Chapter 72

256 7 0
                                    

Masarap ang kainan nila dahil sa inihaw na manok kaya dedmahan muna sila. Para silang mga gutom na gutom at busy sila sa pagkain..

After nilang kumain ay simot na simot ang manok. Kulang na nga lang na pati yung stick ng manok ay kainin na nila.. Yung tipong lahat na yata ng mamahalin at class na Restaurant ay nakainan na nila pero iba pa rin kumain kapag nasa bundok ka.. Tsaka yung kumain ng sama sama at magkakaharap ay talagang nakaka gana !

"Ano ? Tuloy ulit tayo sa paglalakad ?" tanong pa ni Kobi..

"Okay tara. . " sabi ni Eli..

"Ako ayoko na... " sabi ni Drich..  "Gusto ko ng umuwi... "

"Okay.. Uuwi na lang rin ako.. " sabi ni Popoy..

"Okay.. " sabi ni Yohan..  "Sinong gusto pang tumuloy?" tanong ni Yohan at nagtaas ng kamay ang mga lalaking sina Kobi , Miko , Kiel at Paulo..

"Ako gusto ko na ring umuwi.. Ang kati dito eh.. " sabi ni Mitch..

"Eli ikaw?" tanong ni Kobi kay Eli..

"Tuloy.. " sagot ni Eli..

"Ikaw Myler?" tanong ni Yohan kay Myler.. 

"Ayoko na rin.. Uuwi na rin ako.. " sabi ni Myler.

"Pero hindi pa tayo nakaka rating sa peak.. Duon natin makukuha yung satisfaction ng pag punta natin dito... " paliwanag ni Yohan kay Myler.. "Sumama ka na samin.. " sabi pa ni Yohan.

"Yohan.. Anong oras na oh ? Hindi niyo yan maaakyat ngayon.. Hanggang bukas pa kayo dyan.. Kaya mo bang matulog dito ? Pano kung may mga ahas ?" tanong pa ni Myler.

"Don't worry Yohan.. Sasama ko.." nakangiting sabi ni Jia.. At napaismid naman si Myler..

"Okay.. " nagsalita si Popoy..  "Yung mga gusto ng umuwi.. Pumunta sa side ko.. "

Si Drich naman ay katabi na talaga ni Popoy.. Lumapit din si Myler kay Popoy at napailing naman si Yohan. Lumapit na din si Kenji at Mitch kina Popoy..

Ang natira kasama ni Yohan ay sina Kobi , Eli , Kiel , Paulo , Miko , Clyde at Jia. Lumipat pa si Clyde kina Popoy at mas gugustuhin nalang niyang umuwi na..

"Oh tara na.. " aya ni Popoy..  "Ingat kayo mga tol ah.. " sabi ni Popoy sa kanila..  "Tara na guys.. " aya ni Popoy sa mga kasama niya at tumalikod na sila kina Yohan..

Si Yohan naman ay napahawak sa batok habang nakikita niya si Myler na nag lalakad na palayo.. Malamang mag aaway sila after nito.. Alam niyang pasimple lang si Myler pero affected ito kay Jia. Lalo pa ngayong kasama nila si Jia na tutuloy sa pag akyat sa bundok...

"Sandali !" sigaw ni Yohan sa mga naglalakad na pauwi.. At napalingon naman sila.  "I'll go home .. " sabi ni Yohan at lihim na napangiti si Myler sa naging desisyon ni Yohan..

"Uuwi nalang rin ako... " sabi ni Eli..

"Okay.. Umuwi na lang tayong lahat.. " sabi ni Kobi..

"Okay ! Ang ke-KJ naman pala nila... " natatawang sabi ni Paulo at nag apir sila ni Kiel.

"Edi uwian na !" sabi ni Miko na napailing.. Gusto pa naman niyang ma experience ang maka akyat sa tuktok ng bundok. .

****

Nag lalakad na sila pabalik at kailangan na nilang makauwi para hindi na sila abutan ng dilim..

"Guys ! Sa mansyon na kayong lahat matulog ngayon.." sabi ni Yohan..

"Magandang idea yan Yohan !" natutuwang sabi ni Kiel.. 

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon