Nag pa-practice sa Basketball court ang Blue Hawk , nandon sina Popoy , Miko , Kenneth , Kobi at iba pa. .
Patingin tingin naman sa paligid si Popoy , wala kase si Drich ,.usually naman ay nanunuod ito ng practice nila .
Na kay Kobi ang bola at naagaw ni Miko , pinasa nito kay Popoy at na shoot agad ni Popoy at 3 Points pa yun..
Si Coach Jeff naman ay pinag mamasdan sila mag laro.. Maya't maya rin siya nag iinstruct at sumisigaw..
Pawisan na ang mga players nung tumawag ng Water Break si Coach Jeff..
"Wooh ! Galing mo kanina Popoy ah ! " pamumuri ni Kenneth..
"Sus ! Yun lang . ." nakangiting sabi ni Popoy at muli siyang luminga linga sa paligid at nag babakasakaling makita na niya si Drich. .
Baka nasa Cafeteria ----- bulong ni Popoy sa isip niya.
Umupo na lang siya at agad ng uminom ng tubig mula sa bottled water na libre para sa mga players.
Wala talaga siya mood.. Wala kase si Drich eh. .
****
"Vannesa ! Ayokong pumunta don.. Ikaw na lang.. " sabi ni Eli kay Vannesa dahil inaaya siya nitong manuod sa game practice.
"Eli ! Wag ka ngang KJ ! Bakit ba ayaw mo ? Sasamahan mo lang naman ako manuod kay Kenneth eh.. " sabi naman ni Vannesa..
"Vannesa, hindi mo naiintindihan , pinakialamanan ni Kobi yung mga gamit ko ! Nakita niya yung mga notes ko ! Vannesa baka alam na niya eh !" kabadong sabi ni Eli..
"Ano bang nakalagay sa Notes ??" usisa ni Vannesa.
"Yung mga na fi-feel ko , yung mga hindi ko masabi sa kanya.. Nabasa niya 'yon Vannesa !"
"Gaano ka naman ka sure na alam na niya ? Bakit , may pangalan ba niya yung mga Notes mo ? May mga nakalagay ba 'don na para 'yon sa kanya ?" tanong ni Vannesa.
"Hindi yung mismong pangalan niya , yung initials niya ! K.S. ! At malamang naman na gets niya na 'yon ! Tapos yung phone ko , na- unlocked niya ! Eh yung password non ay ----- PANGALAN niya !" at agad niyang natakpan ang mukha niya ng dalawa niyang palad.. "Nakakahiya Vannesa! Malamang alam na niyang --- crush ko siya !"
"K.S. , pwede namang Kenji Sandiego 'yon diba? Wag kang paranoid at wag kang pa obvious ! Kaya tara na sa court. . Halika na.. " pangungumbinsi ni Vannesa "Wag kang umakting na guilty ka okay ? Hindi siya si KS ! Si Kenji yon ! Ang isipin mo , si Kenji yon , hindi si Kobi.. Okay ?"
Huminga ng malalim si Eli..
"Okay sige ! Tara !" sabi nalang ni Eli. Mas mahahalata nga naman siya kung lalo siyang iiwas.
Kinakabahan man ay sumama nalang talaga si Eli kay Vannesa.
****
Nag tuturo ang Prof nina Myler at Yohan at magkatabi ang upuan nila. Si Yohan ay panay ang sulyap sa Girlfriend niya at ganun din si Myler kay Yohan. Nag kangitian na lang sila . Naramdaman ni Myler na hinawakan ni Yohan ang kamay niya. . Saktong harap naman ng Prof nila sa kanila.
"Mr . Montejar and Ms. Tuazon , hindi ito parke. Wag kayo dito maglambingan !" sabi ng istriktong Prof at natawa lang sina Kiel at Paulo. .
After ng lesson nila ay nagkanya kanya na silang labas para pumunta sa next class nila..
"Alam mo ikaw ! Bukas nga wag ka ng tatabi sa'ken !" seryosong sabi ni Myler . "Hindi ako makapag concentrate eh ! Actually wala talaga 'kong naintindihan sa Lesson natin ngayon. " pailing iling na sabi ni Myler.
