Kinwento ni Drich ang lahat sa Mommy niya at sinabi na rin nila ang lahat lahat sa Daddy ni Clyde. Ang ending.. galit na galit ang Tito Caloy niya sa ginawang kahihiyan ni Clyde at agad na itong pinauwi sa Quezon Province. Humingi ng tawad sa kanila ang Tito Caloy niya at sobra nga daw siyang disappointed sa anak niya.
Nasa salas sina Drich at Popoy.
"Ayan na, nawala na yung kontrabida sa love story natin.. Wala na tayong problema.." nakangiting sabi ni Drich kay Popoy.
"Oo nga eh.. hindi na rin ako mag aalala na baka kinukulit ka niya dito.. grabe ah... matindi tama sa'yo ni Clyde! At hindi ako magsasawang gulpihin lahat ng magiging Clyde sa buhay mo.." sabi pa ni Popoy at napangiti lang si Drich..
"Ay oo nga pala! Birthday nung classmate ko, si Stell..ininvite ako sa Party niya. Pupunta 'ko ah!" pagpapaalam ni Drich.
"Okay walang problema.." sabi ni Popoy. "Basta behave ka don ah! Party 'yon.. siyempre may inuman.. Nawawala ka pa naman sa sarili mo kapag umiinom ka." sabi ni Popoy.
"Don't worry! Hindi ako iinom.. Makiki party lang talaga.."sabi ni Drich.. "Magpapaka good girl ako promise!" sabi niya pa.
"Anong oras ba yung Party?" tanong ni Popoy.
"Mga 7!" sagot ni Drich.
"Hindi ba kita pwedeng samahan?"tanong pa ni Popoy.
"Wag na! Maraming babae don.. Baka may lumandi pa sa'yo mapatay ko lang!" sabi pa ni Drich.
"Eh kumusta naman yung mga lalaki?? Pano kung may lumapit sa'yo?" sabi ni Popoy.
"Kaya ko ang sarili ko Popoy.." sabi pa ni Drich.
"Okay ikaw ang bahala... May tiwala naman ako sa'yo." sabi ni Popoy. "Bibili muna ko ng Icecream ah.. hintayin mo ko dito.." sabi ni Popoy kay Drich.
"San ka bibili?" tanong ni Drich.
"Sa may labas ng Village...Mabilis lang ako.." agad ng tumayo si Popoy.
"Okay sige! Gusto ko mango ah!" request pa ni Drich at tumango naman si Popoy.
Natuwa si Drich kay Popoy dahil pinayagan siya nitong umattend sa Party. Karamihan naman talaga ng mga a-attend ay mga babae kaya ayaw niya ng pasamahin si Popoy. Baka mamaya may mapatingin lang sa boyfriend niya ay gulpihin niya na bigla. Ayun yung pinaka ayaw niya. Yung may titingin kay Popoy. Hindi naman siya selosa sa mga past boyfriends niya.. Kay Popoy lang siya nagiging paranoid.. Siguro nga talagang sobrang mahal na mahal niya si Popoy.
After ng ilang minuto ay bumalik na si Popoy bitbit ang ice cream at pinagsaluhan na nila 'yon..
Bandang 6:30pm ay nagpaalam na si Popoy para umuwi. Mag re-ready na rin daw si Drich para sa Party pero biglang nakaramdam ng antok si Drich habang nasa kwarto na siya. Bigla nalang siyang humiga sa kama at natulog.
Si Popoy naman ay nasa jeep na pauwi..
Sorry Drich.. Nilagyan ko ng pampatulog yung ice cream.. Ayoko kasing pumunta ka sa Party.. Peace! ^___^ ------ natatawang bulong ni Popoy sa sarili niya.
****
Pinuntahan ni Yohan si Myler sa Celestine's. Gumugulo kasi sa isip niya yung mga sinabi ng Mommy ni Jia. Na mahalin daw niya si Jia pero imposible naman talaga. Naupo muna siya sa isang table at nakita niyang nasa Counter si Myler.
Kumaway siya sa girlfriend niya at kinawayan din siya nito. Mahal na mahal niya si Myler at si Myler na ang gusto niyang pakasalan. Gusto ng Mommy ni Jia na magpanggap siya. Na magkunwari siyang mahal niya pa rin si Jia. Hindi niya kayang magkunwari..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...