"Pano kayo napadpad dito?" tanong pa nung lalaking nasa gitna.
"Mahabang kwento, nasa yatch kami non nung biglang may nakita kaming bomba.." sabi ni Drich. "Kaya tumalon nalang kami sa dagat.."
"Pwede niyo ba kaming tulungan?" tanong pa ni Myler.
"Sure Ms. Beautiful!" sagot naman nung isang lalaki kay Myler at hindi naman natuwa si Yohan don.
"Matutulungan namin kayo.." sabi nung isa pang lalaki.. "Pero hindi naman kayo pwedeng sumakay sa bangka ng sabay sabay.. Isa isa lang..." sabi nito.. "Apat na kasi kami sa bangka.. Kaming tatlo at si Manong Bangkero. So pwede naming isama ang isa sa inyo para siya na lang ang humingi ng rescue sa mga pamilya niyo.." sabi nung lalaki..
"Magandang idea yan.." sabi ni Eli.. "So sino ang unang uuwi?" tanong ni Eli at hinawakan ni Kobi ang kamay ni Eli..
"Magpa iwan na muna tayo.." sabi ni Kobi.
"Ako nalang ang mauuna..." sabi ni Drich at napatingin sa kanya si Popoy.
Tama nga naman na mauna na si Drich para humingi ng rescue sa pamilya nila pero hindi yata niya maimagine na makakasama ni Drich ang tatlong lalaking 'yon sa bangka.
"Ako nalang ang mauuna..." sabi ni Popoy..
"Pwede bang kaming dalawa nalang?" tanong pa ni Drich sa mga lalaki.
Bago pa sumagot ang mga lalaki ay kumulog ng malakas, dumilim ang langit at mukhang nagbabadya ang malakas na ulan..
Nakita nilang bumaba ang bangkero at lumapit sa kanila.
"Hindi tayo pwedeng bumyahe ngayon. Nagbabadya ang masamang panahon.Tiyak na malakas ang alon niyan. Dito muna tayo.. Palipasin na muna natin ang malakas na ulan bago tayo umalis." sabi ng Manong Bangkero at tumango naman sila maging ang tatlong lalaking pasahero niya.
Nagmadali naman sina Popoy na gumawa ng bubong na maaari nilang masilungan. Yung dapat sanang balsa na ginawa ni Popoy ay ginawa nilang bubong. Tumulong din ang bangkero at mabuti nalang ay meron pala siyang trapal na ginamit din nila.
Malakas na ang hangin at napaka dilim na ng langit.
Matapos nilang magawa ang sisilungan nila ay tinulungan naman nila ang Manong Bangkero na magtali ng bangka nito dahil baka anurin pa 'yon ng malakas na alon.
Nakaramdam ng takot si Eli..
"Is it the end of the World?" tanong ni Eli.
"Hindi pa Eli." sagot ni Kobi. "Pero kung ito na nga talaga ang katapusan ng mundo... hahawakan ko lang ang kamay mo ng mahigpit.." sabi ni Kobi at hinalikan niya ang kamay ni Eli..
Bumuhos na ang malakas na ulan at sumilong na sila sa bubongan na ginawa nila. Pero balewala 'yon dahil nababasa pa rin sila sa sobrang lakas ng ulan. Nakayakap lang si Popoy sa giniginaw na si Drich...
"Kaya mo pa ba yung lamig?" tanong ni Popoy at niyakap niya pa ng mas mahigpit si Drich dahil tumango lang ito..
Si Myler naman ay nagulat nung kumulog ng malakas at bigla siyang napayakap kay Yohan!!!
Nanlaki naman ang mga mata ni Myler nung ma realize niyang hindi pala si Yohan ang nayakap niya kundi yung isang lalaki...
"Sorry!" sabi nalang ni Myler at agad siyang inakbayan ni Yohan.
"Anong nangyari?!" pikon na tanong ni Yohan kay Myler.
"Akala ko ikaw...." sabi ni Myler sabay yakap na niya kay Yohan..
Malakas ang ulan at malakas ang paghampas ng hangin sa mga puno.. Malakas na din ang alon ng dagat at nakita nilang napatid ang tali ng bangka kaya tumakbo ang mga lalaki para pigilan nila ang tali at para hindi na agusin ng tubig.. Ngunit bago pa man sila makalapit ay agad ng inanod ang bangka at wala na silang nagawa. Napahawak sa noo ang Mamang Bangkero.. Pati tuloy sila ay stranded na sa islang 'yon..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...