Agad niyang pinunasan ang luha niya..
"Eli ano ba ?? Wag ka ngang baliw !!" sabi niya sa sarili niya. "Hayaan mo na silang mag pakasal !!! " sabi niya pa...
Papasok pa lang siya sa CR nung may humila sa kamay niya. . .
Naramdaman niya ang malambot na palad na humawak sa kamay niya. At pagharap niya ay nakita niya si Kobi !!!
"Kobi ?? Anong ginagawa mo dito ? " nag smile siya kahit fake lang. "Diba ikakasal na kayo ni Mitch ? "
"Hindi ah ! Bakit naman ako mag papakasal sa kanya ? E ikaw ang mahal ko.. Sinamahan lang niya ko kanina , maloko kasi yon. Aasarin ka lang daw niya.. Eli.. Will you marry me ?" sincere na sabi ni Kobi at agad lumuhod kay Eli.. Nag labas pa ito ng singsing na gawa sa bulaklak..
Natulala naman si Eli.. Magpapakipot pa ba siya ?? Baka mamaya maagawan pa siya ni Mitch. Tsaka isa pa, kunwaring wedding lang naman.
"Please ?" tanong pa ni Kobi..
Tumango si Eli..
"Sige. . Payag na ko.. " sagot niya at tuwang tuwa naman si Kobi..
"Talaga ?? Wooohhhh !!!! " sigaw ni Kobi na akala mo ay nag Champion na sila sa basketball game. "PAPAKASALAN AKO NI ELI !!!" sigaw niya pa at inaawat naman siya ni Eli..
"Kobi wag ka ngang maingay !!" awat ni Eli at napangiti na lang din siya..
Sa harap ni Vannesa at ng malaking heart ay nakatayo na don sina Eli at Kobi . Ang daming audience.. Nandun sina Miko at Kenneth pati si Mitch at napaka rami pang iba.. Lahat ay nakangiti at na eexcite sa kasalanang Eli at Kobi. Kinukuhaan naman ni Kenneth ng video ang kasalan ng dalawa.
"Eli and Kobi , sabihin niyo na ang Wedding Vows niyo sa isa't isa.. " nakangiting sabi ni Vannesa.
"Eli, mula pagkabata. . Crush na kita. . At imbes na mawala ang paghanga ko sa'yo.. Lalong lumalim kaya ayun... Biglang mahal na kita. . At wala na kong ibang mamahalin pa Eli.. Ikaw lang !" sincere na sabi ni Kobi at agad sinuotan ulit ng isa pang singsing ang ring finger ni Eli.. "I love You !"
Si Eli naman ay grabe ang nerbyos na nararamdaman.
"Go Eli.. It's your turn !" natatawa pang sabi ni Vannesa.
"Kobi, ah... Thank you ! Thank you for loving me kahit wala naman akong ibang ginawa kundi tarayan ka. " natigilan si Eli at napalunok siya. . "Ahm.. Kobi... Ano kase.. Ah... I like you !!" mabilis na sabi ni Eli at natulala si Kobi.. Hindi niya sure kung tama ba yung narinig niya ! LIKE siya ni Eli??
****
Nasa isang table na sina Myler, Yohan at Jia.
"Alam mo ba Myler , magkakababata kami niyan ni Yohan.. Sobrang likot at hyper niyan !" natatawang kwento ni Jia.
"Mas hyper ka kaya !" react naman ni Yohan at natawa lang si Jia.
"Pero sino ba ang madalas mapagalitan sating dalawa ?" natatawa pang sabi ni Jia . "Diba ikaw ? Remember nung nabasag mo yung eye glass ng Lolo mo ?" natatawa pa niyang sabi at tahimik lang na nakikinig si Myler..
"Anyway.. Past na 'yon.. " sabi ni Yohan.. "Kumusta ka naman ba ngayon? Well kami ni Myler.. " at agad umakbay si Yohan kay Myler at dahil don ay nakaramdam talaga siya ng Security mula kay Yohan.. "Masaya kami sa isa't isa. We love each other very much.. " sabi pa ni Yohan.. "At kapag kinasal na kami.. Gusto ko pumunta ka . .. " sabi pa ni Yohan..
