Bumalik na si Yohan sa table nina Kiel at Paolo... At wala siyang imik...
"Anong eksana yun Bro !"
Kantyaw ni Kiel..Pero hindi pa rin umimik si Yohan, hindi niya tuloy alam kung tama ba yung ginawa niya o talagang OA lang siya ! Nakikita niya pa si Myler habang may hawak na tray at mag se-serve ulit sa isang table.
Restobar ang Gigster na pag mamay ari ng Tito Bench niya, siyempre karamihan sa mga pumupunta sa Gigster ay umiinom , at hindi mo naman maiiwasan sa mga lasing ang mangtrip at mangursunada lalo na sa magandang babae.. At naiinis talaga si Yohan...
Kaya pag uwi niya non ay nag punta talaga siya sa Tito Bench niya kahit alam niyang medyo late na. . Malamang naman na gising pa yon at umiinom din sa sarili nilang Bar sa bahay..
"Come on Yohan, inom tayo.. " offer ng Tito Bench niya..
"Kakagaling ko lang sa Gigster Tito Bench pero sige , pag bibigyan kita..." nakangiting sabi ni Yohan..
"Buti nalang pinuntahan mo ko Yohan.. Hindi pa kase ako makatulog eh, alam mo namang wala rin akong anak na lalaki.." nakangiting sabi ng Tito Bench niya.
Nakangiti naman si Yohan..
"Nga pala Tito , may favor lang kase sana 'ko sa'yo.. " sabi ni Yohan..
"Hm, anong favor naman yun?" tanong ni Bench..
"May gusto sana kong ipatanggal sa Gigster..." mahina niyang sabi..
At nagulat naman ang Tito Bench niya..
"Ipapatanggal ? Sino? At bakit naman ?" gulat na tanong ni Bench... "Alam mo namang i'm always fair Yohan. . Pero sige , tell me the reason why at kung sino siya. . "
Napayuko si Yohan... Alam niyang hindi makatarungan ang hihilingin niya.. Pero... Yun ang gusto niya..
"Yung Classmate ko Tito Bench, si Mylene Tyler Tuazon... " panimula ni Yohan..
"Hindi ko siya kilala..." sabi ng Tito Bench niya.. "Anong position niya?"
"Waitress po Tito..."
Napatango si Bench...
"Classmate mo ay Waitress... Bakit mo naman gustong ipatanggal? E mukhang masipag naman siya ah.. Biruin mo , pinagsasabay niya ang Pag aaral at ang pag ta trabaho.. Nakaka amaze diba? Ganyan din ang Mommy mo dati... Pati ang Tita Chichay at Tita Agnes mo. . So ano namang rason para alisin natin siya? Tingin mo ba its fair and equal ?" sabi ng Tito Niya..
"Eh kase Tito... Maraming lasing dun sa Gigster.. At malamang na may babastos at babastos sa kanya don ! Maganda pa naman...." bulong ni Yohan..
"Yung Mylene Tyler ba na yon ay . . . Nililigawan mo ? Or Girlfriend mo ba? " tanong pa ng natatawang si Bench..
"No Tito... Classmate ko lang..." sabi ni Yohan..
"Type mo?" tanong ng Tito niya..
"NO ! ! Ofcourse not !" sabi ni Yohan..
"E bakit ka ganyan ? " natatawang sabi ni Bench.. "Naalala ko tuloy nun yung Tita Agnes mo.. Hindi ko na rin siya non pinapasok sa Gigster kase ang daming kumukursunada sa kanya... So Tingin ko gusto mo yung Mylene Tyler kahit hindi mo aminin..."
"No Tito !" deny pa ni Yohan.. "Hindi ko siya gusto.."
"It's Okay Yohan.. Hindi talaga madaling umamin...." natatawang sabi ng Tito niya "Okay wag kang mag alala... Ililipat ko na lang siya sa Celestine.... " nakangiti nitong sabi at nakahinga nalang si Yohan ng maluwag.. Atleast ililipat nalang si Myler . .
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Novela JuvenilIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...