"Sinabi ko naman sa'yo diba? Set up lang ang lahat. Alam mong hindi kita kayang lokohin.." sabi ni Popoy kay Drich habang nasa kotse na sila.
Huminga ng malalim si Drich.
"Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin kay Clyde!" galit na sabi ni Drich.
"Ipaubaya mo na siya sa'kin!" inis na sabi ni Popoy.
"No!!" sabi ni Drich.. "Baka mapatay mo pa yon!! Ako ng bahala sa kanya!"
"Eh ano kung mapatay ko?!" galit na sabi ni Popoy. "Sinet up niya 'ko at gusto niyang sirain ang relasyon natin. Kaya hindi ako makakapayag na hindi makatikim sa'kin yung Clyde na 'yon!!"
"Palalayasin ko na lang siya sa bahay namin at isusumbong ko siya kay Tito Caloy! Ipapaubaya ko na lang siya sa Daddy at tiyak na magugulpi rin siya ni Tito Caloy!" sabi ni Drich.. "Wag na ikaw Popoy.. Dahil hindi matatapos ang gulong 'to kung patuloy kayong mag gagantihan.. Tama na! Gusto ko ng tahimik na relasyon Popoy." sabi pa ni Drich at huminga ng malalim si Popoy.
"Okay sige.. Ipapaubaya ko na sa'yo 'to.." sabi pa ni Popoy. "Basta ang hiling ko lang.. Next time naman pagkatiwalaan mo 'ko. Wag kang basta basta maniniwala sa iba.. Alam mo naman kung gano kalalim ang pagmamahal ko sa'yo diba?" sabi ni Popoy..
"Pasensya ka na.. Ikaw ba naman kasi ang makakita ng picture na may kasamang babae sa kama ang karelasyon mo e hindi ka ba magagalit?" tanong pa ni Drich at natahimik lang si Popoy.
"Alam mo namang hindi ko 'yon kayang gawin sa'yo!" sabi pa ni Popoy.
"Oo na.. Sorry na.." sabi pa ni Drich.
Ng makarating sila sa malaking bahay nina Drich ay agad na silang pumasok sa loob ng bahay at naabutan nilang nakaupo si Clyde sa sofa. Relax na relax ito sa pag kakaupo at nagpipigil naman ng galit si Popoy. Gusto na niyang lapitan si Clyde at sapakin pero todo pigil talaga siya dahil kailangan niya ring pakinggan si Drich paminsan minsan.
"Clyde! Pack your things at umalis ka na ngayon!" madiin na sabi ni Clyde..
"Ha? Bakit naman?" nagtataka pang tanong ni Clyde.
"PACK YOUR THINGS!!! TRAYDOR KA!!" sigaw ni Drich at nagulat si Clyde sa nakita niyang galit sa mukha ni Drich..
"Anong ibig mong sabihin?" maang maangan na tanong ni Clyde.
Agad lumapit si Drich kay Clyde at binigyan niya ito ng napakalakas na sampal.
"HOW DARE YOU CLYDE!!! BUKO KA NA NAMIN!!!" sigaw ni Drich at hinila naman siya pakabig ni Clyde at mabilis siyang binigyan ng halik sa lips at nagulat si Popoy sa ginawa ni Clyde kaya tinakbo niya ito at binigyan ng malakas na suntok sa mukha..
"GAGO KA!!! PAPATAYIN NA KITA!!" gigil na sabi ni Popoy at agad na dumating ang Mommy ni Drich at agad itong pumagitna...
"Bakit nag aaway away na naman kayo?" nag aalalang tanong ni Chichay.. "Ano na naman bang problema niyo?!" tanong pa nito at nagkatinginan lang ang tatlo.
"Okay! Sasabihin ko ang lahat Mommy at gusto kong palayasin niyo na si Clyde ngayon din!" diin ni Drich.
****
"Kuya ano yang binabasa mo?" pang uusisa ni Yana nung makita niyang busy ang kuya niya sa pagbabasa. Nasa salas noon si Yohan.
"Roswell High!" sagot niya na ang mga mata ay nakatuon pa rin sa binabasa.
"Wow! And since when nung nahilig kang magbasa ng mga ganyan?" natatawang tanong ni Yana.
"Quiet Yana.. hindi ako makapag focus sa binabasa ko.. Malalaman na ni Liz ang totoong pagkatao ni Max.. " sabi pa ni Yohan at natawa lang si Yana.
"Okay! Dyan ka na nga.." sabi ni Yana at nakangiting umalis sa salas.
Naiwan naman si Yohan na busy pa rin sa pagbabasa. Maya maya pa'y lumapit naman ang katulong kay Yohan.
"Yohan, may bisita ka." sabi nito at agad napatingin si Yohan sa katulong. Wala naman siyang ineexpect na bisita. Nasa trabaho si Myler at imposibleng pumunta 'yon.
Maya maya pa ay tumambad na sa harapan niya ang Mommy ni Jia.. Bahagyang nagulat si Yohan dahil hindi niya alam kung ano kaya ang kailangan ng Mommy ni Jia sa kanya.. Mula kasi nung mismong siya na ang nagsalita kay Jia ay hindi na ito nagpakita sa kanila ni Myler.
"Tita? Napasyal po kayo? Have a seat po.." magalang niyang sabi at agad nagpakuha ng meryenda sa katulong.
Naupo na silang magharap sa sofa at nakita ni Yohan ang lungkot sa mga mata ng Mommy ni Jia.
"Yohan ayoko ng magpaligoy ligoy pa.." malungkot nitong sabi. "Alam ko namang mabait kang bata at alam kong maiintindihan mo 'ko.. Si Jia kasi... Nung nakaraang araw.. we rushed her to hospital. Uminom ng maraming gamot si Jia, buti nalang naagapan. Yohan ayaw ng mabuhay ni Jia... Masyado siyang depressed at broken.. Hindi na siya kumakain at hindi niya ko pinapakinggan. Alam mo bang tinuturukan nalang siya para may pumasok na nutrients sa katawan niya. Yohan awang awa na 'ko sa anak ko.. Alam mo namang only child ko siya diba? Ayokong mawala siya Yohan..." lumuluha nitong sabi at tulala lang si Yohan. Nakaramdam din siya ng awa para kay Jia..
"Ano pong maitutulong ko Tita?" tanong nalang niya.
"Gusto kong bigyan mo siya ng dahilan para mabuhay Yohan.. Love her." nagulat naman si Yohan sa narinig niya.. LOVE JIA?? ITS IMPOSSIBLE!
****
"Tito Bench.. pwede ba kaming mag date ni Eli? Gusto ko lang sanang kumain kami sa labas tapos manuod ng sine..." pag papaalam ni Kobi kay Bench nung pumunta siya sa bahay nina Eli.
"Date?" tanong pa ni Bench. "Dinner date okay pa.. sine? Bakit magsisine pa kayo?" tanong ni Bench at lumapit naman bigla si Agnes sa kanila.
"May problema ba sa panunuod ng sine?" tanong naman ni Agnes kay Bench. "Nanunuod din naman tayo ng sine dati diba?" natatawang sabi ni Agnes kay Bench..
"Oo nga!" sagot ni Bench... "At hinahalikan kita sa sinehan.." natatawang sabi ni Bench at hinampas naman siya sa braso ni Agnes at natawa din si Kobi..
"Wag po kayong mag alala.." sabi ni Kobi.. "Mabilis na kiss lang naman po ang hihilingin ko kay Eli." natatawang sabi ni Kobi at natulala ang mag asawa sa kanya.
"At talagang sinasabi mo pa yan sa'min ah..." angal ni Bench.
Napakamot naman sa batok si Kobi at maya maya pa'y bumaba na si Eli..
"Kobi?" gulat na tanong ni Eli. "Bakit ka nandito?"
"Humihingi lang ako ng permission para sa date natin.." sabi pa ni Kobi at napangiti naman si Eli.
"Okay ganito nalang.." sabi ni Bench.. "You'll go out on a date...with Bree and Yana!" sabi ni Bench at nagulat naman sina Eli at Kobi..
"Dad? Bakit silang dalawa pa? For sure hindi kami makakapag date dahil babantayan at sasawayin namin yung dalawang 'yon.. Wag naman sila Dad!" angal pa ni Eli.
"Oh di ako nalang mismo!" sabi pa ni Bench..
"Dad?!" asar na tanong ni Eli at natatawa lang si Kobi..
"Bench naman!" angal na din ni Agnes. "Na experience ba natin noon na may chaperone tayo? Diba hindi naman?"
"Iba na kasi ang mga kabataan ngayon Agnes.. Baka mamaya..." sabi ni Bench.
"Promise po! Wala akong gagawing masama kay Eli." sabi pa ni Kobi sabay taas ng kamay.
"Tsaka papayag ba naman akong may gawin saking masama yan si Kobi??" tanong pa ni Eli.
"Okay ganito nalang..." sabi ni Bench... "Bakit hindi nalang kayo mag triple date nina Yohan at nina Drich?" tanong ni Bench at nagkatinginan sina Eli at Kobi..
"Pwede..." nakangiting sabi ni Kobi at ngumiti nalang rin si Eli
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Novela JuvenilIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...