at agad naman silang inasikaso.. Pinaupo lang si Drich na hinihingal pa din at hirap huminga..

"Hinihika siya !" sabi ni Popoy sa Nurse at agad namang kumilos ang Nurse..

Bitbit nito ang Nebulizer at agad ibinigay kay Drich ang hose.

"Bago ba yan ?!" mataray pang tanong ni Drich..

"Yes Mam ! Bago po 'to.. " sagot nung Nurse..

Itinapat na yon ni Drich sa bibig niya at agad nag inhale para makapasok na agad ang gamot . . Inhale exhale ang ginawa niya habang umaandar ang Nebulizer..

Si Popoy naman ay nanunuod lang kay Drich.. Nag alala talaga siya ng husto nung makita niyang hindi na makahinga ang babae.. At mabuti naman na kahit papano ay nagiging okay na si Drich. .

After nitong magpausok ay umupo na si Popoy sa tabi niya..

"Okay ka na ba?" tanong ni Popoy..

"Okay na ko ! Grabe ka mag worry kanina ah !" natatawang sabi ni Drich..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon