Nakita nina Kobi na pumasok na rin sa loob ng yate sina Yohan at Myler."Tayo nalang ang naiwan dito.." sabi ni Kobi..
"Tara na rin sa loob Kobi.. Gutom na rin kasi ako eh.. Kumain na muna tayo.." nakangiting sabi ni Eli.
"Kiss muna...." awat ni Kobi kay Eli nung papasok na ito..
"Kobi ikaw ah! Nawiwili ka na dyan!" saway ni Eli.. "Tara na nga sa loob.. Sumbong kita kay Daddy dyan eh!" natatawang sabi ni Eli..
Wala silang kasamang service crew sa cruise na yon dahil talagang gusto nilang silang anim lang ang nasa yate at ang driver nito..
Kaya naman nung lunch nila ay sina Eli at Popoy ang nagluto para sa kanila. Sabay sabay din silang kumain ng lunch at napakita nila ang sweetness at pagmamahal nila sa isa't isa.
Yung parang kung pwede lang nilang pahintuin ang oras ay ginawa na nila. Para lagi lang silang ganon.. Lagi lang silang masaya.. Walang problema...
Marami na silang mga napag daanan at ilang beses na rin nilang napatunayan kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Naka ilang away na sila at naka ilang bati narin.. Lahat nalampasan nila. Hanggat matibay ang pagmamahal nila sa isa't isa ay wala ng dapat isipin pa...Pero minsan talaga... Kahit gaano man natin gustuhing maging perfect ang lahat ay iba ang nangyayari.. Iba sa gusto natin at iba sa ating inaasahan.....
Dahil ang buhay talaga ay napaka mapaglaro..
Malas mo kung ikaw ang mapaglalaruan nito..
****
BREAKING NEWS!
YATE, NATAGPUANG NASUSUNOG SA GITNA NG KARAGATAN. ANIM NA BANGKAY, NA-RECOVER!
Agad nabitawan ni Chichay ang hawak niyang baso ng juice nung mapanuod niya ang Breaking News na 'yon habang nanunuod siya ng TV.
"DRAKE!!! DRAKE!!!!!!" sigaw ni Chichay habang tinatawag niya ang asawa niyang kasalukuyang nasa Shower room. "DRAKE SI DRICH!!!" umiiyak na sigaw ni Chichay at agad namang lumabas sa Shower room si Drake kahit naka tapis lang siya ng tuwalya..
"Bakit??? Anong nangyari kay Drich???" nag aalalang tanong ni Drake at agad na siyang napatingin sa TV at pinapakita pa rin ang sunog na yate... Ang yateng ginamit nina Drich...
Nakaramdam din ng panlalambot si Drake sa balitang pinapanuod niya..
"DRAKE NASAN NA SI DRICH!!!!???" umiiyak pa ring sabi ni Chichay at agad siyang niyakap ng mahigpit ni Drake..
Hindi na namalayan ng mag asawa ang mga sumunod nilang ginawa. Basta namalayan nalang nila na nasa pier na sila at sunod sunod na ibinababa mula don ang anim na bangkay..
"ELI!!!!!" sigaw ng sigaw si Agnes habang ibinababa ang mga bangkay... "ANAK KO!!!! ELI!!!!!" sigaw pa rin ng sigaw habang umiiyak at si Bench naman ay panay ang patak ng luha.. Ni hindi niya malaman kung paano niya palalakasin ang loob ng asawa niya gayung siya mismo ay hindi malaman kung saan ba siya huhugot ng lakas ng loob.. Ang mahal na mahal nilang anak na si Eli.... Wala na ba talaga?? Sana isa lang 'tong bangungot at sana ay magising na sila..
Napaka bait na anak ni Eli at halos ayaw niyang magkamali.. Ayaw niyang ma disappoint sa kanya ang mga magulang niya kaya gusto niya nga sana na halos perfect na ang mga bagay bagay. Kaya mahirap talaga tanggapin na sa isang iglap lang ay wala na si Eli...
Si Eya ay panay ang sigaw at nakayakap naman sa kanya si Yuan na panay din ang iyak.
"YUAN.....YUAN!!!!" panay sigaw ni Eya at naglulupasay na talaga siya habang nakikita.niya ang mga sunog na bangkay.. Hindi mo na sila makikila dahil nasunog talaga sila..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...