"Wala ka talagang maiintindihan dahil malabo mag explain si Prof Gico ! Wag mong sisihin yung pag hawak ko sa kamay mo . "
"Hay naku ! Basta bukas ayoko ng tumabi sa'yo sa classroom. " seryosong sabi ni Myler .
"Basta tatabi pa rin ako sa'yo Myler ! Wala kang magagawa don.. " natatawang sabi ni Yohan.
Pailing iling lang si Myler.
"Oh dito na yung next class ko.." sabi ni Myler sabay turo sa room na nasa left side niya.
"Okay sige. . See you later sa Cafeteria !" nakangiting sabi ni Yohan.
"Okay!" nakangiti na ring sabi ni Myler.
Pumasok na si Myler sa classroom at nasa may pintuan pa rin si Yohan . . Kaya napatingin naman siya nung makita niya si Jerwin ! Papasok ito sa loob ng classroom nina Myler . Kaya pag daan nito sa may pinto ay kinausap pa niya.
"Dito rin ang next class mo?" tanong ni Yohan kay Jerwin..
"Ah..oo. Dito ka rin ba?" nakangiting tanong ni Jerwin.
"Hindi , si Myler ! Si Myler ang classmate mo. " seryosong sagot na sabi ni Yohan , nawalan na naman kase siya ng gana !
"Ah talaga ?" nakangiting tanong ni Jerwin. "Buti at may kilala na pala kong classmate ko. Sige Yohan , pasok na ko sa loob.. " nakangiti pa ring sabi ni Jerwin at napatango nalang si Yohan..
Pinagmasdan niyang pumasok si Jerwin sa loob ng classroom at nakita niyang tumabi pa ito kay Myler. At hindi na talaga siya kumportable kaya badtrip na lang siyang umalis sa may pintuan , kesa makita niya pang nakikipag kwentuhan si Myler kay Jerwin..
Kahit pababa na siya ng hagdan ay iniisip niya parin si Myler. .
****
Si Eli naman ay naririndi kay Vannesa ! Panay kase ang cheer nito kay Kenneth habang nag pa-practice .
"Vannesa , i re-remind ko lang sa'yo ! Practice pa lang 'to ah ! Grabe ka mag cheer !!" sabay takip niya sa tenga niya..
"Kaya nga ! Kaya nga nag pa-practice na rin akong mag cheer eh !" natatawang sabi ni Vannesa at muli itong nag cheer "GO KENNETH ! GO KENNETH ! GO KENNETH KENNETH GO ! ! WOOOHHHH !" tili ni Vannesa at pailing iling lang si Eli..
Nakita ni Eli na hawak ni Kobi ang bola at mag shu-shoot ito ! Tumingin si Kobi sa banda niya at nakaramdam siya ng tensyon .
At kahit malayo si Kobi ay rinig na rinig niya itong sumigaw..
"CELESTINA !!!! PARA SA'YO TO !" sigaw ni Kobi at nagulat sila ni Vannesa..
"Para sa'yo daw ???!" kinikilig na sabi ni Vannesa kay Eli. "Ayiiiii ! ! " kantyaw pa nito.
"Baka para sa'yo !" natetensyong sabi ni Eli kay Vannesa.
"Celestina daw !! Hindi Vannesa ! !" sabi ni Vannesa..
Nung na shoot naman ni Kobi ang bolang 'yon ay napuno na ng kantyawan ang mga players.
"Wow Kobi ah ! Humo-Hokage moves ka Bro !" kantyaw ni Kenneth..
At napangiti lang si Kobi at muli siyang tumingin kay Eli.. Nakita niya kung pano umiwas ng tingin si Eli..
Ako ba si K.S. ? Malalaman ko din 'yon Eli ------ bulong ni Kobi habang nakatingin pa rin kay Eli..
****
Si Popoy ay malungkot nung papunta na siya sa locker niya. Mula umaga ay hindi niya pa nakikita si Drich. Nung binuksan niya ang locker niya ay chineck niya pa ang phone niya pero wala namang text mula kay Drich ..
Drich ! Drich ! Drich ! Nasan ka ba ?! -------- bulong ni Popoy..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...