Natahimik naman sina Jia at Myler..
Ngumiti nalang si Myler at si Jia din.. Kahit halatang napipilitan lang..
"Ikaw Jia.. Wala pa ba talaga ang Forever mo?" tanong pa ni Yohan..
"Wala na... " sabi ni Jia.. Natahimik naman sina Myler at Yohan. "Nawala na.. " sabi pa ni Jia..
"Well, for sure dadating din siya sa buhay mo.. " sabi ni Yohan.. "You just have to wait.. "
"Ang tagal ko kaya naghintay.. " malamang sabi ni Jia.. "Pero nauwi lang din sa wala. Anyway tama ka.. Wala naman talaga kong pwedeng gawin sa ngayon kundi ang maghintay ulit.. " malungkot pero nakangiting sabi ni Jia.
Hindi naman maintindihan ni Myler ang mix emotions na nararamdaman niya. Masaya siya sa mga sinabi ni Yohan pero naawa naman siya kay Jia..
"Sige guys.. Una na muna ko sa inyo ah.. " nakangiting sabi ni Jia at agad na siyang tumayo..
"Sige." tumangong sabi ni Yohan at pareho silang natulala ni Myler dahil sa malungkot na itsura ni Jia nung umalis ito.
****
"Popoy !! Bakit mo yun ginawa?" tanong ni Drich nung naglalakad sila ni Popoy papunta sa Cafeteria.
"Bakit? Ayaw mo ba ? " tanong ni Popoy.
"Gusto ko !! Kaya lang hindi ako prepared !!" angal ni Drich..
"Hindi mo naman kailangang mag prepared !" sabi ni Popoy.
"Pero.. Salamat talaga ah.. Na surprise talaga ko.. Hindi ko kasi akalain na magagawa mo yun Popoy !! Na touch ako promise !! " tuwang tuwa niyang sabi.
"Buti naman na surprise ka.. " sabi ni Popoy..
"Siyempre naman ano ! Hindi ko naman akalain na may sweet side ka rin naman pala !" sabi ni Drich..
Sa bandang likuran ay nakarinig sila ng sumisigaw..
"IYAKIN !!!!" tawag nito at napanganga si Drich at napalingon sila ni Popoy.
Palapit sa kanila si Clyde..
"Clyde ???" gulat na tanong ni Drich..
"Ikaw ah ! Na good time mo ko kanina ! Diane Diane kapa dyan !" natatawang sabi ni Clyde at napaismid si Drich..
"Hmp !! And what are you doing here ?" sabi ni Drich.. "Bawal ang outsider dito !"
"Bat ang sungit mo? " sabi ni Clyde.. "Siyempre si Tito Drake ang gate pass ko ! Matatanggihan ba ko??" ngisi ni Clyde.. "Teka ! Hindi mo ba ko papakilala dyan sa kasama mo?" nakangiting sabi ni Clyde sabay tingin kay Popoy..
"Siya si Popoy , my boyfriend ! Popoy siya si Clyde , ang kababata ko !!" malamig na sabi ni Drich.
"Hi Popoy !" bati ni Clyde at agad siyang naglahad ng palad kay Popoy..
"Nice meeting you Clyde.. " bati rin ni Popoy.
"Tara na Popoy.. "aya ni Drich.. "Kain na tayo.. Gutom na ko.. "
"Okay sige.. Tara na.. " sabi pa ni Popoy .
Nung naglalakad na sila ni Drich papasok sa Cafeteria. .
"Gwapings pala yung Clyde na yun ah. . Astig pumorma.. " sabi ni Popoy..
"Hmp ! Mayabang naman yon ! Tsaka mas gwapo ka kesa sa kanya..!" sabi pa ni Drich..
"Asus ! Nambola ka pa ! Gusto mo lang ng kiss eh !" kantyaw ni Popoy at natawa lang si Drich..
"Ang galing ah ! Pano mo nalaman ??" ngiti ni Drich. "Sige na Poy.. Asan ang kiss ko!" sabi ni Drich at agad naman siyang hinalikan sa pisngi ni Popoy.
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...